CHAPTER FOURTEEN

213 35 1
                                    

"Albus," nagulat naman ako nang biglang may ibulong sakin si Cathy. Math namin ngayon at iba ang seating arrangement namin 'pag ito ang subject. Kung 'san ka kumportable, doon ka uupo. At dahil sa kanya ako kumportable pati na rin ang magiging grades ko, sa kanya ako tumabi.

"Ha?" bulong ko sa kanya habang kunwari nagsusulat sa notebook. Mahirap na at baka matawag pa.

"Pangalan," maikling sagot niya. Teka, pangalan nino?

"Nino?" tanong ko sa kanya.

"Nung pogi."

"Sinong pogi?" Syempre, maraming pogi sa school namin e.

"Yung crush mo," bulong nya pabalik. Napatingin naman ako sa kanya na saktong pagbaling niya rin sakin. Shet mahahalata kami neto e! Sinamaan ko siya ng tingin at agad naman siyang umayos ng upo.

"Sabi ko Albus pangalan ng crush mo," nanlaki naman ang mata ko ng bigla niyang sinabi yon. Hindi bulong pero hindi rin naman masyadong malakas. Para akong nagka-stiff neck na hindi makalingon sa iba kasi ramdam ko yung mga tingin nila. Hanep!

Math ngayon. Syempre tahimik lahat tapos magsasalita siya ng ganun. Edi pakinig ng lahat maliban lang ata 'don sa teacher namin na busy masyado sa pagsasagot ng equation sa white board.

"Goodbye class," sabi ni Sir Larry - teacher namin sa Math na walang pakialam sa mundo - sabay labas na ng room. Pagkalabas niya ay saka nagkanya-kanya ng asar ang mga kaklase ko sakin.

"Yieee Kristina,"

"Aroy yung taga Cebu pala ha,"

"Yieee,"

"Albus pala haaa,"

Feeling ko sobrang pula na ng mukha ko habang lumalabas ng room.

"Uy," agad na habol sakin ni Cathy habang bahagyang tumatawa pa.

"Uy ka jan," sabi ko sa kanya saka ko siya pabirong inirapan. Letseng 'to pahamak. Tinawanan lang naman ako ng bruha.

"Hindi uubra sakin ang pag-irap-irap mo, Kristina."

Nagtuloy kami sa public cr sa second floor. 'Yon 'yong madaming cubicles saka maraming lababo.

"Ikaw kasi bingi-bingi ka e. Napalakas tuloy," muli siyang tumawa ng mahina bago pumasok sa isang cubicle.

Naghilamos naman ako ng mukha. Hanep talaga. Sobrang pula ng mukha ko for sure. Hindi naman siya big deal kung tutuusin kasi solid naman klase namin. Natural lang na alam ng lahat ang crush ng isa. Biglaan lang kasi yung akin. Tapos eto yung unang beses na nalaman nila ang crush ko. Tapos may ilan din akong kaklase na ka-close ni Kuya o kaya kalaro sa basketball baka bigla nilang masabi. Si Kuya pa naman, sobra sa pagka-old fashion baka bigla na lang akong patigilin at ikulong sa bahay 'non kapag nalaman niya.

Saktong pagtingin ko sa salamin ay nakangising mukha ni Cathy ang nakita ko

"Gusto mo bang ilakad kita?" Kay Albus? Itakbo mo na para mabilis. Lihim naman akong napangiti.

The sudden scene of us together under the rain excites me. Late night calls and texts. Susunduin at ihahatid niya ako sa bahay. The scene of him and me made my heart skip a beat.

Kaya kahit gustong-gusto kong um-oo, iba ang lumabas sa bibig ko.

"Sus. Hindi na," binigyan ko siya ng tipid na ngiti. She shrugged her shoulders bago lumapit sa isang lababo at maghinaw ng kamay.

Alam ko, gusto ko na sya. Pero ayaw ko kasi na magkaroon kami ng tulay or something like that. Sa mga novel, sa tulay nahuhulog ang bidang lalaki. Sabihin man na reyalidad 'to, hindi pa rin 'yon imposible. At hindi rin naman sa wala akong tiwala kay Cathy. It's just that ayaw kong magmukhang easy to get. Mababaw. Madaling kuhanin.

I want something pure. 'Yung tipong sinulat ng tadhana ang datingan. I want him to like me because it's me. Not the 'me' na narinig nya sa iba pero 'yong 'me' na nakita nya. Nakasama. Nakausap. Nagustuhan.

"Ayaw mo talaga?" parang hindi makapaniwalang tanong niya sakin. Muli akong ngumiti bilang sagot.

"Alam mo bang pinsan ko pala 'yon," napalingon ako sa kanya pero hindi ako nagsalita. Hindi ko alam ang sasabihin ko, e. Napansin niya yatang wala akong masabi kaya nagkibit-balikat lang siya sabay sabi ng, "Skl."

I mentally laughed. Hindi ko naman siya babarahin e. Nagulat lang din ako, lahat kasi ng pinsan ni Cathy kilala ko na. It's just a surprise na ang man-in-the-rain-ko pala ay pinsan niya. Hay, what a small world.

Naglalakad na kami pabalik ng room namin ng bigla siyang tumigil at lumingon sakin. Nauuna kasi syang maglakad kanina.

"Nga pala, dalawang kanto lang ang layo ng bahay niya sa bahay nyo," she said with a smile and then winked at me.

Suddenly,the scene of us going home together enters my mind. Scene of us eating isaw in the kanto. Scene of me cheering for him while he plays in the court. Scene of us exercising together

Napahawak ako sa dalawang pisngi ko when a sudden realization hit me.

Hindi nga pala ako nag-eexercise kasi tamad akong gumising ng maaga.

Oh no.

Until the Last PageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon