ZAYN'S POV:
Ilang araw ang lumipas at ngayon ay linggo na. Ibig sabihin ngayon na ang gabi kung saan malalaman kung sino ang pinakamalakas.
"Zayn aalis ka ba?" Tanong ni tita mia sakin pagkababa ko.
She is staying here, may sarili naman siyang bahay pero mas gusto niyang magstay dito para na rin daw mabantayan at maalagaan niya kami habang wala sila mom at dad.
"Hmm, baka bukas na po ako makauwi tita. Bye" sabi ko atsaka humalik sa pisngi niya
"Zayn Clyde Harris!" Sigaw ni zay kaya naman napangiti ako
"What is it Zayra Jade Harris?" Natatawa kong tanong atsaka binuhat siya
"Ingat ka kuya ah, beat them and dont you dare go home with some bruises in your handsome face okay?" Natawa nalang ako atsaka tumango.
Nagpaalam nalang ako sa kanila atsaka nagdrive papunta sa HQ.
"Ito na si first prince!" Bati nila sakin. Tumango nalang ako. Wala na kaming oras para magbiruan dahil kailangan naming magseryoso.
Nagdrive na kami sa underground palace.
"Ito na talaga yun" sabi ni max atsaka huminga ng malalim.
Sabay sabay kaming pumasok at sa bawat dinadaanan namin ay napapahinto at napapatingin sa amin.
Well, bukod sa gwapo kami ay kami lang naman ang rank one sa underground society. Hahahaha
Pumunta kami sa pwesto namin. Marami na ngang tao dito at lahat sila ay mga gangsters. Baduy man pakinggan pero totoo ang mga bagay na to. Akala niyo lang hindi totoo pero totoo itong nangyayari. Yes we exist.
Hindi gangsters ang tawag sa mga pasikat na tambay sa kanto at nagsisiga siga. Because the real gangsters are powerful. Hindi basta basta tao ang mga miyembro ng gang dahil lahat kami ay galing sa pamilyang makapangyarihan at maimpluwensiya.
Nagtayuan ang lahat ng pumasok na ang si Queen Gretell. Siya ang kasalukuyang namumuno sa underworld society. Inatasan ang queen na pangalagaan ang kaayusan ng samahan ng mga gangsters sa underworld.
Nang makapunta na siya sa trono niya ay tumingin siya sa lahat
"Magsisimula na ang laban ng mga malalakas at karapat dapat, ngayong gabi ay gaganapin ang Game of the Greatest na magbibigay sa atin ng pagkakataong ipakita ang tunay nating lakas at kapangyarihan. Gusto kong magkaroon ng malinis na laro ngayong gabi kaya naman ang sino mang lalabag sa kautusan ko ay makatatanggap ng parusa"
Magaling mamuno si Queen Gretell pero isang tao lang ang masasabi kong karapat dapat sa pwesto ng reyna. At iyon ay ang aking prinses"Let the Game of the Greatest begin" anunsyo niya kasabay ng malalakas na hiyawan mula sa mga tao. Nakisigaw narin ang mga kasama ko na nagpangiti sakin.
Unang naglaban ang mga nasa mababang rank. Pumunta na sila sa arena.
Mahihina pa ang mga nasa mabababang rank. Ang pinakahihintay lang naman ng lahat ay ang paglalaban ng mga nasa rank 10.
Medyo nababagot na rin ako kaya naman nagfocus nalang ako sa panonood at saka iginala ang paningin sa kabuuan ng palace.
Nandito na ang Nightmare, sila ang rank 2. Sila rin ang pinaka matinik naming kalaban. Dati ay 5 lang sila pero mukhang may isa silng bagong kasama. Nagtama ang paningin namin ni Zero, ang leader nila. Ngumisi lang siya sakin tsaka nagiwas ng tingin.
Ulol! Mukha kang tanga!
Nagsimula na ang laban. Ang nanalo sa mamabang rank ay kumalaban sa Virus, sila ang nasa rank 10. Magagaling rin naman sila pero sadyang mas magaling kami. At gaya ng inaasahan ay nanalo sila.

YOU ARE READING
LOOKING FOR THE ICE PRINCESS
General FictionShe is cold as ice, her glare, her voice, and even her presence can give chills down to your spine. A girl whom many people know but not her true identity. Who is she? What's wrong with her eyes? And WHY IS SHE COLD AS ICE? "I am cold as ice but I...