"The Hamington Enterprises and Lancaster Company decided to take our partnership to the next level. So we would like to take this oppurtunity to announce the engagement of my lovely daughter, Gia to the Lancaster Heir, Sky" nagpalakpakan ang marami sa inanunsyo. Pero kami ay nabigla.
Bakas sa mukha ng kambal ang gulat.
"What is the meaning of this?!!" Natigil ang palakpakan ng sumigaw si Gale sa kaniyang mga magulang. Halata sa boses niya ang sobrang galit, palipat lipat ang tingin niya sa kaniyang mga magulang at kay Sky.
"You can't do this to my sister!!" Sigaw niya, pilit naman siyang pinakakalma ng kaniyang nanay.
"We are doing this to save their future, para rin sa ikabubuti ng lahat ang desisyon namin Gale. So calm down" mahinahong pakiusap ng tatay niya pero bakas parin sa mukha ni Gale ang sobrang galit.
"I can't calm down! Bakit niyo kailangang pakialaman ang buhay ng kapatid ko?!" Asik niya. Bumaling ang atensyon niya sa kabilang gilid kung saan naroon si Sky.
"At ikaw pa talaga Sky?! How could you do this to us?! To Gia?!" Sobrang bigat ng atmosphere sa hotel. Lahat ng tao ay nakatingin sa gawi nila. Hinihintay ang mga sagutan ng dalawang mayayamang pamilya.
"Calm down Gale" pakiusap sa kaniya ni Sky, lahat ng tao ay napasinghap ng bigyan ni Gale ng isang malakas na suntok sa mukha si Sky.
"Stop this Gale!" Utos ng kaniyang ama.
Bumagsak si Sky dahil sa lakas ng suntok ni Gale. Lumapit pa sa kaniya si Gale pero humarang si Gia.
Gia is crying. She is crying so hard that her tears ruined her make up.
"Gale, please, stop" umiiyak na pagsusumamo niya sa kapatid. Niyakap siya ni Gale ng mahigpit at hinayaang umiyak si Gia sa kaniya.
"Gia, I'm so sorry" lumapit sa kanila si Sky na ngayon ay dumudugo na ang ibabang labi sa suntok ni Gale kanina. Mabilis na humarap sa kaniya si Gia at binigyan pa siya ng isang malakas na sampal.
Lahat ng tao ay natahimik, walang gustong makialam sa nangyayaring eskandalo sa harap.
"I trusted you Sky! You betrayed me" umiiyak niyang saad. Napayuko na lamang si Sky sa sinabi ni Gia.
Alam kong nasasaktan rin si Sky. Mukhang naipit lang siya sa desisyon ng tatay niya. I know he never want this.
"How can you do this to me, Mom? Dad? Isang bagay lang ba ang tingin niyo sa akin na pwede niyong ipagbili para sa negosyo niyo?!" Pasigaw niyang saad habang tuloy tuloy parin ang mga naguunahang luha sa kaniyang mga mata.
"Yes, I'm your child but you don't have any rights to control my life and my future" sabi ni Gia. Napatayo kaming anim sa aming mga upuan ng biglang tumakbo si Gia.
"Twinnie!" Tawag sa kaniya ni Gale pero tuloy tuloy parin si Gia sa pagtakbo.
Tumakbo kami palabas para hanapin si Gia.
"Hahanapin namin si Gia sa hotel" sabi ni Red sa amin. Tumango kami, magkasama silang umalis ni Maxwell. Tumakbo ako palabas ng hotel. Buti nalang at hindi ko na suot ang pesteng heels na yun kaya malaya akong nakakatakbo ng mabilis.
"Pumunta tayo sa parking lot, hindi pa siya nakakalayo" saad ko at nanguna sa pagtakbo. Papasok palang kami sa parking lot ng may isang humaharurot na puting kotse ang dumaan palabas ng parking lot.
"Kotse yun ni Gia!" Sigaw ni Zayn ng makadaan sa amin ang kotse.
"Fuck" naibulong ko. Sinubukan kong habulin ang kotse ni Gia pero masyadong mabilis ang pagmamaneho niya
YOU ARE READING
LOOKING FOR THE ICE PRINCESS
Fiksi UmumShe is cold as ice, her glare, her voice, and even her presence can give chills down to your spine. A girl whom many people know but not her true identity. Who is she? What's wrong with her eyes? And WHY IS SHE COLD AS ICE? "I am cold as ice but I...