Chapter 47: The Zerandell's

83 5 0
                                    

Francine's POV

"Ice dali na! Baka nandoon na sila!" bulyaw ko kay Ice. Hinila ko na siya palabas ng kwarto hanggang sa sasakyan. Van ang dala namin at si Jones ang nagda-drive.

I feel so excited today. It's December 28 and guess what?

My family is going home!

Gusto kong humiyaw sa sobrang galak, pero baka masapak ako ni Ice kaya pigil na pigil ko ang sarili ko.

Mabilis kong kinuha ang phone ko ng tumunog ito.

Palong ng Manok is calling

"Hellow?!" inis na sagot ko. Nakarinig naman ako ng tawa.

"Galit agad?" natatawang aniya.

"Pwede bang huwag kang tumawag ngayon? Panira ka ng araw!" bulyaw ko ulit. Tumataas nanaman ang dugo ko sa kaniya.

Paano ba naman kasi, niregaluhan niya ako noong pasko pero napakababoy niya.

Bigyan ba naman ako ng Victoria's Secret lingerie?!

"Huwag ka ng magalit. Itatanong ko lang naman kung pwede ba akong bumisita sa inyo ngayon?" I roll my eyes as if he can see me.

"No, may mga darating sa bahay ngayon at ayaw kong makita nila ang panget mong mukha kaya huwag kang umaligid sa bahay" maarteng sabi ko.

"Sino naman? Si Damon nanaman ba yan?!" pabulyaw niya ring asik.

Bakit ba ang init ng dugo nito kay Damon. Inaano ba siya?

"Hindi" binaling ko ang paningin ko sa labas at halos tumalon ang puso ko ng makitang nasa airport na kami.

"Nandito na kami sa airport. Huwag ka ng tumawag, bye!" sabi ko sabay baba ng telepono.

Halos takbuhin ko ang loob ng airport para lang makarating sa arriving area. Ilang minuto pa kaming naghintay hanggang sa nakita ko na ang nakabusangot na mukha ni Paris.

"Paris!" sigaw ko kaya pinagtinginan ako ng ilang tao. Wala naman akong pakialam at tumakbo para salubungin sila. Daddy spread his arms as he welcome me.

"Oh my god na-miss ko kayo!" naiiyak kong sabi. Hinalikan ako ni Daddy sa noo. Bumaling ako kay Mommy at niyakap rin siya ng mahigpit.

"We miss you too, sweetie" bulong niya sa tenga ko sabay halik sa pisngi. Bumaling ako sa kapatid ko na nakabusangot nanaman. I pinch his cheeks and he gave me his death glare. Lumapit na rin pala sa amin si Ice.

"Ate Ice!" parang nagningning ang mata ng kapatid ko pagkakita sa kaniya.

Hinila siya ni Mommy at niyakap ng mahigpit.

"Ow we miss you too, Klea" malambing na bulong ni Mommy kaya napahagikgik ako.

"I can't breathe, Porschia" saad ni Ice kaya napabitaw agad si Mommy. Naglakad kami palabas ng airport. Nakasukbit ang kamay ko sa braso ni Daddy habang nagkwekwento tungkol sa pasko namin ni Ice. Mommy is beside me too, listening to my stories.

"Ang sabi ng daddy mo nakakilala daw kayo ng mga bagong kaibigan ni Ice" sabi ni Mommy sabay tingin kay Ice na nasa harap namin at katabi si Paris na naglalaro sa iPad niya.

"Opo, ipapakilala ko sila sa inyo pag bumisita sila sa bahay" nakangiting saad ko. Nakarating kami sa bahay at dumiretso na kami sa dining. Parang nabuhay yung buong mansyon sa pagdating nila.

"Sweetie magpapahinga muna kami sa kuwarto. Medyo mahaba din ang flight at may jet lag pa ako" tumango ako kay Mommy.

"Tatawagin ko nalang po kayo para sa dinner" humalik ako sa pisngi ni Mommy at Daddy.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 16, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

LOOKING FOR THE ICE PRINCESSWhere stories live. Discover now