Chapter 28: Sleep Over

55 1 0
                                    

Ice's POV

"Huhuhuhu" sabay na iyak ni Francine at ni Gia. Nandito kami ngayon sa theater room ng mansion. It is like a mini theater with a big tv. May 15 seats ito at kaming apat lang ang nandidito ngayon.

Kumain nalang ako ng popcorn dahil sa ko-OA-han ng dalawa. Nakita ko namang naiiyak na rin si Azura. Nagkayayaan kami, I mean sila na manood ng movies. At pangalawa na itong pinapanood namin. Ang una ay The Notebook, at ngayon naman ay Midnight Sun. Nasa part na kami na alam na ng lalaking bida na may kakaibang sakit ang babae at kanina pa rin walang tigil sa pagiyak si Francine at Gia.

It's been a week since their birthday. Sa palagay ko naman medyo okay na si Gia. Madalas na rin dito si Gale, meaning pati yung tatlong pugok. Napilit na rin namin si Gia na pumasok sa school dahil malapit na ang finals. While Sky? I don't know about him. Minsan na lamang siya pumasok sa school. Ang sabi naman nila Red at Max, nakakausap naman daw nila siya ng madalas. Pero iwas parin siya sa kambal. It felt weird to spend some time with the boys without him.

Halos araw-araw sila kung pumunta dito. At nagbabalak rin silang mag-sleep over. As if naman papayag ako.

Mga mongoloid sila

Hindi ko na naintindihan pa ang pinanonood namin dahil nangingibabaw ang iyak ni Francine at Gia. Isama mo pa ang mahinang paghikbi ni Azura na katabi ko.

"Tsk" naiusal ko. At padabog na tumayo at lumabas.

Naglalakad na ako papuntang kitchen ng salubungin ako ni Garcia.

"Madame Klea, may mga bisita po kayong dumating" napakunot ako ng noo at naglakad papunta sa pinto.

Tumambad ang apat na mga pugok na nagtatawanan, may mga dala rin silang bag na animoy magcacamping sa isang bundok.

"Anong ginagawa niyo dito?" Kunot noong tanong ko sa kanila. Malaki namang ngiti ang binigay nila sa akin.

"It is already 10:30 pm, Hindi na oras ng pagbisita" mataray na sambit ko.

"Eh Ice diba sinabi namin sayo na nagbabalak kaming mag sleep over" nagmamakaawang tono ni Maxwell.

"Ang kulit kasi netong si Max, pinilit kami na ngayong gabi nalang namin gawin yun" paliwanag pa ni Red.

"Please, Ice. Just this one night. Please" pakiusap pa ni Gale. Hindi ako natinag at tinignan silang apat.

"Ginagawa lang namin ito para kay Gia" seryosong sabi ni Zayn.

Yeah I know. Nabanggit sa akin ni Gale na mapapadalas ang pagpunta nila sa bahay para kay Gia. Kahit isang linggo na ang lumipas, bakas pa rin sa kaniya ang lungkot, Lalo pa at pinipilit siyang pauwiin ng parents niya. Kaya para maaliw at mapasaya si Gia, naisip nilang pumunta lagi dito.

Which I totally understand, they are her friends anyway.

"Gale?" Napalingon kami sa likod.

Nandoon na si Azura, Francine at Gia. At lahat sila namumugto ang mga mata.

"Anong nangyari sa iyo?!" Gulat na tanong ni Max. Para naman silang mga tanga na nagmamadaling lumapit sa tatlo.

"Naku wala eto, nagmo-movie marathon lang kami sa may theater room" paliwanag ni Francine.

Napa ahh naman silang apat.

"May theater room kayo?" Namamangha namang tanong ni Red. At sabay sabay na tumango yung tatlong babae.

I massaged my temples, sumasakit ang ulo ko sa mga taong to.

"Bakit pala kayo nandito?" Takang tanong ni Azura. Ngumiti naman si Gale sa kaniya.

LOOKING FOR THE ICE PRINCESSWhere stories live. Discover now