Chapter 30: The Favor

49 3 0
                                    

Gale's POV

"Hijo, dadalhin mo rin ba ito?" Tanong ni manang, tumango ako bilang sagot. Nandito ako sa kwarto ni twinnie, hahatiran ko siya ng mga damit mamaya at yung mga gamit niya rin sa pagbi-bake. Tinutulungan ako ni Manang sa pagiimpake. Buti nga at wala dito sila Dad.

Hanggang ngayon ay hindi ko pa nakakausap sila Mommy. Galit ako sa kanila, sobra akong nagagalit sa kanila. Ni hindi ko nga alam kung kaya ko pa ba silang harapin ng maayos at walang halong pagsusumbat.

"Manang pakiayos nalang po yung mga gamit ni twinnie sa kusina. Ako na po ang bahala dito" sabi ko kay manang. Kailangan ko kasing nagmadali dahil anytime ay dadating na sila Mommy. May pinuntahan lang daw sila sandali sabi ni manang kaya nakapuslit ako agad.

Mabilis kong niligpit ang ilang mga gamit na nakakalat sa kwarto ni twinnie. Isang maliit na maleta lang naman ang dala ko. Nakapagdala na ako ng mga damit niya doon kaya pangdagdag lang ito.

I am so thankful to her friends. Hindi ko inexpect na io-offer ni Ice ang bahay nila para matuluyan ni Gia. They were so kind and I'm happy that she is happy living with them for a short period of time.

Bumaba ako agad para kuhain ang pinapaayos ko kay manang. I saw her waiting for me at the end of the stairs with a worried face. Kumunot agad ang noo ko, saka ko lang na realize na may isang taong nakatayo sa gilid niya.

Mom

"Gale" mahinahon niyang tawag sa akin. Napatigil ako sa paglalakad at tinignan siya ng diretso sa mga mata niya.

Masyadong emotional si mommy kaya halata sa mata niya na mukhang maiiyak na siya na makita ako sa loob ng bahay. Humugot ako ng malalim na hininga at nagpatuloy sa paglalakad.

Lalagpasan ko na sana siya ng hawakan niya ang braso ko.

"Gale can we talk for a minute?" Tinignan ko siya ng diretso akmang hihigitin ko na ang braso ko ng magsalita ulit siya.

"Please anak, just a minute. Let me explain" sabi niya at may isang patak ng luha ang tumulo mula sa kanang mata niya. Napapikit ako sandali.

I don't want to see her cry...

"Fine" pagsuko ko. Ngumiti siya ng mapait at naglakad kami papunta sa couch.

Nakangiti siya sa akin habang ako ay seryosong nakatingin sa kung saan.

"K-kumusta ka na? How is Gia?" Hindi ko siya sinagot at tumingin lang sa malayo.

"P-pwede bang umuwi na kayo dito ng kapatid mo? The house is so empty without you two" napangisi ako sa sinabi niya.

" You're expecting us to come home after everything?" Sarkastikong sabi ko. This time tinignan ko na siya sa mata niya. Bakas ang matinding lungkot at pagsisisi sa mga mata niya ngayon.

"I'm sorry anak" umiiyak na si mommy ngayon. Hindi ko alam pero habang pinapanood ko siyang lumuluha ay may kung anong napupunit sa loob ko.

"I know we are wrong, kasi mas inuna namin ang negosyo kesa sa inyong mga anak namin. But we are doing this for your future" naikuyom ko ang kamao ko sa sinabi ni mommy.

For our future? That's bullshit!

''Nalulugi na ang kompanya anak" nabaling ang atensyon ko sa sinabi ni Mommy.

"What are you saying?" Naguguluhan kong tanong. Tinignan ako ng mga lumuluhang mata ni Mommy.

"Our business is in crisis right now. Ilan sa mga resorts at restaurants natin ang naibenta na namin ng daddy mo dahil nalulugi na tayo. The Enterprise is our last hope. Hindi namin kaya na pati iyon ay mawala kaya humingi kami ng tulong kay Franco. Kailangan namin mapatibay ang relasyon ng pamilya natin sa kanila at ang pagpapakasal lamang ng kapatid mo kay Sky ang tanging paraan para mangyari yun" para akong nanghina sa mga narinig ko.

LOOKING FOR THE ICE PRINCESSWhere stories live. Discover now