ICE'S POV:
Sa mga sumunod na klase ay di na ako nakapagfocus pa. Masyadong nakuha ng atensyon ko ang babaeng nakita namin.Sana ay nagkakamali lang ako. Sana hindi siya yun. Ayaw kong madamay pa siya. Ang alam ko ay nasa Japan na siya ngayon, pero hindi malabong bumalik siya. At alam kong pareho kami ng dahilan kaya kami nagbalik.
"Class dismiss" nabaling ang atensyon ko sa papalabas na lecturer at sa mga nagtayuang mga estudyante.
"Ice samahan mo ko sa mall, may kailangan lang akong bilhin" tumango lang ako kay Francine at tumayo na rin. Di na kami nakipagunahan sa paglabas dahil masyado na silang nagsisiksikan.
Papalabas na kami ng pinto ng may biglang humarang samin.
Tss, Isa nanaman sa mga pugok
"Hi! Ako nga pala si Max, Maxwell Davies" Sabi niya habang nakatingin kay Francine at nakipagkamay
"Francine, nice to meet you Max" nakangiti niyang sabi dun sa pugok. Nagngitian lang sila habang nagkakamay. At dahil sa nabuburyo na ako kaya naguna na akong lumabas ng pinto
"Wait Ice!" Narinig kong habol nung pugok at humarang nanaman sakin.
"Gusto ko lang humingi ng pasensya dun sa nangyari kanina sa cafeteria" Sabi niya. Tiningnan ko lang siya sa mata at ngumisi.
"Wala kang dapat ipagpasensiya" sabi ko at naglakad na ulit.
"Pagpasensyahan mo na, wala talagang manners ang yelong yan" narinig kong sabi ni Francine.
Tss
Nakalabas na ako ng building at naglalakad na sa field ng maramdaman kong may nakatingin sakin. Hindi ako nagpahalata at nagdiretso lang sa parking lot. Nararamdaman ko naman ang pagsunod niya kaya palihim akong tumitingin sa likod ko. Nang mauna ako sa kaniya ay agad akong nagtago sa isang gilid.
Naglakad siya papalapit sa gawi ko at mukhang hinahanap ako.
Hayy, siya nanaman.
"Ang bilis niya naman" narinig kong sabi niya sa sarili kaya napangisi ako. Nang lilingon na siya sa likod niya kung nasan ako ay agad ko siyang dinakma sa leeg habang nasa likuran niya.
"Masyado nga akong mabilis para sa ginagawa mong pagsunod" bulong ko sa kaliwang tenga niya. Sinusubukan niya paring pumalag pero hindi ko yun hinahayaan.
"Alam kong ikaw yan" sambit niya. Napangisi lang ako at saka siya binitawan.
"Matagal ka ring nawala.....
Ice princess" napangisi ako sa sinabi niya.
"Paano ka nakasisiguro?" Inosenteng tanong ko sa kaniya
"Wag mo ng ikaila, alam ko kung sino ang nagiisang taong kilala ko na may ganyang mata" Sabi niya sakin. Ikaila ko man ay Wala na ring kwenta dahil alam kong kilala niya na ako.
"Its been a long time, Azura" Sabi ko habang nakangiti.
"Kasama mo rin si Francine" Sabi niya, tumango lang ako
"2 taon rin ang nilagi niyo sa ibang bansa" Sabi niya.
"Ganun talaga kapag may pinaghahandaan" Sabi ko ng nakangiti. Ngumiti rin siya
"Ice!!" Di ko na nilingon pa si Francine at nanatili ang paningin kay Azura.
"Woah, look who's here" narinig kong sambit ni Francine
"Hi Francine, nice to see you again" bati sa kaniya ni Azura
"Kyahhhh! I knew it! Ikaw nga yung nakita namin kanina!" Sigaw niya at saka yumakap kay Azura
YOU ARE READING
LOOKING FOR THE ICE PRINCESS
פרוזהShe is cold as ice, her glare, her voice, and even her presence can give chills down to your spine. A girl whom many people know but not her true identity. Who is she? What's wrong with her eyes? And WHY IS SHE COLD AS ICE? "I am cold as ice but I...