Ice's POV
"Please anak, come home" sabi ng nanay ni Gia na ngayon ay umiiyak na.
Nandito ngayon sa bahay ang mga magulang niya at pati na rin si Gale. Nalaman kong iniurong na pala ang engagement nila ni Sky. Of course, by the help of Francis nabayaran ang lahat ng utang nila.
Noong sinabi ko kay Francine ang tungkol dito kagabi, gulat na gulat siya at hindi makapaniwala na pinagawa ko iyon sa Daddy niya. At the same time ay masaya rin siya dahil natulungan namin ang pamilyang Hamington. Utang ito pero maaari silang magbayad kahit kailan nila gustuhin.
Noong mag-usap kami ni Francis, sinabi niya na nagkaroon siya ng lunch meeting kasama si Peter at Geneva Hamington. He offered them a partnership at syempre ang pagpapautang sa kanila.
Kaya pala nandito kagabi ang limang lalaki ay gusto na nilang pauwiin so Gia dahil wala na ngang engagement.
Sky is happy too, I guess.
Hindi pa rin siya kinakausap ni Gia, and I don't know what happened between the two of them.
"Please Gia, umuwi ka na. Maayos an ang lahat ngayon anak. Nakikiusap kami sayo" pagsusumamo ng tatay niya. Nakatingin lang sa malayo si Gia pero halata namang naiiyak na siya.
Nakatayo kami ni Francine sa gilid at nakaupo naman ang buong pamilya nila sa couch.
"Gia we're sorry. Alam naming maling mali ang ginawa namin sa inyo. But please give us chance, hayaan mong punuan namin lahat ng pagkukulang namin sa into ng kapatid mo" sabi pa ng tatay niya.
Gia stay firm but started crying. Pilit niyang pinupunasan ang mga luhang pumapatak sa mata niya.
"Twinnie" mahinahon na tawag sa kaniya ni Gale.
"Please" yun lang ang sinabi ni Gale pero tuluyan ng humagulgol si Gia.
Nagkatinginan kami ni Francine, lumayo kami sa kanilang apat. Kailangan namin silang bigyan ng oras na magkausap ng maayos.
Wala si Azura ngayon sa bahay. Ang sabi niya may part time job siya ngayon kaya maaga pang umalis.
Pumunta kami sa kusina at naglagay siya ng juice sa dalawang baso. Ibinigay niya sa akin ang isa na agad ko namang ininom.
"Hindi pa rin ako makapaniwala na ginawa mo yun para sa kanila" nakangiting sabi niya.
Kahit naman ako, hindi ko alam kung bakit ko yun ginawa.
"Uyy ang yelo, nagkakapuso na rin sa wakas" asar niya at sinundot sundot pa ang tagiliran ko. Inambahan ko siya ng suntok na agad naman niyang naiwasan.
Ilang minuto pa kaming tumambay sa kitchen ng makita naming pumasok si Gale at may mapait na ngiti sa kaniyang labi.
"Kumusta?" tanong ni Francine sa kaniya.
"Twinnie need time to get over. Kaya pumayag sila Mommy at Daddy na dito muna siya hanggang sa tuluyan na siyang maging ayos, is that okay?" tumingin silang dalawa sa akin kaya tumango lang ako.
"Thank you so much" nakangiting ani ni Gale. Naglakad kami papunta sa sala, nakatayo na yung mga magulang nila at wala na rin si Gia. Malamang nasa kwarto na siya ngayon.
Kahit mugto ang mga mata nilang dalawa, pilit pa rin silang ngumiti ng lumapit kami. Hinawakan ng nanay nila ang kamay ni Francine na nagpagulat sa kaniya.
"You don't know how thankful we are that our children has a friend like you. Maraming salamat hija, Lalo na sa Daddy mo" naiiyak na ani nito. Tumingin siya sa akin, at tumango lang ako. Ngumiti si Francine sa kanila.
![](https://img.wattpad.com/cover/133075021-288-k796028.jpg)
YOU ARE READING
LOOKING FOR THE ICE PRINCESS
Fiksi UmumShe is cold as ice, her glare, her voice, and even her presence can give chills down to your spine. A girl whom many people know but not her true identity. Who is she? What's wrong with her eyes? And WHY IS SHE COLD AS ICE? "I am cold as ice but I...