CHAPTER TWENTY-FOUR

151 23 0
                                    

That dream. They're not just dreams, they were memories. Of me. My childhood. Everything that happened 11 years ago.

Tumayo na ako at lumayo sa kama. Humarap sa salamin at nagtagtag ng muta. Saka na ako bumaba. Kailangan ko ng kumpirmasyon. Kailangan kong kausapin si Kuya.

Nasa hagdan pa lang ako pero ramdam ko na ang tensyon sa loob ng bahay. Kinabahan ako bigla, ano na naman kayang malalaman ko? Ano na naman ang bigla na lang isasampal sa kin ng tadhana? Ano naman ang magpapaiyak sakin this time? Ang gugulo sa isip ko. Ang dudurog sa puso ko. Ano na naman?

Seriously? I'm afraid to wake up every morning. Knowing na ang daming kulang sa pagkatao ko at bigla na lang silang itatapon sa harap ko na parang bomba kung kailan hindi ako handa. Kung kailan hindi ko alam kung paano dedepensahan ang sarili ko.

Walang mangyayari kung mananatili pa ako dito sa hagdan habang nakikiramdam kung anong sunod na mangyayari. Kaya unti-unti akong bumaba habang nag-iisip kung ano ang pwede kong pan-depensa sa sarili ko. I want to fight for once. Ayaw kong umiyak. Ayaw ko ng umiyak sa kung ano man ang pwede ko na namang malaman.

I tried my very best to walk downstairs nang hindi natutumba dahil sa panginginig ng mga tuhod ko. Napansin ko ang isang malaking lady bag na nakapatong sa center table sa sala pero walang tao. Sinilip ko ang labas ng bahay, may nakaparada na puting kotse na hindi pamilyar sakin. May nakatayo rin na lalaki sa labas ng kotse, driver ata. May bisita ba kami?

Pumasok ako ulit sa bahay, lumampas sa sala at papunta ng kusina nang biglang may pumatak na damit sa harapan ko. Isa, dalawa, at sunod sunod pa. Parang tinatapon, kaya nag angat ako ng tingin. Galing sa kwarto ni Glen.

"Ano bang ginagawa mo?" narinig ko ang sigaw ni Kuya mula sa loob. Ramdam ang galit sa boses niya. I didn't dare to enter. Natatakot na ako sa mga nangyayari.

Kuya as days passed by seems like a different person. He's becoming more of a stranger to me.

"I warned you about this didn't I?" isang firm na boses ng babae ang narinig ko. Sino yun? Mama ni Glen? O Mama namin? Imposible. Malambing ang boses ni Mama.Tipong kahit galit malambing pa din. I've known my mother as the most sweetest and caring person in this world. Hindi iyon si Mama.

"Tangina," I heard Kuya cursed under his breath indicated that he is really annoyed.

"From now on, hindi mo na rin gagamitin ang kwarto na 'to. Doon ka na sa basement," nagulat ako sa sinabi ng tatay namin. Noong una, 'yong mga damit ko, ngayon naman pati 'yong kwarto ko.

Naiiyak ako. Bakit niya kinukuha sakin lahat ng naibigay niya na. Sabi ni Mama ko saka ni Teacher, bad daw 'yon. Saka nakakatakot sa basement, baka mamaya may ahas 'don o kaya spiders. Tambakan ng gamit ang basement kasi minsan na kaming nakapunta ni Kuya 'don. Sobrang nakakatakot sa loob. Sobrang dilim.

"Bakit ba nakikialam ka pa?" nagising ang diwa ko sa sigaw ni Kuya. Another memories came to mind. Then I heard gasp inside the room.

"Bro, I can just leave," narinig ko ang mahinang boses ni Glen. Right now, naaawa ako kay Glen. Naiipit siya dito. He insisted on leaving but Kuya keep on saying no. And I think that's a selfish act. Pakiramdam ko nahihirapan na rin si Glen dito. May bahay siya, baka nga mas malaki pa dito pero sumisiksik sya dito dahil sakin at dahil na rin sa ayaw siyang paalisin ni Kuya.

"Leave this room. Mag uusap kami," iyon lang ang narinig ko kay Kuya at bigla na lamang bumulaga sa harapan ko si Glen.Halata rin ang gulat sa mukha niya habang nililimot ang mga branded niyang damit na nakakalat sa harap ko.

"Hey. Are you eavesdropping?" pagalit bulong nya sakin. May diin bawat salita. Ipinaparating sakin na mali ang ginagawa ko ngayon.

Tinaasan ko lang sya ng kilay, "Can't I?" Hindi na pwedeng wala akong alam sa mga nangyayari. Ayaw ko ng mangapa sa kung ano ba ang dapat kong gawin o sabihin.

I know it is wrong. Eavesdropping and such but these days, I keep on doing things I didn't do before. I am being far from what I am before.

Hindi naman na umimik si Glen pero hindi rin siya umalis sa tabi ko. Umupo lang siya sa sahig habang nakasandal ang likod niya sa pader. I did the same. Panandaliang natigil ang paghinga namin nang makarinig kami ng sampal mula sa loob. Sampal na punong-puno ng galit.

Pagak na pagtawa ni Kuya ang sunod naming narinig. Ilang segundo ang lumipas at walang ibang maririnig kundi ang mahihinang pagtawa ni Kuya. Is he out of his mind? Nasisiraan na ba siya ng bait? Gusto kong tumayo at itanong kung nasaktan ba siya. Hindi siya dapat tumatawa.

"So ano? Magpapaka nanay ka na ba kaya ka nandito? Pagkatapos mo kaming iwan at sumama na lang sa ibang lalaki, babalik ka para manduhan ako dito sa bahay ko? Napaka walang kwenta mong nana---" then I heard another slap and a sob afterwards.

"You know that I only did that to protect the both of you and give your every wants and needs, " Mama tried to explain. Her voice trying to convince Kuya so hard.

Then again, I heard the voice of my mother. The mother I know. The sweet and caring voice of my mother.

"Protect?" mababakas ang panlalait sa boses ni Kuya.

"Tangina," he cursed under his breath at saka sya saglit na tumawa.

"Protect? How dare you use that word in my face? Protect? Kami? You only protected yourself. Your needs. Your wants. Hindi kami ang prinotektahan mo. Sarili mo lang," umiiyak na rin na sabi ni Kuya. Naririnig namin ang mahinang paghikbi na nanggagaling sa kanya.

Iyong boses niya nagsusumbong, nagsusumamo, nagrereklamo. How long has he been keeping this pain? This hatred. It must have hurt him for so long. Bakit hindi ko alam? Bakit hindi niya sinasabi?

"Alam mo na sinasaktan na ni Papa si Kristina noon pero wala kang ginawa. You focused on your work than to your own child kasi alam mo ang tendency na ipanakot sayo ni Papa 'yong trabaho mo. Yung custody mo sakin," pilit na pinapatatag ni Kuya ang boses nya pero pumipiyok na sya.

I took the courage to stand up and look at them. He always fight with me in every war I am in and now is my turn to fight with him.

"Hindi yan t-totoo," nakatagilid silang dalawa mula sa pwesto ko. Sobrang gulo ng kwarto. May mga basag na frames din. Pilit hinahawakan ni Mama ang kamay ni Kuya pero inaalis lang ni Kuya 'yon. Ayaw pahawak kay Mama.

Now that I look at it. Mama looks so defined and dignitive. Iyong hitsura at tindig niya ngayon kagaya ng sa mga mayayamang tao, hindi mo pwedeng galawin. Hindi mo pwedeng banggain. She looks so powerful and elegant now. Malayo sa hitsura ng Mama na naaalala ko.

"Iyong totoo, Ma? Takot ka na bumalik sa pagtitinda ng gulay at isda sa palengke kaya kahit alam mo ang mga ginagawa ni Papa, hinahayaan mo na lang. Takot kang mawalan ulit ng pera, tumira ulit sa squater. Iyon ang totoo, Ma. Kung hindi pa namiligro ang buhay ni Kristina, hindi mo pa hihiwalayan si Papa."

He started crying, without holding back this time. Iyon ang pinaka masakit na iyak na narinig ko mula sa kanya. Inilagay nya ang kaliwang braso niya sa harap ng mga mata niya habang umiiyak. Nakatayo lang siya don sa harap ni Mama na umiiyak na rin, pero walang ginagawa.

Then I've been dragged out of the house.

"I guess you've heard enough," was all that I heard from Glen before he went back to the house.

What the hell?

Until the Last PageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon