CHAPTER THIRTEEN

209 36 0
                                    

"Kristina," naalimpungatan ako nang makaramdam ako ng marahas na pagyugyog sa balikat.

"Kristina!"

Napabangon ako bigla sa kama habang naghahabol ng sariling hininga. Ramdam ko ang pagtulo ng pawis sa buong katawan ko. Teka, brown-out ba? Lumingon ako kay Cathy na nasa katabi ko sa kama. She looks so worried, I forced a smile.

"Binabangungot ka," worried niyang sabi. Nginitian ko lang siya at inaya na ko na rin siyang bumaba.

I dream of those kids again and it's getting weirder and weirder everytime. Kung dati nakikita ko lang sila ngayon pati 'yong emosyon at sakit na nararamdaman nila habang sinasaktan sila parang nararamdaman ko rin and it's getting painful every time.

Ramdam ko pa rin ang panginginig ng buo kong katawan mula sa panaginip na yon habang bumababa kami ng hagdan. Kung hindi pa ako umakbay kay Cathy pababa feeling ko babagsak ako sa sahig sa sobrang hina ng tuhod ko.

Pagkababa namin ay dumiretso na kami sa kusina at mukhang si Glen ang nagluto ng almusal ngayon. Hotdog at siningag na punong puno ng bawang. Kasunod naming bumaba si Kuya na mukhang nakaligo na.

"Nga pala Tin," agad akong napatigil nang magsalita si Kuya. Tin. Napalunok ako. Napansin kong natigilan rin si Kuya. Hindi ko alam kung bakit grabe ang dagundong ng dibdib ko nang marinig kong tawagin niya ako na Tin, su

"Oh bakit?" nagtatakang tanong nya sakin. Napansin ko ang ilang beses niyang paglunok.

"Tinawag mo ko na Tin." He shrugged his shoulder bago nagsimula ng kumain. Napansin ko ang pagsasalubong nila ni Glen ng tingin. Parehong tensyonado. Are they hiding something from me?

Ngumiti sakin si Glen nang makitang niyang nakatingin ako sa kanya. Nag-iwas rin siya ng tingin kapagkuwan at bumalik sa pagkain.

"Kanin?" tanong ni Cathy bago inabot sakin ang platong may laman ng kanin.

"Mag commute na lang muna kayo ni Glen. Mauuna ako,"sabi ni Kuya habang nilalagay ang pinggan niya sa lababo. Tapos na sya agad? Masyadong tahimik ang lamesa na hindi ko namalayan na tapos na pala sya kumain.

Sinundan ko lang ng tingin si Kuya hanggang makalabas sya ng kusina. Pagkalabas nya ay nagsalubong ang tingin namin ni Glen at tipid nya lang akong nginitian.

Ang gwapo ni Glen shet!

Pero dahil madalas ko na syang nakikita, hindi na ako masyadong kinikilig sa kagwapuhan nya. Immune na ako kumbaga!

Imbes na mag-comute gaya ng sabi ni Kuya, sumabay na lang kami ni Glen kay Cathy.

Pagkarating ng school agad naman akong umupo sa upuan ko. Pagpatak ng 7:15, hindi pumunta ang first period namin pero pinatawag ang president which is si bestfriend! Pagkarating niya galing faculty agad niyang ipinasa sa secretary ang ipinapagawa sa kanya which is ako!

Clearance.

Patapos na nga pala ang first sem.

Isang katok ang pumutol sa buntong-hininga ko. And to my surprise, it was my man in the rain. Iginala nya ang paningin nya sa buong classroom at ng mahagip ako ng tingin nya ay ngumiti sya sakin.

NGUMITI SYA SAKIN. Parang tumigil ata ang tibok ng puso ko. Shemay! Sobrang pogi

Pagkatapos niya akong ngitian ay muling gumala ang tingin nya. Nahalata na ata ni Isaac na nasa pinto na mukhang may hinahanap ito kaya tinapik niya ito sa braso at tinanong,

"Pare, sinong hanap natin?" Agad siyang ngumiti kay Isaac. Hays, ang swerte ni Isaac. Ano ba yan! Dapat sakin lang siya ngumingiti ng ganon!

"May I excuse Ms. Alvarez?"

Agad naman nanlaki ang mata ko. Bakit si bestfriend ang hanap? Nandito naman ako.

Hinanap ng mata ko si best friend na nakita kong kakwentuhan nina Romnick sa dulo probably about moba na naman 'yon. Tinawag ito ni Isaac pero mukhang hindi niya narinig kaya tinapik siya ni Romnick sa braso at itinuro ang direksyon nina Isaac. Kunot-noo siyang lumingon sa pinto. Isaac just shrugged his shoulders bago itinuro ang man-in-the-rain ko na nasa pinto.

"Bakit?" taas ang kilay na tanong nya kay man-in-the-rain-ko na nakangiti naman sa kanya. Huhu bakit lagi siyang nakangiti? Lumalabas ang sobrang ka-pogian niya!

"Bagay sila no?" mahinang bulong ng katabi ko na si Avril. Tiningnan ko sila ulit at oo nga! Bagay nga sila.

Agad namang bumagsak ang balikat ko. Bakit bagay sila? Mas maganda ako kay bestfriend, ibig bang sabihin 'non mas bagay kami? Bakit nya hinahanap si bestfriend? Na love at first sight ba sya nung nagkabanggan sila? Ganun sa mga movies nagkakainlove-an ang mga bida pagkatapos nilang magkabanggaan. Hindi pwede! Pwede kong karibalin lahat pero hindi si bestfriend.Hindi ko alam kung ano ng nararamdaman ko basta isa lang ang alam ko - masikip sa dibdib. Masakit. Parang pinipiga ang puso ko ng paulit-ulit.

Crush pa lang naman to diba?

Mas lalong sumikip ang dibdib ko ng makita kong nagngingitian na sila. Close na sila agad? Ambilis naman.

------

"Hoy," tamad akong lumingon kay Avril na kanina pang nag-hoy ng nag-hoy. Kasalukuyan kaming nasa canteen para kumain ng lunch. Si Cathy ang pina-order namin ng pagkain.

"Bakit kanina ka pang naka-bangot jan?" hindi ko pinansin ang tanong niya. Bumalik ako sa pagyukyok sa lamesa. Gutom na 'ko.

Napaangat ako ng tingin nang marinig ko ang pagpatong ng tray sa lamesa namin. Bahagya akong napangiti bago kinuha ang plato ko na may pagkain. Nakailang subo na ako nang mapansin ko ang pagtitig sakin ni Cathy. Unconsciously kong kinapa at pinunasan ang gilid ng labi ko.

"It's weird," sabay kaming napatingin ni Avril sa kanya.

"Alin?" agad na tanong ni Avril.

"Do you know him?" sa akin siya nakatingin.

"Huh? Sino?"

"Iyong pogi na sinasabi mo." Sino? My man in the rain?

"He ask me of your name. Your address. Your family members. Halos lahat ng tungkol sa'yo itinanong niya e and it's sound like he knows a lot about you and he's just asking for clarification. Do you know him, Kristina? Have you met him before?" Napatitig ako sa ka-seryosohan niya. E ano naman kung he ask those things? Baka gusto lang akong kilalanin bago ako ligawan. I smiled. Malala na ako. Mukhang hindi na lang crush 'to.

Lagot kay, Kuya.

Until the Last PageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon