CHAPTER TWENTY-TWO

160 24 0
                                    

Bago pa man mag-alas -sais ng umaga ay nakahanda na ako para pumasok. Hindi ko alam kung paano haharapin si Kuya. Kung paano pa kakausapin si Glen. Tatawagin ko din ba syang Kuya? Aist.

For the first time in my history of studying, ngayon lang ako pumasok ng 6:15. Konti pa lang estudyante. 

Ang sarap ng simoy ng hangin. Ang refreshing sa pakiramdam. Parang walang problema. How I wish the winds can wash away all this problems. All of this mess. 

Dahil maaga pa napagpasyahan ko na maglibot muna. There are some places in this school na di ko pa nararating. Siyempre late na ako kung pumasok, late na rin kung lumabas. Wala ng time na maglibot pa.

Narating ko yung Mystic Garden na hindi ko pinupuntahan noon kasi mainit. Mukha siyang forest, pero yung magandang forest. Dito talamak ang mga nagde-date kapag hapon na o kaya naman break time. Pero pag ganitong umaaga, wala pa masyadong tao, hindi masakit sa balat ang init ng araw, ang sarap pumunta dito. Ang sarap tumambay. Shet ang sarap matulog dito.

Change of mind. Hindi na lang muna ako maglilibot. Dito na lang ako tatambay. Nakakaginhawa pa sa pakiramdam.

Kahit walang masyadong view, I enjoyed staying there. Nakita ko kung paanong mula sa kakaunti biglang dumadami ang mga nagdadaan na estudyante. May iba na nagmamadali na. Late o kaya hindi nakagawa ng assignment at kailangan na rin ipasa ngayong araw.

And I felt a sting in my heart noong nakita ko na pumasok ang sasakyan ni Kuya. He parked then move out of his car. Iginala nya ang paningin niya pero hindi dumaan sa direksyon ko ang mga mata niya. Baka hindi ako ang hinahanap. Umalis na din siya kaagad, pinakiramdaman ko pa kung papasok siya sa loob ng building ko at sisilipin ako pero hindi nangyari.

I let out a deep breath at bumalik sa kanina kong ginagawa. I look at the other students as they enter the school. Yung iba na fresh na fresh at mukhang sasabak sa pageant, yung iba naman ay haggard na haggard na agad at merong iba na kagaya ko lang, walang ganang pumapasok pero siyempre hindi mawawala 'yng mga estudyante na akala mo lumunok ng isang kahon ng enervon sa sobrang hyper.

I smiled as I watch Avril bugging Cathy as they walk. Naiimagine ko na agad ang nakasimangot na mukha ni Cathy kahit sobrang aga pa. She hates it kapag kinukulit sya. Muli na namang kumirot ang dibdib ko, miss ko na si best friend. Knowing her, kahit mag-sorry ako hindi kami agad magkakabati. And looking back at what I said, magkabati man kami, matatagalan pa siguro bago kami bumalik sa dati. Siguradong malaki ang magiging epekto ng mga sinabi ko lalo na dahil nakita kong nasaktan siya.

I look at my phone to check the time. 6:48 am. So I stand up and fix my things. Kahit papaano ay guminhawa ang pakiramdam ko, salamat sa nakaka-ginhawang simoy ng hangin.

********

I enter the room. Magulo. May ilang tumpukan. Merong ilan na kahit maaga pa ay nakaub-ob na at mukhang tumutulog na. Merong iba na solo, nagcecellphone o naglalaro. Merong ilan na nag-aaral ng notes. Naglakad na ako papunta sa upuan ko.

"Finally you're here!" Avril exclaimed as she saw me and run towards my direction. I just forced myself to smile at her.

"Kasawang kausap si Catherine. Agang-aga ang sungit-sungit ," reklamo niya sakin. I forced myself to smile. Hindi pa ba siya sanay?

Panay lang ang dada nya. Agang-aga chika. Ikwinento niya yung tungkol sa mga bagong members ng basketball at volleyball. Pati na rin yung mga bagong game na bubuksan such as billiard, dart at softball. Basta madami siyang sinabi. Kung gaano ka-guwapo at ka-hot yung mga bagong member ng varsity. But what caught my interest was,

"'Yong taga Cebu, 'yong sumasabay sa atin sa pagkain minsan, ano ngang pangalan 'non?" kunot-noo akong sumagot sa kanya ng, "Albus."

"Ayon! Si Albus, alam mo ba na may dine-date daw sa grade 10 'yon. 'Yong medyo matured-looking na babae na makinis na malaki ang hinaharap. Nakalimutan ko ang pangalan,e. Basta kilala mo 'yon."

Dine-date? Grade 10? Iyon ba yung nakita kong kasama niya kanina pagpasok niya ng gate? I thought he was just being friendly nang ipagdala niya ito ng bag. I didn't know he was being too friendly. Akala ko na-tripan niya lang mag-feeling bata at halos nag-hahabulan silang dumaan ng corridor kanina to the point na hindi niya ako napansin. Kaya ba hindi ko siya ma-contact kasi may dine-date na siya na grade 10? Eh ako? Ayaw niya na sakin kasi grade 11 na ako? Letse siya. Kingina niya.

"Hoy," pagkuha ni Avril ng atensyon ko pero hindi ako lumingon sa kanya. I didn't response either.

"Hindi mo ba alam? Akala ko bestfriends kayo. Sabi nya, bestfriends kayo tapos 'yon nga lagi kayong magkausap minsan hinahatid ka pa. Akala ko nga 'nong una nililigawan ka niya e. Maiinggit na sana ako sayo kasi siyempre papable 'yon si Albus kaya lang 'nong tinanong ko sya sabi nya bestfriends nga lang daw kayo."

I look at her. I know she's serious. Walang balita na fake 'to kaya nga pwede na 'tong news anchor e. Pero gusto ko siyang sapakin, why is she moving her head side to side while she is talking? I'm offended. I know it's her mannerism but can't she help it? Naiirita tuloy ako sa kanya.

Pero mas gusto kong sapakin si Albus. Putangina? Bestfriend? Nag a-iloveyou-han tapos bestfriend lang? Hinahatid sa bahay, sinusundo tapos bestfriend lang? Pinanonood ng game niya, taga-bigay ng tubig at tuwalya tapos bestfriend? Magkausap gabi-gabi tapos putangina? Bestfriend lang? Hulog na hulog na ako tapos ano? Bestfriend lang pala ako? Tangina nya talaga gago sya.

Pumasok ang first period namin pero putangina naiiyak ako. Bakit kasi walang cr sa loob ng room namin. Feeling ko kapag nagsalita ako hahagulgol na lang ako ng iyak.

Wala e. Bestfriend lang pala.

Pero no. No, Kristina. You oath to yourself na hindi ka iiyak dahil lang sa lalaki. Okay lang yan, pinaasa ka lang naman. Pinuyat gabi-gabi. Pinakain ng matatamis niyang salita. Inalila kapag may laro siya ng basketball, taga-bili ng gatorade at tubig. Taga-punas ng pawis. Okay lang yan. Ikaw 'tong tanga na nag-assume magtiis ka.

Tangina para sa taong nakaimbento ng salitang bestfriend. Dahil sayo may instant palusot ang mga lalaki kapag may pinapaasa silang babae. Tangina.

At punyeta, hindi ko namalayan na umiiyak na pala ko. Correction, humahagulgol.

Agad kong hinagilap ang panyo ko at itinakip sa mukha ko habang umiiyak pa rin. Ituloy na, nasimulan na e.

"Te anong problema? Nakatingin na sayo si Mam pati mga kaklase natin," mahinang bulong ni Avril na parang nahihiya na siya sa pag-iyak ko. Ako nga rin gusto kong mahiya at tumigil na pero pesteng luha 'to ayaw talaga tumigil. Kayo kaya ang puyatin gabi-gabi tapos bestfriend lang?

"Ms. Mendoza anong problema jan ni Ms. Villazrde?" narinig ko na tanong ng teacher namin kay Avril.

"Ah Mam kasi naiwan n-nya yung libro niya sa subject nyo Mam. Opo tama! Naiwan niya po yung libro niya."

Sa sobrang hiya dahil sa palusot ni Avril sa buong klase, bigla na lang tumigil ang luha ko. Seriously? Dahil sa libro? Sinong Senior High Student ang iiyak dahil lang nakaiwan ng libro? Kahit nga noong grade 1 na pinapauwi ako ng teacher ko kapag iwan ko 'yong libro ko hindi ako umiyak, e. Letse.

Atleast she save your pride Kristina. Hindi dahil kay Albus kaya ka humagulgol na parang baka sa klase mo, nakaiwan ka lang ng libro.

Alin ang mas nakakahiya don?

Until the Last PageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon