Francine's POV
"I hope all of you will participate for the next week's festival. If you still have questions or clarifications, feel free to visit our office. We, officers will always be ready to answer you all. Have a good day to all of us" pagtapos ni Erin. We are in the Gym right now because of the Student Assembly. Naka focus ako kanina sa pakikinig habang si Ice na nasa tabi ko ay nakatulog na. For sure hindi niya nanaman alam yung mga mangyayari. Ginising siya ni Azu dahil nag simula ng umalis ang ibang estudyante. Wala ngayon si Gia. Masama daw kasi ang pakiramdam niya, hinayaan nalang namin. Kailangan niya kasi talagang magpahinga.
"Tapos na ba?" pupungay-pungay pang tanong ni Ice. Tinarayan ko nalang siya.
"Uuwi na ba tayo?" Tanong ni Azu ng makarating kami sa parking lot.
"Oo"
"Hindi" sabay naming sagot ni Ice. Tinignan niya ako ng masama.
" Diba sinabihan ko na kayo na sasamahan niyo akong magshopping ngayon!" pagmamaktol ko.
Actually, I feel excited for next week's festival. Bawat department kasi ay maghahanda ng booth. Since Business Managent kami, naisip ng buong deparment na mini coffee shop nalang ang gawin. Sa pangunguna ng limang unggoy na president pala ng department. Kanina lang sinabi sa amin bago kami pumunta sa assembly. Tatlong booth ang gagawin ng buong department. Hinati kami sa tatlong grupo. Ang unang grupo ay gagawa ng Horror booth, ang pangalawa naman ang magma-manage ng food plaza at makikipagtulungan sa Culinary Students. At ang pangatlo ay sa Coffee shop. Nagulat pa nga ako kasi magkakasama naming sampu Doon, bumulong naman sa akin si Max na sila daw ang naggrupo para magkakasama kami. Atsaka coffee shop nalang din daw ang sa amin kasi yun yung pinakamadali
Napakamadudugas talaga ng limang yun!
Gusto ko pa sana sa Horror Booth.
Nagvolunteer ako na ako nalang ang magaasikaso sa uniform ng grupo namin. Ang iba naman ay sa set up ng mini cafe. Bukas na magsisimula ang paggawa ng mga booth sa field, kaya kailangan tapos na ang lahat sa pagplaplano.
Niyaya ko si Azu at Ice kanina na samahan ako sa paghahanap ng costume namin. Pumayag si Azu pero mukhang hindi ako narinig ni Ice dahil natutulog siya kanina.
"Sige na Ice! Sumama ka na pleaaaasssseeeee" tinaasan niya lang ako ng kilay kaya hinampas ko siya sa braso.
"Bilis na! Ililibre kita ng ice cream" magic word at tumango siya agad. Sugapa talaga sa libre, ang dami naman niyang pera pero tinatamad gumasta.
"Uy san kayo pupunta?"
"Ay kabute!" Sigaw ko sa gulat. Isang kabute-- este isang nilalang ang sumulpot sa tabi ko.
"Kabute ka pala eh" asar ni Red kay Max.
"Sorry" nasabi ko kasi nalungkot agad ang mukha niya.
"Pupunta kami sa mall, bibili kami ng costume natin" nakangiting sabi ko. Nag ahh naman siya.
"Pwede bang sumama?" tanong ni Gale na ngayon ay nakangiti na rin.
"Sasabay nalang kami. Bibili rin kami ng mga gagamitin sa pagset up ng booth" sabi ni Zayn.
Tumango ako sa kaniya at tinignan so Azu at Ice.
"Okay lang sakin" sabi ni Azu.
"As if I have a choice" mahinang reklamo ni Ice at naunang sumakay sa kotse.
"Yehey!" sigaw ni Max at natawa ako.
"Oy Sky sumama ka rin ah" nakangiting sabi ko. Ngumiti naman siya at tumango.
YOU ARE READING
LOOKING FOR THE ICE PRINCESS
Ficción GeneralShe is cold as ice, her glare, her voice, and even her presence can give chills down to your spine. A girl whom many people know but not her true identity. Who is she? What's wrong with her eyes? And WHY IS SHE COLD AS ICE? "I am cold as ice but I...