Ice's POV
"Ice pwede ba! Wag kang magulo!" Bulyaw ni Francine habang inaayos ang buhok ko. Nasa kwarto ko nanaman ang tatlo at inaayusan nanaman ako. Pangatlo at huling araw na ng festival. Ibig sabihin mamayang gabi na ang women auction.
It is already 6:00 pm at nag-aayos na sila. Si Francine ang nag-ayos ng isusuot ko. It is a blue and white above the knee dress. May pa-baloon effect pa ito sa baba kaya medyo nahihirapan ako sa pag-upo. Nakasuot naman si Francine ng black cocktail dress, habang si Gia naman ay nakasuot ng beige cocktail dress na nagpapalitaw ng maputi niyang balat. While Azura on the other hand js wearing a white sleeveless above the knee dress. Ang totoo niyan, si Francine nalang ang gumagalaw dahil tapos naman ng maayos ang buhok ko. Kinulot nila ang dulo nito at pinatungan ng silver head band. Si Gia at Azu naman ay nakaupo sa couch na nasa kwarto ko, at kanina pa dumudutdot sa mga telepono nila habang nakangiti at mukhang kinikilig.
Malamang kausap yung dalawang pugok.
Hating gabi na ako nakauwi kagabi pero naabutan ko pa silang tatlo na naguusap sa sala. Masyadong seryoso ang pinaguusapan nila kaya hindi na nila ako kinwestyon kung bakit late na ako nakauwi. Ano yung importante nilang pinaguusapan? Kinwento lang naman ni Azu ang nangyari sa kanila ni Gale at sinabi sa amin na sila na daw.
I'm happy for them.
"Perfect!" masayang sabi ni Francine ng matapos siya sa pag-aayos sakin. Tinignan ko ang itsura ko sa salamin.
I look human, nothing special.
"Hoy kayong dalawa diyan, tigil niyo muna pakikipagusap sa mga jowa niyo! Kailangan na nating umalis kaya kunin niyo na yang mga gamit niyo!" Bulyaw ni Francine sa dalawa kaya agad nilang tinago ang mga telepono at tumayo na.
"We.look.fabulous!" oa na sabi ni francine kaya tumawa sila Azura at Gia.
"You look gorgeous Ice" nakangiting ani Gia.
Bumaba na kami ng hagdan. Hindi naman ganun kataas ang heels na suot ko kaya medyo magaan sa paa.
"Anong ginagawa niyo dito?" nabaling ang atensyon ko kay Francine. Nakatingin siya sa baba ng hagdan kaya sinundan ko ang tinitingnan niya. Nandoon si Gale at Sky na mukhang kanina pa naghihintay.
"I'm fetching my girlfriend" nakangiting sabi ni Sky habang nakangiti kay Gia.
"Me too" si Gale at nakangiti kay Azura.
Tsk, edi sila na may lovelife.
"Sorry, hindi ko nasabi" nagkatinginan si Gia at Azura ng sabay silang magsalita.
"Hay ayos lang, pag ako talaga nagka boyfriend who you kayo sakin!" parang inis na asik ni Francine at nagpauna sa pagbaba ng hagdan.
Tumango lang naman ako sa dalawang pugok at bumaba na din.
Nakababa na kaming apat ng biglang lumapit si Jones.
"Madame Klea dumating na po ang ticket ng flight niyo" agad kong kinuha ang iniabot ni Jones. Naguguluhan naman silang tumingin sa akin.
"What time?" tanong ko at hindi na tinignan ang ticket.
"6:00 am po" tumango ako at inilagay na sa bag na dala ko ang ticket.
"Aalis ka?" takang tanong ni Francine. Oo nga pala, hindi ko pa nasasabi sa kaniya.
"Yeah, I'm going to Maldives tomorrow" sagot ko. Halata ang pag-aalala sa mukha niya dahil sa sagot ko.
"Bakit naman biglaan Ice?" naguguluhang tanong ni Sky.
"Family matter" maikling sagot ko at nanguna sa paglabas ng bahay.
YOU ARE READING
LOOKING FOR THE ICE PRINCESS
Ficción GeneralShe is cold as ice, her glare, her voice, and even her presence can give chills down to your spine. A girl whom many people know but not her true identity. Who is she? What's wrong with her eyes? And WHY IS SHE COLD AS ICE? "I am cold as ice but I...