Sarado ang pinto at madilim ang paligid ng bahay nang dumating kami sa tapat ng bahay namin. Kinapa ko lang ang kandado ng gate kaya kami nakapasok. Kumatok ako ng kumatok pero walang nagbubukas ng pinto kaya wala akong choice kundi hanapin kung saang kasuluk-sulukan ng bag ko nandoon ang susi. Hindi nga ako sure kung nasa bag ko nga ba e. Madalas kasi na susi ni Kuya ang ginagamit namin dahil sabay naman kaming umuuwi.
"Basurahan ba yan?" nang-aasar na tanong ni Cathy habang kinakalkal ko ang bag ko. Ilang minuto na pero hindi ko pa rin makapa ang susi.
"Bumalik na lang kaya tayo samin?" tanong niya, agad naman akong umiling.
"No way. Gabi na, puro puno pa ang papunta sa inyo baka mamaya harangin tayo ng white lady o kaya ng aswang 'don."
"Tss kesa naman magka-dengue tayo dito."
"Walang dengue dito, wala kaming stock na tubig," assured na sabi ko sa kanya para manahimik na.
"Wala ngang stock na tubig, basurahan naman 'yang bag mo, pwede rin pamuhayan ng dengue yan." Agad kong hinugot ang kamay ko mula sa bag at hinampas siya sa braso.
"Kanina mo pang pinag-iinitan ang bag ko. Kung sana ay iniilawan mo ako edi baka nakita na natin ang susi ko," pagkasabi ko niyon ay agad naman niyang binuhay ang flashlight ng cellphone niya at itinapat iyon sa bag ko.
Pareho kaming napabuga ng hangin at sabay na nagsabi ng 'Salamat', nang makita ko ang susi. Pagpasok ng bahay, kinapa ko ang switch ng ilaw. Pagkabukas ng ilaw ay dumiretso na si Cath sa kusina para ilagay 'yong dala naming mga pagkain habang ako naman ay nagdiresto sa sofa para ibitang ang gamit ko at mag-inat habang nakaupo. Nakakangalay rin yumuko at maghanap ng susi 'no.
Napatingin naman ako sa hagdan ng makarinig ako ng yabag. At nanlaki naman ang mata ko ng makita ko ang hitsura ni Kuya. Dali dali akong tumayo para senyasan sya na mag ayos kaya lang bago pa man mag-angat ng tingin sakin si Kuya ay nakalabas na mula sa kusina si Cathy.
"Nalagay ko na sa ref nyo yun-," Agad na umangat ang tingin ni Kuya sa direksyon ni Cathy at halos manlaki ang mata. Halos sabay silang tumalikod sa isa't isa. Si Kuya pabalik ng kwarto niya para siguro maglagay ng pang-itaas na damit at si Cathy na muling tinahak ang daan papunta sa kusina.
"Tangina," narinig ko pang halos pabulong na mura nila. Natawa naman ako ng mahina. Bakit ba parang hiyang-hiya sila sa isa't isa? Parang mga bata. I just shook my head in disbelief.
"Ampangit mo Kuya, kaya nababasted e," mahinang bulong ko sa sarili bago muling natawa ng maalala ko ang reaksyon niya.
Agad kong kinuha ang cellphone ko nang marinig ko itong tumunog. Isang mensahe ang pumasok.
From: KaTonying
Hindi mo naman sinabi na pupunta siya dito, letse ka.
Natatawa akong nag-reply sa kanya.
To: KaTonying
Hindi ka naman nagtanong.
To: KaTonying
Hahahahahahaha!Mabilis akong nakatanggap ng reply.
From: KaTonying
Patay ka sakin pag-uwi niyan.
To: KaTonying
Dapat na ba akong matakot?
To: KaTonying
Dito ko na siya patirahin para hindi na siya umuwi?
From: KaTonying
Pwede J
Lumaki ang ngiti ko sa reply ni Kuya. Napaka-marupok talaga. Daig pa ang kahoy na inaanay.
To: KaTonying
Pakasalan mo muna.
Pinuntahan ko naman sa kusina si Cathy nang hindi na mag-reply si Kuya at naabutan ko sya na umiinom ng tubig na malamig.
====
Humagalpak ako ng tawa habang papasok ng kusina. Pagharap nya sakin ay sobrang pula ng mukha nya. Sinamaan nya ako ng tingin pero tuloy pa rin ako sa pagtawa. Natatawa ako e bakit ba?
Nagulat naman ako nang ibuhos nya sakin yung natitirang malamig na tubig sa baso na ininuman niiya saka siya tumakbo pabalik ng sofa habang tumatawa para kunin yung gamit niya saka siya dumiretso sa kwarto ko.
Natatawa kong pinatay ang mga ilaw sa baba ng bahay at dinouble check ang sara ng pinto bago sumunod sa kanya papunta sa kwarto ko. I can't deny that I really missed having her around. 'Yong kami lang. 'Yong solong-solo ko siya. Oo, madalas rin kami magkasama sa school pero iba kapag kami lang talagang dalawa. Kapag sa school, busy siya sa Book Club nila o 'di kaya masyado siyang occupied ng mga schoolworks na kailangan ipasa o ng manuscript na kailangan niyang i-proofread o wala lang talaga siya sa mood makipag-usap.
Pagpasok ko sa kwarto ay nakita ko siyang nag aayos ng damit niya sa cabinet. Tumabi ako sa kanya at yumakap. Ipinatong ko ang baba ko sa balikat niya habang nagtitiklop siya ng damit. Hindi ako nakarinig ng angal mula sa kanya.
"I missed this," mahinang bulong ko sa kanya. Ngumiti siya. "Me too."
Ilang sandali kaming nanatili sa ganoong posisyon hanggang sa matapos niya ang pag-aayos ng gamit niya. Pilya akong ngumiti nang mayroon akong maalala.
"So anong masasabi mo kay Kuya ngayon?" asar ko sa kanya habang umaayos ako ng upo sa kama. Nanatili naman syang nakatalikod sakin.
"What?"
"Any reaction after you saw him?" Napatawa siya ng mahina bago tumabi sa akin sa kama.
"How are you expecting me to react e nagkikita naman kami sa school like duh? Iisa lang school namin at hindi naman malaki ang school natin para hindi ko siya makasalubong. Add the fact that we're in the same club."
"Yes, you see him around at school but," pinutol ko ang sasabihin ko para tingnan ang reaksyon niya. Nakataas ang kilay niya habang hinihintay ang sunod kong sasabihin pero kagaya ko ay hindi rin nawawala ang kaniyang mga ngiti.
"You don't see him half-naked there." Pagtutuloy ko.
"So?" natatawang tanong niya.
"Any reaction? Any words from you? Like how's my brother?" Nagkibit-balikat siya.
"Gwapo pa rin." Napairap ako sa sagot niya.
"I know that, btch." Tumawa siya. "What I mean is ano? Mas gwapo ba kapag half-naked or what? Ano ba yan" Dagdag ko pa. She just look at me like I talked in an animal language. Ugh!
"Gwapo si Kuya ko, diba?" tanong ko sa kanya. Parang bata naman siyang tumango. Ofcourse, it's in the genes!
"So, kelan siya mas gwapo sa paningin mo?" Sumeryoso siya sandali bago tipid na ngumiti. She shrugged her shoulders again.
"Secret."
BINABASA MO ANG
Until the Last Page
Teen Fiction"There is nothing worse than meeting the perfect person at the wrong time." Kristina Azalea Villazarde is always fascinated by the idea of love. She is a girl, like a book, open to anyone who likes to read her. And she sees love as something powerfu...