Chapter 12: Bahay Kalinga

111 5 0
                                        

Tamad na tamad ako habang nakikinig sa sinasabi ng prof namin. Inaantok ako kasi anong oras  na  ako umuwi kagabi. Pumunta ako sa underground palace para ayusin ang mga dapat ayusin.

"Goodmorning miss" napatingin ako sa pinto ng pumasok ang SC President. Ano nga ulit pangalan niya? Aireen ba yun?

"Miss Lee? What can i do for you?" Malambing na tanong sa kaniya ng prof namin. Ngumiti naman siya ng matamis

"Can i excuse Mr.Davies, Mr.Peters, Mr.Lancaster, Mr. Hamington, Mr.Harris and also Miss Miller for a while?"

Geez, is it about the punishment?!

Naunang lumabas yung limang pugok kaya tumayo na ako. Tumingin pa sakin si francine kaya tinanguan ko lang siya bago tuluyang lumabas.

Pagkalabas namin ay nakita ko agad si azura na nakasandal sa pader.

Yeah, it is about that damn punishment.

"Pupunta tayo sa office ni dean" nakangiti niya paring sabi.

Nakalimutan ko talaga yung pangalan niya.

Nagtanguan kami atsaka sumunod sa kaniya. Nauuna siyang maglakad habang kaming dalawa ni azura ang nasa likuran niya  at ang mga pugok ang nasa likod namin.

"Erin tungkol ba to dun sa punishment namin?" Tanong ni maxwell ng makalapit siya kay sa SC president. Erin nga pala yung pangalan niya! What the hell? San ko nakuha yung aireen?

"Oo'' nakangiting aniya.

Nang makarating kami sa office ng dean ay agad kaming pumasok. Umupo kami dun sa couch habang si dean ay nakatingin samin ng may ngiti sa labi. Weird.

"Gusto ko lang ipaalam sa inyo na bukas niyo na gagawin yung punishment" what the hell?!

Yung limang pugok nagreklamo agad habang kaming dalawa ay nagkatinginan lang

"Tita may lakad kami bukas at napaka importante nun" epal ng unggoy na si zayn

"Oo nga tita, may inutos sila mom sa amin kaya di kami makakasama bukas" dagdag pa ni gale

"Okay, wag kayong sumama at ng malaman ng magulang niyo ang nangyari, para narin masuspend kayo ng dalawang linggo" nakangiti niya  pang sabi. Napangisi ako ng sumimangot silang lima.

"Si erin na ang sasama sa inyo, sa isang bahay ampunan kayo pupunta. Mamimigay kayo ng mga regalo at syempre kailangan niyong pasayahin yung mga batang nandun"

What the hell?

Ngayon na ako nagsisi sa ginawa kong pakikialan sa laban nila. Kung pinabayaan ko nalang sana  yung pagtapon ng pagkain ko malamang masaya ang magiging weekend ko at hindi kasama ang mga pugok na to.

"Before 6 kailangan na nating magkita kita dito sa school. Yung school bus ang gagamitin natin sa biyahe. Magkakaroon rin kasi ng maliit na program dun para sa mga bata" nakangiti ring paliwanag ni erin.

Ibig sabihin parang maghohost kami ng maliit na  party para dun sa mga bata sa ampunan?

Hayyy, i cant believe i am going to do that.

"You can also invite your friends if they want to join the program" tss, sinong gugustuhin magsayang ng oras sa ganun na bagay?

"Si gia gusto niyang sumama" narinig kong sabi ni gale sa apat na unggoy na kasama niya

"Okay yun gale, isama mo si gia. Mahilig pa naman yun sa mga bata" sabat sa kaniya ni max na ngiting ngiti.

"So before 6 am dapat nandito na kayo, and please act as a student kapag nandun kayo sa bahay ampunan. Be a role model at ipakita niyo ang pride ng Harris University" paalala ni dean.

LOOKING FOR THE ICE PRINCESSWhere stories live. Discover now