Zayn's POV
Kasama ko ngayon si Kaidell sa HQ. Gusto niya daw mag relax saglit kaya nag aya nanaman ng inom. Ewan ko ba sa lalaking ito, parang ang daming iniisip sa buhay.
Hindi rin naman kami pwedeng uminom sa bahay at nandoon si Zay, buti nga at binabantayan siya ni Tita Mia.
Isang linggo ang lumipas mula noong nakabalik si Gia sa bahay nila. Minsan na lang rin kami mag hangout na lima. Yung dalawa, busy sa mga girlfriend nila. Si Red naman, nag sho-shoot para sa bagong issue ng magazine nila kasama ulit si Frans, at si Max naman hindi ko alam kung nasaan na. Mukhang may pinagkakaabalahan. Napapansin ko rin na madalas silang magkasama ng students body president, hindi ko nalang masyadong pinapansin.
"How studies bro?" tanong niya. Nanonood kami habang umiinom ng beer.
Napangisi nalang ako sa tanong niya.
"Baka mamaya lecturan mo na rin ako na dapat mag-aral ako ng mabuti para maging maganda kinabukasan ko" he snorted and throw me the pillow beside him.
"Malapit na ang sem break, anong plano niyong lima?" tanong niya habang nakatingin pa rin sa TV.
"Wala pang usapan, baka mag out of town ulit kami. Isasama ko nalang rin si Zay para macelebrate namin ang birthday niya" paliwanag ko.
Two weeks ang break namin. Maganda na rin yun para ma refresh ang utak namin sa lahat ng stress. Graduating kami kaya ang daming pressure. Nagsisimula na rin dumami ang paper works, parang sasabog na nga ako sa sobrang daming iniisip pero kinakaya pa naman.
Kaya lang naman ako kasama nitong si Kaidell ay katatapos lang ng finals. Sabi niya icelebrate daw namin ang araw na ito kasi nakasurvive ako ng isa nanamang sem.
I thought she will show up though. Finals ngayon at dapat lang na nakabalik na siya pero hanggang ngayon wala pa rin. Para namang walang pakialam ang ibang prof namin na ilang araw na siyang absent kaya nga hinarap ko na si Tita Mia kahapon.
"What are you doing here?" tanong niya kaagad ng makapasok ako sa office niya.
"Have you heard of Miller, Tita?" diretsong tanong ko. Napakunot naman ang noo niya.
"What about Ms. Miller?"
"Ilang araw na siyang absent pero mukhang walang pakialam ang ibang prof. Kahit sa attendance nilalagpasan ang pangalan niya, gusto ko lang malaman kung may alam ka ba kung bakit siya nawala" dire-diretsong tanong habang nakatayo pa rin sa tapat ng table niya. Sinenyasan niya akong umupo kaya naman ginawa ko iyon at hinintay siyang sumagot.
"Her guardian talked to me last last week na hindi na nga makakapasok pa si Ms. Miller" nagulat ako sa sinabi niya.
Ano daw? At bakit naman hindi na siya makakapasok? Akala ko ba family reunion lang ang pinunta niya doon?
"T-teka Tita, m-may finals pa diba? Bakit hindi na siya papasok? Babagsa--" pinutol niya ang sasabihin ko.
"She taked her finals exam ahead of time. Bago pa man ang festival." Imbes na maliwanagan, mas lalo lang gumulo ang nasa utak ko.
"She completed all her requirements and exams, ang sabi niya baka daw hindi na siya makabalik hanggang matapos ang sem kaya pinayagan ko siyang i-take yun ng maaga. Isa pa, that is one of the concerns na sinabi sa akin ng guardian niya bago pa man siya ma enroll dito"
Naguguluhan kong tinignan si Tita Mia. Bumuntong hininga siya saka binuksan ang drawer sa mesa niya. Ilang segundo siyang tumingin doon, pagkatapos ay naglabas siya ng isang folder na inabot niya sa akin.
![](https://img.wattpad.com/cover/133075021-288-k796028.jpg)
YOU ARE READING
LOOKING FOR THE ICE PRINCESS
Ficción GeneralShe is cold as ice, her glare, her voice, and even her presence can give chills down to your spine. A girl whom many people know but not her true identity. Who is she? What's wrong with her eyes? And WHY IS SHE COLD AS ICE? "I am cold as ice but I...