Zayn's POV
"Wala na ba kayong nakalimutang dalhin?" tanong ko habang naghahakot sila ng gamit papunta sa kaniya-kaniyang kotse.
"Wala na bro" sagot ni Red habang nakatingin sa compartment niya at sinara iyon.
Pumasok ulit ako sa bahay para tawagin na si Zay. I saw her talking to Ruffles.
"Stay good okay? I will buy you pasalubong when I get back" narinig kong sabi niya dito. Tumahol naman pabalik si ruffles na parang naintindihan ang sinabi ni Zay.
"Zay" mahinang tawag ko. Mabilis siyang lumingon sa akin ng nakangiti.
"It's time to go" sabi ko, tumango siya at tumakbo palapit sa akin.
"Aalis na ba kayo?" napalingon kami sa kusina ng lumabas mula doon si Tita Mia. Tumango ako sa kaniya. Lumapit siya sa amin habang nasa likod ang mga kamay.
"Hindi ka ba talaga makakasama samin Tita?" tanong ko. Ngumiti siya sa akin at umiling.
"Malapit nang mag-resume ang classes. Gustuhin ko mang magbakasyon, hindi na pwede. Tama na siguro ang isang linggong pahinga" she is too busy with work. Kaya nga sobra akong nagpapasalamat na naaalagaan niya pa rin si Zay. Lumipat ang tingin niya mula sa akin papunta kay Zay. Niluhod niya ang isang tuhod para maging pantay sila.
"I'm sorry Zayra, I can't make it to your birthday celebration" malungkot na sabi niya.
"It's okay tita, I understand po" magalang niyang sabi.
"Babawi nalang ako pag nakabalik kayo okay? We will go shopping after your birthday" tumango-tango si Zay sa sinabi ni Tita.
"But before I forgot" nilabas ni Tita ang kamay niya sa likod na may hawak hawak na pink na box na may white na ribbon.
"Wow! Is this my gift?" tumango si Tita sa kaniya at niyakap yakap naman ni Zay ang regalo.
"But don't open it yet okay? Buksan mo nalang sa mismong birthday mo" tumango si Zay. Nagpaalam pa kami kay Tita Mia at tuluyan ng umalis.
Gaya ng plano, we are celebrating Zay's birthday out of town. Nag-offer si Max ng private resort nila sa Batangas kaya doon ang punta namin ngayon. Bukas pa ang birthday ni Zay, at naghanda na rin kami ng party para sa kaniya. Since wala si Tita Mia, at bumalik na rin si Kaidell sa U.S. kami nalang ang magce-celebrate.
Sobrang biglaan ng pag-alis ni Kai. Hindi na nga siya nakapag-paalam ng maayos at sa text nalang sinabi na bumalik na siya sa America.
Tinanong ko rin si Zay kung may gusto ba siyang isama na mga kaibigan niya pero ang sabi niya wala naman daw. Hindi naman kasi siya palalabas kaya wala rin siyang nakakalaro. That thought made me sad though. At least ako noong bata ako, I have my friends kaya hindi ako ganun kaapektado sa madalang na oras ng mga magulang ko.
"Nandito na ba lahat?" tanong ko ng makalabas kami ng bahay. Apat na sasakyan ang nakapark sa labas. Nandoon na rin ang mga kaibigan ko.
"Hellow mga ate!" tumakbo si Zay palapit kela Azu at Gia.
"Si Frans wala pa" si Red na ngayon ay may kinakalikot sa phone niya.
May kausap si Red na malamang ay si Frans, kahit hindi naka loudspeaker naririnig boses niya sa sobrang lakas.
"Nasaan ka na ba?!" inis at pasigaw na ani Red.
"Ano?! Bakit?!.... Tss, ayusin mong susunod ka ha!.... Sinong susunduin mo?... Sino?!" Lahat kami ay nakatingin na kay Red ngayon. Para na kasi siyang sasabog sa inis.
"At sinong nagsabing pwede mong sunduin yung demonyong yon?!.....A-anong----" napamura siya ng babaan siya ni Francine kaya tinawanan agad namin.
"Buti nga sayo, sinabihan ko na si Frans na huwag kang sagutin kaya huwag ka ng umasa" pangiinis pa ni Max kaya sinamaan siya ng tingin ni Red.
YOU ARE READING
LOOKING FOR THE ICE PRINCESS
Ficción GeneralShe is cold as ice, her glare, her voice, and even her presence can give chills down to your spine. A girl whom many people know but not her true identity. Who is she? What's wrong with her eyes? And WHY IS SHE COLD AS ICE? "I am cold as ice but I...