CHAPTER SEVEN

273 60 3
                                    

Pagkamulat ng mata ko ay nakaramdam ako ng uhaw kaya sa kusina ako dumiretso para uminom. Hindi pa ako tuluyang nakakapasok ng kusina, nakita ko na si Glen at Kuya na nagka-kape. Nagde-date ba sila dito sa kusina? May tina-type si Kuya sa laptop niya habang umiinom ng kape habang si Glen naman ay parang first time nakatikim ng pandesal na isinasawsaw sa kape. Mukhang yayamanin si pogi, ah.

"Pare, nasabi mo na ba sa mama nyo yung tungkol sa pagtira ko dito?" rinig kong tanong ni Glen, busy pa rin sa pagkain ng pandesal. Hindi ko narinig ang sagot ni Kuya. Alam ba ni Mama? O kagaya dati, hindi na naman siya ni-replyan?

Papasok na sana ako sa kusina nang may mag-doorbell. Napabuntong-hininga na lang ako ng makita kung sino ang nasa labas.

"Sino na naman ang nag-order ng lugaw sayo?" mataray na tanong ko 'don sa bata.

"Edi malamang 'yong Kuya mo 'te, suki namin 'yon e. Kuripot ka kasi," malaki ang naging ngisi sakin 'nong bata na parang inaasar ako. Akala niya ata 'di ako pumapatol sa bata.

Umirap muna ako bago nagsalita, "Bayad na ba 'yan?"

"Hindi pa 'te," malaki ang ngising sagot niya.

"Paano kung hindi kita bayaran?" nanghahamon na tanong ko 'don sa bata. Nginisihan niya na naman ako.

"Papa-tulfo kita, 'te." Aba nga naman. Mukhang wala akong lusot sa bata na 'to ah. On the second thought, may laban ako, ang laki niya kaya maningil ng shipping fee. Rereklamo ko rin siya, pero wag na lang, mae-expose pa ako sa tv at facebook.

"Magkano ba?"

"Dating presyo, 'te."

"Eighty pesos, kasama shipping?" paniniguro ko sa kanya. Hinding-hindi ko siya makakalimutan. Pati 'yong shipping fee na bente pesos.

"Bale one-hundred na, 'te." Napakunot naman ang noo ko. Bakit nagmahal? Nagmahal ba ang lugaw o nagmahal ang shipping fee?

"Bakit?"

"Sixty pesos 'yong lugaw, 'te-" Ibig sabihin, hindi nagmahal ang lugaw. Naputol ang sinasabi niya nang sumingit ako.

"Oo, tapos bente ang shipping, tama?" malaki ang ngising umiling siya sakin.

"Marami kang tanong 'te kaya kwarenta na ang shipping fee."

"Ang mahal naman," reklamo ko sa kanya. "Wala bang tawad? Suki naman Kuya ko?" dagdag ko pa.

"Lugi pa nga ako sa kurot at sa sermon na matatanggap ko pagbalik ko e. Ang tagal ko kasi dito, dami mo kasing tanong 'te, e." Nagkamot pa siya sa ulo niya na parang problemado talaga siya. Binigyan niya ako ng tingin na parang ayaw niya pang umuwi at gusto niya muna pumasok sa loob ng bahay namin dahil pagod na pagod siya at gutom na gutom.

So ano? Papapasukin ko siya at dahil walang ibang pwedeng ipakain, bigyan ko na lang siya nitong lugaw na dala niya, na binili ko, na babayaran ko rin sa halagang isang-daang piso? Ganun ba?

Bago pa kumagat sa kalokohan nang bata na 'yon, agad na akong pumasok para kumuha ng pambayad. Sakto nakasalubong ko si pogi.

"May isan-daan ka?" nagulat pa ata siya nang maglahad ako ng kamay sa harap niya. Dumukot siya sa bulsa niya at inabot sakin ang pera. Agad naman akong bumalik sa bata sa labas. Baka kasi 'pag nagtagal pa ako biglang mag-doble ang presyo ng lugaw na 'to, e.

Napanguso ako nang hindi sumabay samin si Kuya pagkain ng lugaw. Bakit ba kasi dalawa lang na lugaw ang in-order niya? Para sa kanila lang ba 'to ni Glen? Nakalimutan niya na ba ang kapatid niya? O akala niya hindi ako magigising ng maaga?

Napabuntong-hininga ako. Inuna pa ang pag-aayos ng halaman kesa sabayan ako kumain. Mas mahalaga ang halaman kesa sakin. Hays.

"Ayaw mo ba ako kasabay?" magaan ang ngiting tanong sakin ni Glen.

"Ha?"

"Kanina kapa kasing nagsa-sigh, e. Ayaw mo ba ng lugaw o ayaw mo 'ko dito?"

Hala! Ang drama ni pogi. Napangiti tuloy ako. Nilalandi niya ba ako o nagpa-paawa siya? Lagot siya kay Barabas kapag nilandi niya ako.

Sasagot na sana ako kay pogi nang makita ko si Kuyang pumasok ng kusina. Pinasadahan niya kami ng tingin bago dumiretso sa ref at kumuha ng tubig. Pinanood ko siyang uminom hanggang sa ibalik nya sa ref ang lagayan ng tubig. Something's off with him. Sobrang tahimik niya.

Nang makitang lumabas siya ng kusina ay agad akong nagpaalam kay Glen na susunod kay Kuya. Tumango naman siya ng hindi nawawala ang mga ngiti. Pagkalabas ay agad kong nakita si Kuya na umupo sa isang tabi ng garden at nagsimula na namang magbungkal ng lupa. Kinuha ko yung payong na nakita ko at umupo sa tabi niya. Akala ko ay lilingon siya pero hindi niya ginawa.

"Kuya," tawag ko ng pansin sa kanya pero tuloy pa rin siya sa ginagawa.

"Kuya."

"Barabas."

"Ka-Tonying?"

Naitawag ko na ata sa kanya lahat ng palayaw niya pero hindi niya talaga ako kinikibo. Ano na namang ginawa ko? Baka mamaya pina-prank niya lang ako, kukutusan ko talaga siya.

"Bakit ka ba nandito? Mainit." Napangiti ako nang sawayin ako ni Kuya. Sabi na nga ba hindi rin 'to makakatiis e. Nag-isip naman ako ng pwedeng alibi.

"Okay lang ba sa mama na may kaibigan ka na dito muna titira?"

"Oo naman." Maikling sagot nya. Napatango na lang ako. Sabagay, wala naman kasing problema sakin ang pagtira ni Glen dito. Bahala na lang siya magpalusot kay mama kapag bigla itong umuwi na mukha namang hindi pa muna mangyayari.

Since 3 lang ang kwarto namin sa taas at kwarto namin 'yon nina Mama, yung isang maliit na kwarto dito sa baba ang pinagamit nya kay Glen. Katabi ng kusina. Hindi ko lang alam kung matutuloy pa ang paglipat ni Glen sa isang kwarto sa taas. Kuya insist na lumipat doon si Glen - don sa isang kwarto na sa pagkakaalam ko ay kwarto ni Mama - dahil may aircon 'yon at may sariling banyo sa loob dahil nakakahiya nga daw at anak mayaman si Glen pero pilit na tumatanggi si Glen saying na bisita lang siya at walang karapatan mag-inarte. Nagkibit-balikat na lang ako sa kanilang dalawa.

"Kuya hanggang kailan sya dito?" naisipan kong itanong para lang may mapag-usapan pero agad na kumunot ang noo niya. Napansin ko ang pagpikit niya at bahagyang pagkamot sa leeg indikasyon na naiiyamot na siya. Either masyado akong makulit o masama ang gising niya.

"Huwag masyadong maraming tanong Kristina. May stock pa ba tayo ng pagkain? Check mo na lang yung kusina. Punta ako ng mall mamaya."

Nakanguso naman akong pumunta sa loob ng bahay. Ang cold ni Kuya this days. Parang ibang tao tuloy ang kasama ko sa bahay at kailangan kong limitahan lahat ng sasabihin at gagawin ko dahil ang bilis niya mairita.

"Lalim ng iniisip natin ah," puna ni Glen habang sumasandal sa may kitchen counter habang nakatingin sakin. Tipid ko lang syang nginitian. Pati tuloy ako nawala sa mood. Kainis si Kuya e.

"Kristina. Ano? May pagkain pa ba tayo?" biglang sulpot ni Kuya galing garden.

Inirapan ko muna siya bago walang ganang sumagot. "Konti na lang. Wala na tayong delata saka noodles."

"Hindi na kita masasamahan sa mall. Si Glen na lang sasama sayo ha."

Aangal pa sana ako pero nakatalikod na siya samin. Hinabol ko siya at naabutan ko na siyang paakyat ng hagdan.

"Kuya," mahinang tawag ko sa kanya. Gusto ko siyang tanungin kung ano ba ang problema pero mukhang hindi rin naman siya magsasabi sakin. Lumingon siya at saglit kaming nakatitigan.

"I'm okay," mahina ring sagot niya. Tumitig siya ulit sakin sandali bago ngumiti.

One of his saddest smile I never wish to see again. 

Until the Last PageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon