Gia's Pov:
Unti-unti kong binuksan ang mga mata ko. Tumambad sa akin ang isang beige colored room. Puno ito ng mamahaling gamit at mga paintings.
Then I realize that I don't know where I am.
Sinubukan kong alalahanin yung mga nangyari kagabi, pero masyadong masakit ang ulo ko kaya hindi ko na itinuloy pa. All I know is that there is a huge hole in my heart that affects my whole system. Sinubukan kong tumayo kahit medyo nahihilo pa ako.
Nasaan ba ako?
Binuksan ko ang pinto at lumabas sa malaking kwarto. I am not wearing the gown, meaning may nagpalit ng damit ko. Pero hindi ko alam kung nasaan ako. Naglakad ako sa malawak na hallway, tinignan ko ang mga portrait na nakadisplay sa wall pero wala akong makilala sa mga iyon. Isa lang ang sigurado ako, wala ako sa bahay at hindi ko alam kung paano at bakit ako nandito.
This place is huge. Mas malaki pa sa bahay namin.
"Madame, gising na po pala kayo" nagitla ako ng may nagsalita mula sa likod ko. Lumingon ako at nakita ang isang lalaking nasa 30's na nakasuot ng black tux habang nakangiti sa akin.
"Where am I?" Una kong tanong. Pero imbes na sumagot, iginiya niya lang ako at pinasunod sa kaniya.
"Hinihintay ka na po nila sa dining hall" napakunot ang noo ko, gusto ko pang magtanong pero pinili ko nalang na sundan siya.
Bumaba kami sa isang grand staircase. Naglakad pa kami hanggang sa makarating kami sa isang malaking double door. Binuksan ito ng lalaki at nanguna ang amoy ng masasarap na pagkain dahilan para maramdaman ko ang gutom.
"Oh my God! You're awake!" Napatingin ako sa isang mahabang mesa at may nakaupo doong tatlong babae. Nagulat ako ng makilala ang tatlong babaeng yun. Mabilis silang tumayo at lumapit sa akin.
"I'm glad you're fine" sabi ni Francine at yinakap ako.
"B-bakit ako nandito?" nauutal na tanong ko. Nagkatinginan naman silang tatlo. Inalalayan ako ni Azu at Frans papunta sa mesa. Pinaupo nila ako, at ngayon ay katabi ko na si Frans.
"Ayos lang ba ang pakiramdam mo?" Tanong ni Azu. Tumango naman ako at mariin ko silang tinignan.
" You will be staying here with us for the mean time. Hanggat hindi niyo pa naaayos ang gulo sa pamilya niyo" seryosong sabi ni Ice
It hit me
Napayuko ako at naramdaman kong uminit ang gilid ng mga mata ko.
"Alam naming nahihirapan ka Gia. Kaya nagdesisyon na rin si Gale kahapon na mas makabubuti para sayo if lalayo ka muna sa inyo" pagpapakalma ni Frans. Pinilit kong kumalma saka ako nagangat ng tingin at pilit na ngumiti.
"T-thank you. Pasensiya na kung nakakaabala ako sa inyo, nadamay pa kayo sa gulo ng pamilya namin" kahit pilit kong itago ang nararamdaman ko, halata naman sa boses ko ang malapit ng pagiyak.
Tiningnan nila ako. I feel pity for myself.
Do I deserve this pain?
"Gale will visit you later, but for now you must eat" said Ice, more on command. Ngumiti nalang ako bilang sagot. May mga maid na lumapit sa amin pati ang lalaking naghatid sa akin kanina.
"Feel free to ask anything here. Feel at home, magsabi ka lang sa amin kung may kailangan ka. This is Jones..." Turo ni Frans sa lalaking naghatid sa akin kanina
" And this is Garcia..." Turo niya sa isang pang lalaki na katabi ni Jones.
"Sila ang pwede mong lapitan if ever na may kailanganin ka" tumango ako. Nagbow naman sila.
YOU ARE READING
LOOKING FOR THE ICE PRINCESS
Genel KurguShe is cold as ice, her glare, her voice, and even her presence can give chills down to your spine. A girl whom many people know but not her true identity. Who is she? What's wrong with her eyes? And WHY IS SHE COLD AS ICE? "I am cold as ice but I...