CHAPTER TWENTY-SEVEN

167 23 0
                                    

The noise of the wind wake me. Parang nasa tabing dagat. I opened my eyes hurrily and look around. Wala na akong kasama sa loob ng sasakyan. I look thoroughly in the dark. Nasa dagat ba kami? Mabilis akong lumabas ng sasakyan. I decided to walk little by little pero hindi ako masyadong lumayo sa sasakyan. Nasa dagat nga ata kami. May mga tela na tila ba sumasayaw kasabay ng simoy ng hangin.

"Hoy," Natawa na lang kami pareho. Akala ata ni Glen ay magugulat niya ako but I'm too mesmerized by the view. May mga kubo na nagflo-float sa dagat na napupuno ng ilaw. Ang ganda. I look around and there's a bridge. May mga christmas light din sa hawakan at tapakan ng bridge. Too romantic para sa mga magde-date.

"Asan tayo?" Sabay kaming naglakad ni Glen papunta sa reception area ng resort.

"Batangas." I surprisingly looked around, again. Wow, nasa Batangas ba talaga kami? Baka pinag-tri-trip-an niya lang ako.

"Wow anlayo." Agad ko namang nakita si Kuya na may kausap na receptionist at mukhang kumukuha siya ng kuwarto. So he is really serious about this vacation thing?

"May isang room sila pero tatlo ang kama , 'yon na lang ba ang kunin natin?" salubong niya sa amin nang makalapit kami sa kanya.

"Sige," halos sabay naming sagot ni Glen.

Wala namang malisya, magkakapatid naman kami saka para mas enjoy. Inabot naman 'nong babae ang susi kay Kuya, humingi siya ng isa pang kopya at inabot iyon sa akin.

"Ako, wala?" parang batang reklamo ni Glen. Nakalahad ang dalawang palad niya sa harapan ni Kuya. Bahagya pa siyang nakanguso pero hindi siya pinansin ni Kuya at nilampasan lang. Tinawanan ko naman siya saka dinilatan.

"Beh. Hindi ka love," nang-aasar na bulong ko sa kanya saka patakbo akong sumunod kay Kuya.

"Kuya James," tawag niya kay Kuya. Agad namang tumakbo si Kuya palayo kaya para kaming mga batang nagtakbuhan hanggang makarating sa kwarto namin. Hinihingal pero tumatawa kaming pumasok tatlo sa loob.

"Wag mo na uulitin 'yon Glen, nakakadiri," natatawang sabi ni Kuya saka siya umupo sa kama. Pabagsak namang humiga si Glen sa kamang napili niya.

"Alin 'don?" natatawang tanong ko kay Kuya saka tumingin kay Glen ng nang-aasar. Alam ko na ang isasagot ni Kuya

"Lahat," sabay kaming tumawa ni Kuya na nagpahaba lalo ng nguso ni Glen.

"Bad kayo, inaaway niya 'ko."

"Stop that, Glen. Mukha kang pato," nang-aasar na puna ni Kuya kay Glen. Agad namang umupo si Glen sa kama niya at itinuro ang sariling labi.

"Excuse me? I have a very kissable red lips. Gusto mo i-try?"

*****

Pagkatapos umidlip ni Kuya, napag-desisyunan namin na pumunta sa seaside habang dala-dala yung mga pinamili namin sa mini-store kanina. Nang makahanap na kami ng spot, sabay-sabay kaming umupo, bahagyang magkakalayo. Ako sa gitna, sa kanan ko si Kuya at sa kaliwa si Glen. Pinaghatian nila 'yong mga canned beer at nagulat ako nang abutan ako ni Kuya ng isa.

Nanlaki ang mata ko at napalunok ng bahagya.


Alam nya na bang umiinom ako kapag mga kaklase ko ang kasama ko sa mga birthday-an? Patay.

"Huwag kang iinom ng wala ako baka mabuntis ka ng maaga," tumango naman ako sa paalala niya. I find it really funny kapag naririnig ko 'yon sa matatanda.

'Huwag ka muna, magbo-boyfriend hindi ka makakatapos.'

'Huwag kang iinom, mabubuntis ka ng maaga.'

Until the Last PageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon