Chapter 36: Preparations

48 2 0
                                    

Ice's POV

"Fuck this!" Inis na asik ko habang tinatanggal ang hook ng blue dress na pinasukat ni Francine.

We are at the mall right now. Kasama ko syempre si Francine, Azura at Gia. It's been a week full of preparations. Bukas na magsisimula ang Festival. At pinilit ako nilang tatlo na sumama para sa isusuot sa Powerful women auction. Nothing special to be honest. Pero yung tatlo parang mga baliw na naeexcite sa darating na linggo.

Kaya lang naman ako sumama ay una,  nangako si Francine na bibilhan ako ng ice cream at pangalawa, ayaw kong utusan ng utusan ng epal na Harris sa booth. Tapos ng pinturahan at ayusin ang buong booth. Nalagay na rin ang mga mesa at upuan para sa magiging customers pero yung pabibong Zayn ay halata namang may galit talaga sa akin kaya kahit hindi importanteng bagay ay pinapagawa niya sa akin. Hindi ko siya kinakausap dahil hindi ko parin nakakalimutan yung sinabi niya sa akin noong huling beses ko siyang nakausap, at wala akong balak makipagayos at alam kong ganun din siya. Gia is fine about everything. Halata namang pilit na lumalapit si Sky sa kaniya pero siya ang laging lumalayo. Unlike kay Azura at Gale na parang nagiging malapit habang tumatagal.

"Ito, isukat mo" narinig kong sabi ni Francine mula sa labas ng fitting room at may inabot na isang puting knee length dress. It is a chiffon dress with beads. Sobrang linis nitong tignan na para bang pati alikabok sa kalsada ay mahihiyang dumapo dito sa sobrang linis nito. Kahit inis ay pilit ko paring isinukat ang dress para matapos na ito. Nakapili na silang tatlo at tanging ako nalang ang hindi pa kaya pinagkakaisahan nila ako ngayon. I walk outside and stand before them dumbfounded. Ilang segundo pa silang nanahimik ng makita ako at tuwang tuwa na lumapit sa akin. Inayos ni Francine ang buhok ko at may inilagay na headband ata sa ulo ko. Malaki ang ngiti nilang tatlo na tinignan ang kabuuan ko at sabay sabay na tumango.

Mabilis akong nagpalit sa natural kong damit at hinayaan si Francine na bayaran lahat. Hinintay ko sila at pumasok sa isang converse shop na katapat lang ng boutique kung nasaan kami. Nagikot ako para tumingin ng mga sneakers dahil paniguradong pagsusuutin nanaman ako ni Francine ng high heels. Nabaling ang paningin ko sa isang white converse  na may black lines. It is simple that's why I liked it.

May lumapit sa akin na isang babae na mukhang staff ng shop.

"I want a pair of these, size 8" sabi ko at tumango siya habang nakangiti.

"Mom this is originally couple shoes po, if you want you can purchase these with this" sabi niya at ipinakita ang isang pares na mukhang male size na nasa ibabang stall lang ng gusto kong converse shoes. Mukhang hindi ko nga napansin na couple shoes section pala ang napuntahan ko.

"No, just one pair" sabi ko nalang at mukha namang nakuha niya na wala akong pagbibigyan ng sapatos na inaalok niya. Ilang sandali lang akong naghintay at nagbayad. Bumalik ako sa boutique pagkatapos at nandoon parin sila Gia at hinihintay ako. Sunod na pinuntahan namin ay supermarket.

May gimik kasi na naisip yung lima. Hinati nila ang grupo namin sa tatlo para sa schedule ng pagtao sa booth. Syempre, pinagsama sama nila kami para sa sched bukas. Ang sabi kasi nila, mas magandang sa first day magbantay ang limang prinsipe kuno para maging maingay agad sa mga tao ang booth. May nakuha na rin naming supplier ng pastries at coffee na ibebenta namin. Hindi mo maiaalis ang pagiging mahangin at competitive ng lima kaya gusto nilang siguruhin na first day palang ay mangunguna na kami sa benta. Bukod sa pastries na ibebenta namin na magmumula sa suppliers, bawat team sa group ay gagawa ng tig iisang cake na ibebenta rin but in a way of bidding, parang mini auction. Since sikat ang lima, isama mo na si Gia at Francine. Malamang malaking pera ang kikitain namin pagdating sa mga fans nila na magpapatayan makuha at mabili lang ang cake na gawa syempre ng mga idols nila. Kaya ngayong gabi rin ay sa bahay matutulog ang lima para gawin ang mga cakes na dadalhin nila bukas dahil nandoon nga si Gia.

May fund kami pero dahil mayaman naman ang mga kasama ko lalo pa si Francine na hindi nagaalinlangan maglustay ng pera syempre madami kaming biniling materials at supplies para mamaya. Pagkatapos namin bilhin lahat ay napagdesisyunan namin (sila pala) na kumain muna bago umuwi.

Pumunta kami sa Pizza hut at syempre nanguna akong kumain dahil na rin sa inis kay Francine.

"I'm pretty sure magiging masaya bukas!" halos tili na saad ni Francine. Tinignan ko lang siya ng masama at tinawanan lang siya ng dalawa pa.

Nagusap silang tatlo tungkol sa mga hindi importanteng bagay at dahil wala nga akong pakialam, nag-focus nalang ako sa pagkain. Halos isang oras rin ang tinagal namin sa loob dahil sa kadaldalan nila. I checked my wrist watch and it is already 6:31 pm. Advantage na rin siguro na nakatira kaming apat sa iisang bubong, dahil kung hindi baka hindi kami nakakapag pagabi ng ganito.

"Nandoon na daw sila Max" sabi ni Gia habang nakatingin sa phone niya.

"Ang aga naman nila" kumento ni Azu.

"Uwi na tayo?" tanong pa ni Francine na tinanguan naming tatlo. Mabilis kaming naglakad papunta sa parking lot. Tulak tulak ni Azu yung cart na puno ng mga gagamitin para sa cake na gagawin mamaya. Nagpauna naman ako sa kanila dahil sa sobrang pagkabagot.

Kotse ni francine ang dala namin at mabilis akong sumakay sa driver's seat para narin hindi makapagreklamo si francine. Gusto ko ng matulog at magandang pampawala ng antok ang mabilis na pagmamaneho.

Pagkasakay na pagkasakay nilang tatlo ay pinaharurot ko agad ang kotse. Napangisi nalang ako sa mga reaksyon at reklamo nila.

"Slow down Ice!" Bulyaw ni francine pero hindi ko siya pinansin.

Gaya ng inaasahan, ilang minuto lang ang lumipas at nakarating na nga kami sa bahay. Pagkababa ko ay sinalubong agad ako ni Jones at nagbow na tinanguan ko naman.

"Nasan sila?" Tanong ko sa kaniya habang iginagala ang pangingin sa bahay.

"Nasa living room po sila ngayon Madame Klea" sagot niya. Kinuha ni Jones at ng ilang maids ang mga bitbit ng tatlo saka kami naglakad papunta sa kinaroroonan ng lima.

Hindi pa man kami nakakalapit ay umaalingawngaw na sa buong bahay ang tawa ni Maxwell.

That kid

Masyado talaga silang maingay

"Oy nandyan na sila!" Si gale ang unang nakapansin sa pagdating namin. Mabilis silang tumayo at lumapit sa amin.

Sa pagkakaalam ko, galing sila sa school at inayos ang mga kakailangan para bukas. Pero mukha namang nakauwi na sila dahil sa maayos nilang itsura.

Nagkasalubong ang mga mata namin ng unggoy na paepal pero agad din siyang nagiwas ng tingin. Napangisi nalang ako sa naging reaksyon niya.

"Anong mga binili niyo?" usyoso ni max na sinagot naman ni gia.

"Mga gagamitin natin mamaya"

Nagkulitan pa sila pero dahil sa inaantok nga ako, kinuha ko ang pagkakataon na hindi nila ako napapansin at pasimpleng pumuslit papunta sa hagdan.

"At saan ka naman pupunta?" I heard francine's voice at the back and the silence that follows. Alam kong nakita nila ako at mukhang nakuha nila na wala akong balak na tumulong ngayon.

Dahan dahan ko silang nilingon at tama nga ako, nakatingin silang lahat sa akin.

"I want to sleep" saad ko at seryoso silang tinignan.

"Hoy! Anong akala mo? Hahayaan ka naming matulog nalang habang kami magpapakahirap? Hindi pwede!" Sigaw ni Francine na nagpainit ng ulo ko. Hinila niya ang kamay ko at nagpauna siya papunta sa kitchen.

Naabutan naming nag-aayos na sila Garcia ng table sa dining hall para sa dinner pero nilampasan lang namin sila. Malinis na kusina ang

LOOKING FOR THE ICE PRINCESSWhere stories live. Discover now