Chapter 23: Girl friend?

72 4 0
                                    

Gale's POV:

Naalimpungatan ako ng mag-ring ang cellphone ko. Tinignan ko muna ang orasan sa side table. 2:25 pm? Mukhang napahaba ang tulog ko.

Anong oras na rin ako nakatulog kagabi, 5 am narin siguro. Pumunta ang apat sa bahay para kumustahin si Gia, syempre naglaro kami ng online games. Gusto pa ngang mag-overnight ng mga loko pero hindi ako pumayag. Kailangang makapagpahinga ni twinnie.

She is shocked. Hindi ako nagsasabi sa kaniya tungkol sa UW. Wala siyang alam sa ginagawa namin, ang sinabi lang namin sa kaniya, isa kaming gang. Madalas siyang magtanong pero hindi namin sinasagot. Ayaw kong madamay siya sa ginawa kong gulo. Siya ang pinakahuling tao na gusto kong mapahamak ng dahil sa akin. She is so precious, and I don't want to loose her.

Sinagot ko ang tawag ng makitang si Red iyon.

"Bro, naka 20 missed calls na ako sayo. Ano bang ginagawa mo?" Halata ang inis sa boses niya. Tinignan ko ang phone ko, oo nga. 20 missed calls at 14 text messages galing sa kaniya.

"Kagigising ko lang. Bakit ba?" Tanong ko. Nakarinig naman ako ng buntong hininga mula sa kabilang linya.

"Sinend ko na sayo yung pinapahanap mo" sabi niya.

"Saan?"

"Check your email dude" iritang sabi niya. Agad kong kinuha ang laptop ko at tinignan ang email. May sinend nga siya sa akin. Binuksan ko ito at binasa ang nakalagay.

"Bro, nandyan ka pa ba?" Boses ni Red. I put it into loudspeaker and  browse the file he sent.

"Yeah" sagot ko.

"Nakita mo na?"

"Oo"

"I'm total shock right now dude. Hindi ako makapaniwalang mayaman pala talaga si Azura" sambit niya sa kabilang linya. Binabasa ko parin ang article na sinens niya.

Nakalagay doon ang mga impormasyon tungkol kay Azura Yamato.

Siya ang panganay na anak ni Akihiro at Aiya Yamato. She have a younger sister named Akira Jana Yamato.

Nakalagay rin ang mga ari-arian nila at mga kompanya. They are really rich and powerful, especially in Japan.

I scroll down and my eyes widen when I read the following article.

Jana Yamato, the second daughter of Akihiro Yamato died in an unidentified accident

And that was two years ago.

"May namatay siyang kapatid" ani ko kay Red sa kabilang linya.

"Oo, bunsong kapatid ni Azura. Namatay siya two years ago dito sa Pilipinas. Walang lumabas  na balita kung ano ang totoong dahilan ng pagkamatay niya. May ilang nagsasabi na pinatay ito dahil rin sa mga issues na kabilang ang mga Yamato sa mafia" paliwanag ni Red.

Kung ganun totoo ngang may namatay siyang kapatid. Hindi pa matagal ang two years kaya malamang hindi parin nakakalimot si Azura.

Pero bakit hindi sinasabi sa publiko ang dahilan ng pagkamatay niya? Anong dahilan? May tinatago ba sila?

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. My mind is a total mess.

"Kung mayaman siya, bakit kailangan niyang magtrabaho dito? I mean, I saw her working in a cafe near school. What was that suppose to mean bro?" Tanong ko kay Red.

Naguguluhan ako. Bilyonaryo ang pamilya nila, bakit nagtitiis si Azura sa pagtratrabaho sa maliit na coffee shop na iyon?

"Yan ang hindi ko alam. Ang nahanap ko lang ay si Azura ang nag-iisang tagapag-mana ng lahat ng kayamanan ng mga Yamato dahil nga namatay ang kapatid niya. According to my research, she is studying somewhere in Europe but it turns out she  is living here" paliwanag ni Red.

LOOKING FOR THE ICE PRINCESSWhere stories live. Discover now