Gia's POV
"ANO TO?!!" malakas na sigaw ni Frans. Nandito kami ngayon sa tapat ng bulletin board kasama ang marami pang estudyante. Nandito kasi yung announcement ng Student council tungkol sa nalalapit na School Festival.
Lahat kami nagulat ng may nakalagay sa bulletin tungkol sa last day ng festival. Magkakaroon nanaman ng auction para matulungan yung mga babaeng lumalaban sa breast cancer since the theme of this year's festival is Woman Empowerment. Ang kaibahan lang, ang auction ngayon ay hindi mga lalaki kundi mga babae. Nakalagay na rin sa bulletin ang list ng babaeng kasama. 40 lahat at kasama ako, si Frans at si Azu.
Gulat na gulat kami kaya ang ingay na rin ni Frans.
"You mean I have to be with a stranger for the festival's night?" Tanong ni Frans sa akin. Pinaliwanag kasi namin sa kaniya ni Azu yung tungkol sa festival since bago palang sila sa Harris.
"Yeah, ganyan din ang nangyari kela Gale last year. And I'm telling you, it was epic" tumatawang sabi ko.
"Matagal pa ba kayo diyan? Una na kaya ako sa taas" lumingon kami kay Ice na nasa isang gilid habang nakapamulsa. Kanina pa kami dito kasi naiinis si Frans sa student council. Well, Hindi na ako nagulat. Frans is a famous model. Si Azu naman, nag champion last year sa Taekwondo noong Sportsfest. Ako naman, siguro isa sa dahilan is I'm running for Magna Cum Laude at isama mo pa na kapatid ako ni Gale at kaibigan ko sila Max.
"Hays, okay. Nagets ko na. I will do this for the women who are battling breast cancer. Isa pa, they will not choose me for no reason. I know I am the epitome of empowered woman" pagyayabang ni Frans na tinawanan lang namin.
"Excuse me" nabaling ang paningin namin ng dumating ang ilang officers ng student council, kasama na si Erin.
"Please make a way" sabi ng isa sa mga estudyanteng nagkukumpulan sa tapat ng bulletin board. Umurong run kami sa gilid.
May inilagay ang isang officer na papel sa bulletin board kasama sa ibang announcements, pagkatapos ang hinarap nila kami.
"The total of women who will be joining the auction is sixty. Nakalimutan lang ipost ang ten na mga pangalan kanina. All of your questions will be answered in the Student Assembly tommorow. But for now, read all the announcements about the School Festival next week" malakas na sabi ni Erin. Nagulat pa kami ng tumingin siya sa aming apat at ngumiti, lalo na kay Ice?
Ilang sandali pa ay umalis na sila, at dinumog nanaman ng mga estudyante ang bulletin board, isa na doon si Frans.
"Tabi!!" Sigaw niya at nakipagsisikan na. Tumawa nalang kami ni Azu.
"Matagal pa ba yan? Inaantok na ako" reklamo ni Ice matapos humikab.
"Hintayin nalang natin si Frans" sabi ni Azu.
"Psh she is causing so much hassle" mahinang sabi ni Ice.
"AAAAAAAAAAHHHHHHHHH!!!!"
Nagulat kami sa sigaw ni Frans. Nagkatinginan kaming tatlo at mabilis na pumunta sa pinaka gitna ng mga tao kung saan nandoon si Frans. Nakisama naman ang ilan at gumilid na sila para makadaan kami.
"What's your problem?!" Inis na asik ni Ice pagkarating naman sa tabi ni Frans. Nakatulala siya sa papel na kalalagay lang ng student council kanina.
"What's wrong Frans?" Mahinahon kong tanong. Tinuro niya lang yung papel, kaya naguguluhan kaming tinignan siya.
"Have you lost your tongue?! Speak!" mariin na utos ni Ice.
Mabagal na lumingon si Frans sa aming tatlo ng may nanlalaking mata.
YOU ARE READING
LOOKING FOR THE ICE PRINCESS
Fiction généraleShe is cold as ice, her glare, her voice, and even her presence can give chills down to your spine. A girl whom many people know but not her true identity. Who is she? What's wrong with her eyes? And WHY IS SHE COLD AS ICE? "I am cold as ice but I...