Gale's POV:
Hindi parin kami maka-move on sa sinabi ni Ice kanina. Nandito na kami sa sala pero wala paring umiimik sa aming lima. Maging si Max na sobrang daldal, hindi nagawang basagin ang katahimikan sa pagitan namin.
"Ito na Ice" Napalingon kami ng dumating si twinnie na may dalang pink na box. Gumawa siya ng cupcakes na ibibigay niya kay Ice. Napansin niya naman ang pananahimik namin.
"Salamat" ani Ice ng makuha ang box ng cupcakes.
"Welcome, magsabi ka lang sakin kung gusto mo pa. Igagawa ulit kita" tinanguan lang siya ni Ice.
"Aalis na ako" paalam niya saamin. Sabay sabay kaming tumango sa kaniya. Hinatid naman siya ni twinnie sa labas. Ilang sandali pa, narinig namin ang ingay ng motor na paalis. Malamang si Ice iyon.
Nakapamewang na pumasok si twinnie.
"Now tell me what happened?" Nakakunot noo niyang tanong sa amin.
"Argh! Kinilabutan talaga ako kanina! Hanggang ngayon tumataas parin yung balahibo ko sa sinabi niya" di na nakatiis si Max sa pananahimik niya.
"She's hiding something" sabi ni Zayn na nagiisip parin.
"Hindi ako makapaniwala, nagbanta ba siya sa atin kanina?" Tanong ni Sky.
"Siguro. Baka binabalaan niya tayo na wag ng alamin kung ano man ang meron siya at sa pamilya niya" nasabi ko. Umupo si twinnie na gulong-gulo na sa mga nangyayari.
Natapos ang usapan namin ng hindi pinapaliwanag kay twinnie ang tungkol sa mga sinagot ni Ice kanina. Mas mabuti ng hindi niya alam.
Mula pa noong una, alam ko ng may tinatago si Ice. Sa mga nakalap ni Red, walang kahit na anong impormasyon tungkol sa kaniya. Hindi rin sapat ang ang nakuha niya tungkol sa pamilya ni Francine. Bukas sila sa publiko pero obvious na may nililihim.
"Una na ako bro" paalam ni Max at sumakay na sa kotse niya. Tinapik naman ako ni Sky sa balikat, bago siya dumiretso sa kotse niya, tinignan niya muna si twinnie.
Anong problema nito?
"Bye" yun lang ang sinabi niya at pumasok na kotse.
"Uwi na rin ako. Hinahanap na ako ni Zay" paalam ni Zayn. Ngayon na lang ulit siya nagsalita. Naging tahimik na siya mula kanina, siguro iniisip rin si Ice.
"Bye, Ingat" sabi ni twinnie sa kanila. Sabay sabay naman silang umalis.
"Gale, Ano ba talagang nangyari?" Pangungulit ni twinnie sa akin. Nginitian ko lang siya at pumasok na sa loob.
"Hindi mo na dapat malaman" sabi ko. Hindi naman na siya nag kulit pa.
"Twinnie nakita mo ba yung laptop ko?" Tanong ko sa kaniya bago umakyat. Umiling naman siya sa akin. Kailangan ko ang laptop ko para mai-edit ko ang interview kanina. Next week na yun kaya kailangan ko ng gawin.
Pagkapasok ko sa kwarto, saka ko lang naalala na naiwan ko pala sa HQ yung laptop ko. Dinala ko yun noong nakaraan na pumunta ako dun. Agad akong naligo at nagbihis.
"San punta mo?" Tanong ni twinnie pagka baba ko ng hagdan.
"Sa HQ, kukunin ko yung laptop" sagot ko at lumapit sa kaniya. Humalik ako sa pisngi niya, inalok niya pa ako ng kinakain niyang ice cream pero tumanggi ako.
Nag-drive na ako papunta sa HQ. Nadaanan ko pa ang university. May kaunting tao rin doon. Wala kaming klase kapag sabado, may iilan namang may pasok rin.
Mabilis akong nakarating sa HQ. Nadatnan ko doon si Red na nanonood ng tv.
"Andito ka pala" bungad ko sa kaniya. Tinaas niya lang ang kamay niyang may hawak na canned beer. Pumunta ako sa kwarto ko at kinuha ang laptop.
YOU ARE READING
LOOKING FOR THE ICE PRINCESS
Ficção GeralShe is cold as ice, her glare, her voice, and even her presence can give chills down to your spine. A girl whom many people know but not her true identity. Who is she? What's wrong with her eyes? And WHY IS SHE COLD AS ICE? "I am cold as ice but I...