Chapter 45: Denial

28 1 0
                                    

Zayn's POV

"Fuck, gusto ko na ulit magbakasyon" binato ko ng unan si Red. Nasa private room kami at tumatambay. Wala kaming prof kaya ayos lang.

"Bro" napalingon kaming lahat kay Max ng magsalita siya. Kanina pa kasi siya tulala at mukhang malalim ang iniisip.

"Gagraduate na pala tayo" nakatulala pa ring sabi niya.

"Ngayon mo lang narealize?" natatawa namang tanong ni Sky.

Nagseryoso naman kami ng hindi tumawa si Max.

"May problema ba?" tanong ko sa kaniya.

"Si lolo kasi, gusto niyang i-handle ko ang bagong resort namin sa Nueva Ecija" halatang problemado ang boses niya.

"That's good bro, kaya mo namang mag-handle ng resort kahit fresh grad ka palang" Gale tried to cheer him up but he just sighed.

"Ang gusto ko kasi sana magsimula sa mababang position, I'm too young to handle a whole resort"

We comforted him. Kahit ako ay namomroblema na rin. I know I will handle a position in the company. But knowing dad, I know he will let me learn from the bottom.

Bumalik kami sa klase at kahit papaano ay mukhang nabawasan ang problema ni Max. He is back to his usual self. The cheerful and hype Maxwell Davies.

Natigilan ako ng makita siya na natutulog sa mesa niya. Si Francine naman ay may kausap na iba naming kaklase.

Agad na nilapitan ni Red si Frans.

"Ano nanaman?" inis na bulyaw nito sa kaniya.

Bumalik kami sa upuan namin at hinintay ang pagdating ng prof.

Dumating si Mr. Dominguez pero hindi pa rin nagaangat ng ulo si Ice.

It's been a week since we arrived from El Paraiso. I felt awkward and concious whenever I see her. Buti nga at natigil na ang pangaasar ng mga kaibigan namin. Ice is cool as always. Parang wala lang sa kaniya ang lahat kahit pa sobrang big deal noon sa akin.

I shrug when I remember that moment.

"Excuse me Ms. Miller!" malakas na pagtawag sa kaniya ng prof. Hindi siya nag-angat ng ulo kaya siniko na siya ng pinsan niya.

"Hoy! Gumising ka dyan! Galit na si sir" rinig kong sabi niya dito. Dahan dahan namang nag-angat ng ulo si Ice. Antok na antok siyang nag-ayos ng upo.

"You're sleeping again, Miss Miller" mariing sabi ng prof. Natahimik naman ang lahat.

"Yeah, I guess" bored na sabi niya at nag-unat pa nga ng braso. May ibang napapasinghap sa ginagawa niyang pambabastos. Yung iba kasing prof, sanay na sa kaniya kaya hindi na siya sinasaway o pinapakialaman. Kahit naman kasi lagi siyang tulog sa klase, matataas naman ang nakukuha niya sa mga test at exams. I heard she even got the fourth place of the highest scores noong finals. But since bagong sem, mukhang hindi pa sanay sa kaniya ang bagong prof namin.

Matabang siyang tinignan ng lalaking propesor.

"Usap usapan sa faculty ang pagiging bastos mo hija,  pero nagugulat pa rin ako na totoo pala ang mga sinusumbong nila" halata ang inis sa boses ng matanda. Nasa likod niya ako pero sigurado akong nakangisi na siya.

That's what she always do when she is talking to someone.

"Hindi ko alam na ganun pala ako kasikat" mayabang na saad niya kaya mas tumalim ang tingin ng prof sa kaniya.

"I won't allow your disrespectful character miss!" dinuduro niya na ngayon si Ice pero kalmado lang ang isa.

"Mukhang may magwa-walk out nanamang prof" bulong ni Red na nasa tabi ko.

LOOKING FOR THE ICE PRINCESSWhere stories live. Discover now