Francine's POV:
"Do I really have to wear this?" Tanong ni Ice sa akin habang nilalagyan ko ng make up ang mukha niya. Naka-light blue dress si Ice. It is already Sunday. Meaning, birthday na ng kambal. The last two days was so fast. Hindi namin namalayan ang paglipas ng araw. As expected, Gia and Gale became too busy. Habang kami naman nila Ice at Azu ay sabay sabay na nagshopping. Buti nga at napilit ko si Ice na sumama. She was so busy with her responsibility in the UW. Pero isa rin naman siyang tao na kailangang magenjoy.
Nang makita ko ang dress na yun sa mall, binili ko na agad. Simple lang kasi ang design niya, off-shoulder ang knee-length dress na suot ni Ice. And she really looks beautiful in it!
"Ofcourse Ice, formal party ang pupuntahan natin. Alangan namang magsuot ka ng jeans and shirt, duh" pagtataray ko sa kaniya. Natawa nalang si Azu na naka-upo na sa likod. Nauna ko kasi siyang ayusan. Si Jana lang naman ang mahilig sa make-up, pero kahit papaano ay may alam si Azu sa mga pampaganda, itong si Ice lang talaga ang alien sa amin kaya walang alam sa mga pampaganda. Kaya nagmumukhang tomboy eh.
"Do I look fine?" Napalingon ako kay Azura sa tanong niya. She is wearing a light pink dress. Simple lang din ito, mas mababa si Azu sa amin kaya pinilian ko siya ng above the knee dress para naman magmukha siyang matangkad.
"You look gorgeous Azu" nakangiti kong sabi sa kaniya.
"Thanks, but you look dazzling" natawa ako sa sinabi niya.
"Come on Azu! Don't state the obvious" nagtawanan kami ni Azura. Kunot naman ang noo ni Ice na nakatingin sa salamin.
Tinapos ko na ang paga-ayos sa kaniya, and viola!
The new Ice Princess!
"Your eyes is beautiful" nasabi ko habang tinititigan ang repleksyon niya sa salamin. Nag-iwas siya sa akin ng tingin.
Mula pa noong mga bata kami, hindi niya na gusto ang kulay ng mga mata niya. Hindi kasi siya tulad ng iba na makikita ang emosyon sa mga mata. Her eyes is different, and I am amaze with it.
"There, perfect" kinulot ko ang dulo ng buhok ni Ice kaya mas nagmukha siyang tao sa ayos niya. She is so beautiful. I wanna cry, huhuhu.
"Nag-text sakin si Gia, Nasan na daw tayo" napatingin kami ni Ice kay Azu habang nakatingin siya sa phone niya.
"Sabihin mo paalis na tayo" sabi ko at kinuha na ang pouch ko sa kama.
"Let's go ladies" nakangiti kong sabi at nauna ng lumabas ng kwarto ko.
"Tss" natatawa ako kay Ice, ayaw niya kasi sa mga ganitong theme ng parties. Ewan ko ba sa kaniya.
"You all look gorgeous" nakangiting bati ni Jones sa amin.
"Thanks" sabi ko at kinuha na ang susi ng kotse ko. Nagulat ako ng kunin ni Ice ang susi ng kotse niya kay Garcia.
"Hey! Sumabay ka na samin ni Azu!" Sigaw ko sa kaniya pero parang wala siyang narinig at pumasok na sa kotse niya.
"Hahaha, mukhang badtrip si Ice Princess" natatawang sabi ni Azu. Buysit talaga yung yelo na yun eh!
"Tara na nga, naiinis ako sa kaniya" pumasok na kami sa kotse ko. Nauuna si Ice sa amin kaya siya ang sinusundan ko. Sa hotel ang lugar ng party na sa pagkakaalam ko ay pagma-may-ari ng pamilya ni Sky.
"Hellow?" Tumingin ako sa katabi kong si Azura. May kausap siya sa phone niya. Naiintriga tuloy ako kung sino ang kausap niya.
"Oo malapit na kami" saad niya sa kausap.
"Kasama ko si Francine sa kotse niya" sabi at tinapunan ako ng tingin.
"Ahh, sige bye" pagtatapos niya sa tawag. Agad akong nagtanong kay Azu.
YOU ARE READING
LOOKING FOR THE ICE PRINCESS
General FictionShe is cold as ice, her glare, her voice, and even her presence can give chills down to your spine. A girl whom many people know but not her true identity. Who is she? What's wrong with her eyes? And WHY IS SHE COLD AS ICE? "I am cold as ice but I...