Chapter 7: Who is she?

133 7 0
                                    

Ice POV:
"ICE!!!!!"

Bullshit*t! Napatakip ako agad ng unan sa ulo ko, kaya ayaw kong kasama sa iisang bahay to eh, Ang ingay ng bunganga.

"Ice! Bumangon ka na diyan! Baka malate tayo! First day na first day ko sa school late agad ako? No way! Ampanget naman nun diba? Ang cute nga pala ng uniform nila. Hihihihi, sa US kasi walang uniform eh, kainis!" Daldal niya.

"Shut up Francine, lumabas ka na. Sumasakit na tenga ko" Sabi ko sa kaniya, ngumiti siya sakin at lumabas ng kwarto ko. Ayaw ko pa ngang bumangon eh! Napuyat ako kagabi kakaresearch tungkol sa Game of the Greatest na gaganapin sa Linggo. At napagalaman ko na rin na ang mga tukmol na 5 Prince's ay ang nangunguna ngayon sa ranking.
Tss, Ang pangit kasi ng pamamahala kaya mahihina na ang mga gang na kasali sa rankings.

Nang matapos na ako ay bumaba na ako sa dining hall dala ang gamit ko. Naabutan ko namang nagbribreakfast na si Francine.

"Ang tagal mo naman ice" Sabi niya habang kumakain ng hotdog.

Ipinaghandaan na rin ako ng mga maids kaya nagsimula na akong kumain.

Hindi na kami nagusap, well we have this habit na hindi maguusap pag kumakain. Ewan ko, naging ganun lagi.

"Sasama ako" tiningnan ko siya agad.

"Sasama ako sa Game of the Greatest" napatigil ako sa pagkain at seryosong tumingin sa kaniya.

"Sa totoo lang ayaw ko talagang bumalik pero ayaw kong hayaan kitang makipaglaban magisa, kailangan kong samahan ka dahil hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung maulit ang nangyari noon" paliwanag niya.

"It's your choice, pero hindi ko hinihiling na samahan mo ko. I can handle everything on my own" Sabi ko sa kaniya at pinagpatuloy ang pagkain. Hindi ko na siya narinig sumagot kaya ng matapos na ako ay dumiretso na ako sa kotse ko.

"Ice! Hintayin mo ko! Sasabay nalang ako sayo! Di ko pa kabisado daan papunta dun!" Habol niya sakin kaya hinintay ko siya sa loob ng kotse.

"May ipapadala si tanda na sasakyan satin, bago ako umalis sinabi niya sakin yun" Sabi niya sakin habang naglalagay ng makeup.

"Nga pala ice, may nangyari ba sayo nung mga panahong ikaw palang dito? Napaaway ka ba o nabully ka ba?" Tanong niya sakin.

Napalunok ako, bakit niya ba ko tinatanong.

"Ang dami mo kasing sugat at may mga pasa ka pa" Sabi niya habang nilalagay sa bag niya ang mga makeup niya. Hindi ko nalang siya sinagot.

"Don't worry, Hindi ko naman sila aanuhin, masyadong akong mabait para manakit ng mga schoolmates ko" nakangiti niyang sabi. Hayy, kailangan kong sabihin sa kaniya dahil panigurado pag nalaman niya sa iba na ginawan ako ng kagaguhan ng mga estudyante ay magwawala yan.

"I-ive been bullied" maikli kong sabi. Tiningnan ko ang reaksyon niya at hindi naman nagbago ito.

"Hindi ka ba magwawala diyan? Di ka sisigaw o mababaliw?" Nasabi ko dahil kapag nagsasabi ako ng mga ganito sa kaniya ay nagwawala siya at nababaliw.

"Why would I?" Nakangiti niyang sabi

"Tss" naiusal ko nalang at nagfocus sa pagdadrive.

"Just kidding, Alam ko ang nangyari sayo, Ang five Prince's ang gumawa nun sayo diba?" Sabi niya, medyo nagulat ako kaya tumingin ako sa kaniya.

" I have connections you know! Hohoho" tawa niya at nagtakip ng bibig at tumawa.

"Psh, Alam ko namang may nagbabantay sakin" Sabi ko.

Naalala niyo yung oras na pumunta ako sa sementeryo, may naramdaman akong nakatingin sakin kaya nagpasya akong umuwi, Alam kong hindi yun delikado dahil hindi naman ako kinabahan.

LOOKING FOR THE ICE PRINCESSWhere stories live. Discover now