Chapter 18: Knowing their Stories

70 4 0
                                    

Ice's POV:
Nakaupo ako at tinitingnan si Sky at Gale na i-set up ang camera. Si Zayn at Max naman ay inaayos na ang mga guide questions na pinagusapan namin, I mean nila pala. Hindi ako masyadong nagsalita. Tumatango at umiiling lang ako. Nakakatamad magsalita ngayon lalo pa at inaantok ako. Kung bahay ko lang ito, malamang kanina pa ako natulog sa sofa. Nasa isang kwarto kami na parang studio. Nagulat pa ako kanina ng ipakita ito sa amin ni Gale. Mahilig pala siya sa Photography. Marami ring nakasabit na kung ano-anong pictures sa loob nito na malamang kuha niya.

"Okay na ba?" Tanong ni Zayn kay Gale. Nag thumbs up naman ito bilang sagot.

"Simulan na natin" nae-excite na pahayag ni max. Lumapit silang lahat sa akin.

"Sino mauuna?" Tanong ni sky. Umupo sa tabi ko si Maxwell at sa kabilang gilid naman ay si Sky.

"Ayaw kong mauna" sabi ni Max at kumuha sa cookies na dinala ni Gia dito kanina. Umalis sa harap namin si Zayn at may kinuha na kung ano sa cabinet na nasa gilid ng pinto. Bumalik siya sa amin na may hawak na sticks sa kanang kamay niya.

"Kung sino ang makakakuha ng  pinakamaliit na stick, yun ang pinakahuli, ang makakakuha naman ng pinakamahabang stick ang siyang mauuna, ganun din sa iba pa" tumango naman ang kami.

"Game" senyas ni zayn at nagunahan ang tatlo na kumuha ng sticks.

"Sana panghuli ako" dasal ni max.

Dalawang stick nalang ang natitira sa kamay niya. Tinignan niya pa ako ng nakakunot noo. Kinuha ko ang isang sticks. Sabay sabay naming ipinakita ang mga sticks na hawak namin. Halos maiyak si Maxwell ng siya ang makakuha  ng pinakamahabang stick.  Sumunod naman si Sky, pangatlo ang lider nila na si Zayn. Pang-apat si Gale at ako  syempre ang pinakahuli.

Naglakad na silang apat palayo sa akin.

"Ano ba yan! Ang daya naman!" Asik ni max at nagdadabog na naglakad papunta sa platform. Nanatili akong nakaupo sa sofa. Medyo malapit naman ako kaya nakikita ko parin ang ginagawa nila. Si Gale ang tumitingin sa Camera. Si Zayn ang may hawak ng mga papel na itatanong sa kaniya. Si Sky ang nag-aayos ng ilaw at ako? Nakatunganga sa kanila.

"Hoy" tumingin ako sa nagsalita. Ang pugok na Harris na nakatingin sa akin.

"Ayusin mo nga yung buhok ni Max" napakunot noo ako sa sinabi niya.

"Bakit ako pa? May kamay naman siya" pabalang na sagot ko sa kaniya.

"Anong gagawin mo pala dito? Tutunganga lang?" Inis na sabi niya.

"Ginagawa niyo na lahat, ano pa bang gagawin ko?" Pambabara ko sa kaniya. Mukha namang naintindihan niya yung sinasabi ko. Wala naman na talaga akong gagawin. Alangan namang ako pa ang mag-ayos doon kay Max eh ang tanda na nun.

"K-kumilos ka rin, hindi yung nakatunganga ka lang diyan" huli niyang sinabi at binalik ang tingin kay max na nagpa-praktis ng mga sasabihin niya.

"Ice pakuha naman ng high chair na yun" sabi ni gale habang nakanguso sa high chair na nasa gilid. Kinuha ko yun agad at ibinigay sa kaniya. May kinakalikot pa kasi siya sa camera niya kaya hindi siya makaalis sa pwesto niya.

"Salamat" nakangiti niyang sabi at umupo na sa upuan. Bumalik siya sa ginagawa niya, hindi na ako bumalik sa sofa dahil nangangawit na ang puwetan ko. Kanina pa ako nakaupo.

"Okay na" ani Gale at tumango naman si Zayn. Nag thumbs up naman si Sky ng maiayos niya na ang ilaw.

"Ayos na ba itsura  ko ice?" Nagulat ako ng tanungin ako ni Maxwell. Naka  blue siya na t-shirt at nakatight jeans. Napaka hilig nitong lalaking ito sa tight jeans. Pero bumabagay naman sa kaniya. Tumango nalang ako bilang sagot sa kaniya, binigyan naman niya ako ng malaking ngiti na kita lahat ng ngipin.

LOOKING FOR THE ICE PRINCESSWhere stories live. Discover now