ZAYN'S POV
It's been a week since we've finished our punishment. Aaminin kong masaya, naisip ko na ring bumalik doon kapag wala na akong ibang dapat gawin. Lahat nga kami tawa ng tawa ng makabalik kami sa University. Sorry, hindi pala lahat. Meron kasi kaming kasama na may sariling mundo. Mula sa bus hanggang sa makabalik kami, parang wala siya sa sarili. Di ko nalang pinansin, unang una hindi kami close at pangalawa, she is naturally weird so why bother?
"Class dismiss" nagsitayuan ang mga kaklase namin. Masyadong nakakatamad tumayo kaya naman hinayaan ko nalang sila. I am practicing for another battle this coming weekend, and God knows that I am freaking tired today.
"Bro tara na" yaya sakin ni Red, tumango lang ako at bumalik sa pagkakatungo sa mesa.
"You can sleep in the private room if you really want to" narinig kong sabi ni sky, at nakaramdam ako ng pagtapik sa balikat. Nasa kabilang building pa yung private room, at sobrang nakakatamad maglakad.
Unti unting nawala ang ingay kaya malamang ako nalang ang tao dito."Stupid Cat" napa angat ako ng tingin ng may marinig akong nagsalita. Then I saw an alien holding a Black Cat. I told you, she is weird
"Alien" nasabi ko habang umiiling iling. Napatingin siya sakin, at andun nanaman ang mga mata niyang di ko mawari ang kulay. Di naman na ganun ang epekto sakin ng mata niya kaya nakakaya ko ng makipagtitigan sa kaniya.
"Another Stupid Cat" naginit ang ulo ko sa sinabi niya. Dahan dahan niyang binaba ang pusa sa sahig atsaka bumalik sa upuan niya
"Weirdo" nakangisi kong asar. Ayaw kong magpatalo sa babaeng yan, kung totoo ngang babae siya
"Freak" tatayo na sana ako para harapin siya pero naisip kong ako yung lalabas na talo kapag ginawa ko yun. Kumuha ako ng mga papel, then i crumpled it. Binato ko yun sa taong nasa harap ko which is the stupid and weird Ice Klea Miller. Her name makes me puke.
Para akong tanga na binabato siya ng mga papel, but I'm enjoying it. Parang wala namang epekto sa kaniya kaya naman yung notebook ko na yung binato ko sa kaniya. I am just controlling my laugh but then i really can't so i burst into laughter.
"HAHAHAHAHA--" napalunok nalang ako ng biglang nakatayo nalang siya sa harap ko, saka ako kinwelyuhan. Matangkad siya kaya naman halos magkaheight na kami, she is having that weird and nonsense look but you can feel her dark and mysterious aura.
"What do you want, Stupid?" Mariin niyang tanong sakin, akala ko kaya ko ng titigan yung mga mata niya pero hindi parin pala. I end up looking at her forehead because just by her look, I can feel the coldness in my body.
"I-i am just having fun weirdo" pinilit kong wag mautal pero mukhang nabigo ako
"Is this how you have fun?" Mariin niya paring tanong. I can't take this damn! Inipon ko ang buo kong lakas at saka ko siya itinulak. Nagulat pa ako sa naging resulta kasi imbes na matumba siya, napaatras lang siya ng ilang hakbang. This weirdo is not a human!!
"Wala akong panahon sa mga kalokohan mo, Harris" sabi niya at saka lumabas. Naiwan akong nakatulala sa nangyari. She's weird as fuck!
Natapos ang klase na lumilipad ang utak ko. Di ko na kinwento sa apat yung nangyari kanina, dahil paniguradong tatawanan lang nila ako.
Napagdesisyunan naming pumunta sa HQ para narin makapagensayo. Kailangan naming ikondisyon ang katawan namin para sa gang fight ngayong linggo. Baguhan ang grupong makakalaban namin kaya hindi namin alam kung anong klaseng lakas at strategy ang ginagamit nila sa pakikipaglaban.
"Hahabol nalang daw si Red, tatapusin niya lang yung photoshoot niya" sinabi ni Gale habang nakatingin sa cellphone niya.
"Ang alam ko kasama niya yung pinsan ni Ice sa photoshoot na yan" nabaling ang atensyon ko kay Max ng magsalita siya. Yung pinsan ng weirdo? Sabagay, model nga pala yun.
YOU ARE READING
LOOKING FOR THE ICE PRINCESS
قصص عامةShe is cold as ice, her glare, her voice, and even her presence can give chills down to your spine. A girl whom many people know but not her true identity. Who is she? What's wrong with her eyes? And WHY IS SHE COLD AS ICE? "I am cold as ice but I...