"Kuya kakain na," kanina ko pa pilit na pinapabangon si Kuya pero hanep ang hirap talaga gisingin nito.
"Inaantok pa ako," mahinang reklamo niya namay ungot pang kasama. Napabuntong-hininga naman ako.
"Kuya," agad kong dinampot ang braso niya at hinila.
"Hmm sakit ng ulo ko."
Pabagsak kong binitawan ang braso niya. Narinig ko siyang nagreklamo sa sakit.
Paano ba namang hindi sasakit ang ulo niyan, e pati yung beer ni Glen siya na ang umubos.
"Sakit ng lalamunan ko," ungot niya uli. Wala akong ibang nagawa kundi umirap sa ere. Paanong hindi? Pumalahaw ba naman ng sigaw at iyak kagabi. Pagkatapos ng pam-pamilyang drama, iniiyak niya rin ang walang asenso niyang lovelife.
"Kuya kapag hindi ka pa bumangon jan, ise-send ko talaga kay Cathy yung video mo na umiiyak sa kanya kagabi," pananakot ko sa kanya. Umaasang babangon na siya dahil wala kaming mapapala kung maghapon lang siyang nakahiga. Hays, napaka-tamad talaga.
"Sige, baka maawa balikan ako," bagsak ang balikat na lumayo ako sa kama niya. Wala na. Wala na talagang pag-asa ang kapatid ko.
*****
Nakasimangot ako buong byahe. Paano? Kasasabi niya lang kagabi na magba-baksayon kami pero heto at nasa daan na kami pauwi. May baksayon bang isang gabi lang? Akala ko pa naman makakatakas ako sa defense namin.
"The baby girl is sulking," kanina pang asar sakin ni Glen. Sinamaan ko siya ng tingin bago muling bumaling sa may bintana.
"Kristina, that's not good. May defense ka pala this week, hindi mo sinabi. Kung hindi pa ako nanga-musta sa best friend mo, hindi ko pa malalaman."
Whatever.
Tahimik kaming tatlo na pumasok sa bahay. Tahimik ang bahay na sumalubong samin. Malinis. Payapa. Walang bakas ng kahit sino.
"May gagawin ka ngayong gabi?" tanong ni Glen habang nakadungaw ang ulo niya sa pinto ng kwarto ko.
"Wala naman."
"Magbihis ka ng mga 6:00 mamaya, aalis tayo." Saan na naman? Tumango naman ako kay Glen, ngumiti pa muna siya bago isinara ang pinto.
May date ba uli kaming tatlo? Napangiti naman ako. Seems like everything is going back to normal. Sana lang tuloy-tuloy na.
Pagpatak ng 6 ng hapon, nakasuot na ako ng isang pink na dress at ready na para sa kung saan mang lakad na naman naming tatlo. I can't help but smile for no reason.
Paglabas ko ng kwarto, papasok si Kuya sa kwarto niya. Nanlaki pa ang mata ko ng makitang 'di pa bihis si Kuya. Mali ba ako ng bihis? Sobra ba? Bakit nakasando lang si Kuya? Baka naman sa park lang kami pupunta o kaya sa kanto para mag-isaw?
Nang mapansin ako ni Kuya ay malaki ang ngiti na lumapit siya sakin at hinawakan ako sa magkabilang balikat.
"Ganda naman ng bunso namin," hindi ko alam kung nang-aasar na naman ba siya o ano pero there is a genuine smile on his lips and sincerity on his eyes.
Nginitian ko siya pabalik. Bihira lang ako mag dress, naninibago siguro ang mata nya. Magdress na ba ako palagi para lagi akong maganda sa paningin niya. Pwede.
"Dalaga ka na," napasimangot ako. Hindi ba obvious? Alam kong flat-chested ako pero may umbok pa rin naman kahit papaano.
"Obviously." Inirapan ko siya na ikinatawa niya.
"Pwede ka ng lumandi pero bawal pa ang boyfriend, okay? Crush lang."
Then I suddenly remember something and felt guilty. Then I've been reminded na walang dapat ika-guilty. Yes, I have a special feelings for him pero sa kanya na nanggaling, there's nothing special between us. Bestfriend lang ako.
Bago pa masira ang magandang gabi at mood ko. I smile to my brother at bahagyang hinaplos ang kamay niya na nasa balikat ko.
"Opo, 'tay." na sinamahan ko pa ng tango. Bigla na lang dumapo ang kamay niya sa ulo ko at hinampas 'yon ng konti. Hindi naman masakit.
"Panira ka," saka niya ako iningusan at tumalikod na para bumalik sa kwarto niya
"Totoo naman. Sana huwag maging babae ang maging anak mo dahil kawawa siya sa sobrang pagka-conservative mo.Teka, Kuya!" Lumingon siya sakin ng nakangiti pero 'di na lumapit. Hawak niya na rin ang doorknob.
"Bakit? Miss mo 'ko agad?"
"Saan tayo pupunta? Mali ata ako ng bihis." Nginitian niya lang ako.
"Hindi ako kasama e," bahagya pa siyang sumimangot pero hindi malungkot, more like nanghihinayang.
"Huh? Bakit?"
"May lakad kayo ni Glen, di nya ba sinabi?" napakamot pa siya sa ulo niya.
"Okay lang yang bihis mo. Bagay na bagay sa pupuntahan nyo," ngumiti pa muna siya saka pumasok sa kwarto niya. Ano daw? Hindi niya naman sinagot ang tanong ko kung saan pupunta, e.
Ilang saglit pa akong tumunganga sa pinto niya sa hindi ko malaman na rason. Siguro dahil ang weird niya na naman?
"Oh bihis ka na pala, tara na!" Nalipat kay Glen na nasa hagdanan ang atensyon ko. He looks so excited. Sobrang gaan ng aura at ngiti nya. Nakakahawa. Unconciously, napangiti rin ako. He offered me his hand and place it in his arms. Saka kami bumaba ng hagdan.
"Anong drama 'to?" natatawang tanong ko sa kanya. Mukha kaming royalty na pababa ng hagdan. Feel na feel niya pa ang pagbaba. May mga nag-aabang bang camera sa baba?
"Mukha ka kasing prinsesa sa suot mo, baby girl e. Kailangan mukha ka ring prinsesa pagbaba," hinampas ko naman siya sa balikat.
"Bakit? Mukha ba akong lalaki kapag bumababa?" hindi siya sumagot pero hindi ko alam kung paano tatanggapin ang nakakaloko niyang tawa.
Nakarating kami sa sala, na buti na lang walang kahit anong camera. For a moment, I really thought na may camera sa baba. Malay ko ba anong klaseng buhay meron 'to si Glen bago namin nalimot? Baka celebrity o kaya model.
Paglabas ng bahay, agad kaming pinagbuksan ng pinto ng isang hindi ko kilalang lalaki. Sa isang hindi ko rin kilalang sasakyan. The car was white but shiny. Common ang kulay na white sa sasakyan pero mahahalata na mamahalin ang sasakyan na 'to. At ang disenyo ng loob ang nagpatunay na hindi nga 'to mumurahin. Shems, bigatin. Milyonaryo nga ata ang kapatid ko ah! Eto na ba ang magiging service namin tuwing papasok kami?
Medyo malayo ang biyahe pero hindi naman inabot ng kalahating oras. Pumasok kami sa isang restaurant, hindi ako pamilyar. Hindi ko nga alam na may ganto pala dito. Kakaunti lang ang tao, naninibago rin ako kay Glen. His gestures was ... well, it's quite classy. Simpleng lakad at pag-alalay niya lang sakin papunta sa table ata namin but his presence, just now, shouts superiority and sophistication.
Shet, ibang Glen ba kasama ko? Gone was the cheeky and jolly Glen I knew.
Huminto kami sa harap ng isang mesa. May nakaupo na, mesa ba namin 'to? Bakit parang occupied na?
I look around, madami namang bakante na table. Aayain ko sana si Glen sa kalapit lang na table nang magsalita siya.
"'Dy." natigil ako sa paglinga-linga. 'Dy?
Tumayo ang lalaki at humarap samin. He looks alot like Glen. Glen's older version. Bumaba ang braso ni Glen at hinagilap ang kamay ko. Mahigpit pero hindi masakit. Assurance. That's what he want me to feel right now. Assurance na hindi ko kailangan matakot ngayong gabi dahil kasama ko siya.
Ngumiti si Glen sa kaharap namin but the man stilled his sight in me. Nanatili sakin ang tingin niya. Nanunuri. Nagmamatyag. Nangingilala.
The next thing I knew, nasa loob na ako ng isang mainit na yakap. Ng isang tatay. He is crying at namalayan ko na lang rin na may pumapatak ng luha mula sa mga mata ko.
Umiiyak rin ako pero hindi dahil sa ilang hampas at palo na mula sa tatay ko, kundi dahil sa napakasarap na pakiramdam.
"I'm your daddy, baby girl. Your daddy," paulit-ulit niyang sinasabi habang yakap ako.
At a young age, I wonder what a father's hug felt like. What a father's love felt like. And now, I'm getting it both.
So this is what it felt like. Finally, I'm getting it.
BINABASA MO ANG
Until the Last Page
Teen Fiction"There is nothing worse than meeting the perfect person at the wrong time." Kristina Azalea Villazarde is always fascinated by the idea of love. She is a girl, like a book, open to anyone who likes to read her. And she sees love as something powerfu...