Francine's POV
"And that is how the Philippine Revolution started. You can see at the illustration the bla bla bla bla" napairap nalang ako habang nakikinig sa lecture ni Ms. Lacson. Hindi ko alam kung bakit sobra akong nabobored sa lecture niya. Hindi naman sa ayaw ko sa History, pero yung way ng pagsasalita niya ang problema. Nasa bandang dulo kami kaya hindi ko marinig masyado yung boses niya. Isa pa, anong oras na rin akong nakatulog kagabi dahil sa pinagawa ni Ice.
Speaking of her, she is currently sleeping beside me. Nakalean siya sa mesa at taimtim na natutulog. Hindi na rin siya pinapansin ng mga professors. Naging usap usapan yung ginawa niyang pagsagot sa isa naming prof, buti nga at hindi siya pinatawan ng malaking parusa. Hindi na nga talaga bumalik pa sa room yung dating prof namin at pinalitan na siya ni Ms.Lacson. Sadly wala pa ring pinagbago.
"That is all for today, class dismiss" pagkarinig ko ng mga salitang iyon, agad akong nabuhayan. Marahas kong niyugyog si Ice, na naging dahilan para bigyan niya ako ng nakakamatay na tingin. Nginitian ko lang siya at nagpeace sign.
"Umalis na si ma'am. Tara na sa baba" inayos ko na yung gamit ko. Tumayo naman si Ice at sinukbit sa kaliwang balikat ang bag niya. Paalis na kami sa room ng biglang may humigit sa braso ko.
"Sabay sabay na tayong bumaba. Sasabay kami sa inyong mag lunch" nakangiting sabi ni Max. Nakita kong nakasunod sa likod niya yung apat niya pang kaibigan. Ngumiti sa akin si Gale at Sky. Samantalang tumango lang sa akin si Zayn at yung siraulong may pulang buhok ay ngumisi lang ng nakakaloko.
"At bakit naman?" Mataray kong sabi.
"May sasabihin kami ni twinnie sa inyo. Naghihintay na sila ni Azu sa cafeteria" kumunot lang yung noo ko at tumalikod sa kanila.
Ano namang sasabihin nila ni Gia?
Hinanap ng mata ko si Ice na kanina ay kasama ko.
"HOY ICE HINTAYAN MO AKOOOO!!" sigaw ko at tumatakbong sumunod sa kaniya. Pababa na siya ng hagdan at hindi man lang ako pinansin.
Napaka manhid talaga
"Bakit mo naman ako iniwan?!" Bulyaw ko sa kaniya pero binigyan niya lang ako ng tingin na sinasabing wala-akong-pakialam.
Bakit ko nga ba inaasahan na magkakaroon siya ng pakialam. Lumingon ako sa likuran namin at naglalakad na rin pala yung lima habang tumatawa at naguusap.
Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang makapasok sa cafeteria.
"Frans! Ice!" Lumingon kami ni Ice sa tumawag sa amin. Nakita namin si Gia at Azu na nakaupo sa gilid na parte ng cafeteria.
"Umorder na kayo?" Tanong ko agad pagkaupo namin ni Ice. Tumango naman si Gia.
"Sige oorder na kami" sabi ko at akmang tatayo na ng pigilan ako ni Gia.
"Nakaorder na ako para sa ating lahat. It's my treat" nakangiti sabi ni Gia kaya napangiti ako. Mukha namang nabuhayan din si Ice dahil hindi na siya mukhang inaantok ngayon.
Kahit kailan, mukha talaga siyang libre
"Hi twinnie" lumingon kami ng dumating ang limang lalaki at umupo rin sa table namin.
"Nandito na ba tayo lahat?" Tanong ni Gale habang nakangiti.
"Hindi pa" sagot naman ni Gia. Napakunot ako ng noo, ganun din ang iba ko pang kasama.
"Sorry I'm late, tinapos ko pa yung meeting ng student council" hapong hapo na paliwanag ni Erin at umupo na.
"Hi Erin" bati sa kaniya ni Max. Ngumiti lang siya sa aming lahat.
YOU ARE READING
LOOKING FOR THE ICE PRINCESS
General FictionShe is cold as ice, her glare, her voice, and even her presence can give chills down to your spine. A girl whom many people know but not her true identity. Who is she? What's wrong with her eyes? And WHY IS SHE COLD AS ICE? "I am cold as ice but I...