Chapter 37: Festival (Part 2)

47 3 0
                                    

Ice's POV

"Anong oras na?" tanong sa akin ni Maxwell. Tinignan ko naman ang wrist watch ko.

"5:10" maikling sambit ko.

"Simulan na nating ang auction" masiglang aniya at tinawag na nga ang mga kasam namin.

"Wala pa ba sila Gia at Sky?" tanong nanaman ni Francine. Mula pa kaninang alas tres ay hindi pa nakakabalik ang dalawa. Ang sabi naman ni Gale ayos lang daw sila. Hayaan nalang daw namin.

Nakakapanibago nga kasi kung dati, hindi niya lang malaman kung nasaan si Gia, nababaliw na at nago-over act na pero ngayon, parang ayos lang sa kaniya.

"Sky texted me, baka hindi na daw sila makabalik kasi masama daw pakiramdam ni Gia" sabi ni Red habang nakatingin sa phone.

"Talaga? Kumustahin na kaya natin si Gia? Ano bang nangyari?" Overact ni Francine. Umiling lang si Gale habang ngumingiti.

"No need, nandun naman si Sky. Hindi niya pababayaan si twinnie" halatang masaya siya kaya wala ng nangahas na kontrahin pa siya.

But where are they?

Kinuha na namin yung mga cake na nasa storage room. At pumunta naman kaming pito sa maliit na platform sa gilid ng counter.

Hawak ni Max ang microphone at tinetesting ito.

"Hellow? Hellow? Mic test... 1,2,3... Mic test 1,2,3... Hellow? " Parang tangang sabi niya. Nakuha naman niya ang atensyon ng lahat. Kaya unti unti ng tumayo ang mga customers namin at lumapit sa platform.

"Good afternoon beloved customers!" Parang batang bati niya sa mga tao. May ilang natawa dahil sa kabaklaan ni Max.

"Are you enjoying Royal Cafe?!" Nag hiyawan naman ang mga tao. Mas dumami rin ang tao sa loob ng booth dahil may ilan pang pumasok para maki usyoso.

"At dahil first day namin at natuwa kami sa cooperation niyo, lahat ng narito ngayon ay makakasali sa one time royal cafe auction!!" Naging excited ang crowd sa energy ni Max.

"As you can see may mga cake sa harap, at alam niyo ba na napaka special ng mga cake na naririto! Dahil for once in a lifetime matitikman niyo ang cake na gawa ng inyong Royal Cafe princes and princesses!" Naging wild na ang mga tao. Mas malakas na ang hiyaw nila kesa sa speaker kasi kinailangan pang lakasan ang microphone.

"For all of you, we will be selling these cakes by bidding at kung sino man ang manalo....." Natahimik ang lahat at inaantay ang susunod na sasabihin ni max.

"Mauuwi ang limited edition cake at magkakaroon pa ng chance na makasama sa picture at makayakap ang inyong Royal Cafe princes and princesses!!" Naghiyawan nanaman ang mga tao.

What the fuck? Ang usapan bidding lang! Walang yakap at picture! The heck!

"Excited na ba kayo?!"

"Yessss!!"

"Oo!!!"

Sabay sabay na sigaw ng mga tao. Actually, karamihan ng naririto ay mga babae. Pero marami rin namang lalaki.

"We will start with the gentle and generous prince of Harris University, let's give a round of applause for Gale Hamington"

Nag-ingay ang mga babae at nakangiti namang umakyat si Gale sa platform.

"Sinong gustong kainin si Gale?!!"

Naghiyawan yung mga babae.

Mabilis namang binatukan ni Gale si Max kaya natawa ang iba.

"I mean, sinong gustong maiuwi at makain ang cake na gawa ni Gale?!!"

Tawa ng tawa yung mga kasama ko, but I'm enjoy it too. Huwag lang dumating yung time na ako naman ang aakyat at magpro-promot ng cake ko.

LOOKING FOR THE ICE PRINCESSWhere stories live. Discover now