Chapter 39: The Yamato's

51 2 0
                                    

Azura's POV

"Masyado ng gabi, umuwi ka na" sabi ko kay Gale. Nandito kami ngayon sa likod ng bahay kung saan maraming nakatanim na bulaklak. Nakaupo kami sa isang upuan na gawa sa bato habang hawak niya ang kamay ko.

"I want to be with you 24/7" sabi niya habang nakatingin pa rin sa kamay ko. Napangiti naman ako.

"Ako rin, pero baka ano ng isipin ng mga tao sa loob. At isa pa, walang kasama si Gia sa bahay niyo" pangungulit ko pa kasi gabi na talaga. Di ko naman alam na seseryosohin niya yung sinabi niya kanina sa tawag na pupuntahan niya ako.

"Sigurado akong nandoon pa si Sky sa bahay" nakalimutan ko, sinabi nga pala ni Gia na gagawa siya ng dinner para kay Sky. Isn't she the most perfect girlfriend? Habang ako, ito lang.

"Anong iniisip mo?" tanong niya at nakatingin na sa mga mata ko.

"Wala naman, Naa-amaze lang ako kay Gia. Para kasing lahat ng bagay kaya niyang gawin" sagot ko at umiwas sa tingin niya.

"Kung alam mo lang kung anong sinasabi ni twinnie magmula ng bumalik siya sa bahay. Laging 'alam mo ba Gale, ang galing pala talaga ni Azu sa martial arts! Pinakita niya kasi sakin yung mga trophy niya'" natawa naman ako kasi ginaya niya pa yung way ng pagsasalita ni Gia.

"Kung hindi naman tungkol sayo kay Frans naman o kaya naman kay Ice. Hangang hanga siya sa inyong tatlo kaya nga sobrang saya ko na naging magkakaibigan kayong apat" tinignan ko siya sa mata niya saka ngumiti.

Kahit naman ako masaya ako na nakita ko ulit sila Ice at Frans, lalo pa noong nakilala ko si Gia. At syempre nakilala ko yung lima, lalo na si Gale.

"Love" tawag niya.

"Hmm?" I don't know kung kailan nagsimula ang pagtawag niya sa akin ng 'love', but I found it sweet though kaya hinayaan ko nalang. Kahit pa naiilang pa rin ako na tawagin din siyang ganun.

"Papasok ka pa rin ba sa part time job mo?" tanong niya kaya mabilis akong tumango.

"Oo naman, kailangan kong magtrabaho para sa saril---"

"But you don't have to, I can help you with your financial" pagputol niya sa sinabi ko at halata sa mukha niya ang pag-aalala. Umiling ako saka hinawakan yung dalawa niyang kamay at tumingin sa mismong mata niya.

"You don't have to help me. You're my boyfriend pero hindi ibig sabihin nun ay ikaw na dapat ang gumastos sa lahat ng pangangailangan ko kasi hindi mo naman yun responsibilidad" aangal pa sana siya pero pinigilan ko ulit.

"Isa pa, It's my decision to work because it is the first time I felt free and independent. Gusto kong tumayo sa sarili kong mga paa at kumayod para sa mga pangangailangan ko at patunayan sa sarili ko na kahit wala akong tulong na natatanggap mula sa ibang tao o kahit pa sa pamilya ko, masasabi kong kaya ko" napatitig namin siya sa akin.

"So please, hayaan mo kong gawin yun okay?" pakiusap na tono ko. Mahal ko siya pero ayaw ko namang pigilan niya ako sa mga bagay na gusto ko.

Bumuntong hininga siya saka ngumiti at tumango. He hugged me tightly so I hug him back.

"I'm so proud, my girlfriend is so brave" natawa nalang ako sa kaniya saka hinampas siya ng mahina sa balikat. He kissed my forehead at humiwalay na siya sa akin.

"Tara na?" yaya niya noong tumayo siya kaya tumayo na rin ako. Magkahawak kamay kaming bumalik sa loob ng bahay.

"Edi sana all my jowa" natawa kami sa sinabi ni Frans na ngayon ay nasa living room at nanonood habang kumakain ng popcorn.

"I'll be going" mahinang sabi ni Gale kaya tumango ako.

"I love you" bulong niya

"Aish te ru" sagot ko, nakita ko namang kumunot ang noo niya kaya natawa ako.

LOOKING FOR THE ICE PRINCESSWhere stories live. Discover now