Ice's POV:
Sinuot ko na ang coat ko matapos akong lagyan ng make up ni Francine. Pupunta kami sa Underworld. May natanggap kaming report na may bago nanamang nahanap na bangkay ng ilang miyembro ng gangs. Sumilip ako sa bintana. May isang gray na sasakyan ang huminto sa harap ng bahay. Ilang sandali pa ay bumaba mula rito si Azura. Sino ang kasama niya?
Tumatakbong pumasok si Azura sa bahay dahil sa malakas na ulan. Parang nakita ko na ang gray na kotse na yun, may ganun sa bahay nila Gia kanina. Isinawalang bahala ko na lang iyon at bumaba na. Naabutan ko si Francine na may kinakalikot sa cellphone niya habang naka upo sa sofa.
"Nasan si Azura?" Tanong ko sa kaniya pagkababa ko. Tinapunan niya lang ako ng tingin.
"Nagbibihis. Sasama daw siya" napatango nalang ako sa sinabi niya.
"Sino yung naghatid sa kaniya?" Tanong ko ulit bago umupo sa katapat niyang sofa.
"Si Gale daw" napatango nalang ako. Bakit naman siya hinatid ni Gale? Tama nga ako, nakita ko na ang kotse na yun sa bahay nila Gia.
"Ice" tumungin ako ng diretso kay francine. Halata mo sa mukha niya ang pag-aalala.
"Sa tingin mo ba alam na ni lolo ang tungkol sa mga pagpatay?" Tanong niya sa akin.
"Kahit hindi natin sabihin sa kaniya, alam kong alam na niya ang mga nangyayari"
Sigurado akong alam niya na ang mga nangyaring pag-patay. Marami na ang nadadamay pero hanggang ngayon ay wala pa rin kaming ideya kung sino ang nasa likod ng mga ito. Isa lang ang masisiguro ko, ang taong nakabangga ng gang ko two years ago ay ang tao ring nasa likod ng mga ito.
Kailangan ko ring mahanap si Gretell. Alam kong may alam rin siya tungkol dito, may mga tao na akong inutusan pero wala paring nakakahanap sa kaniya.
"Pasensya na kung pinaghintay ko kayo" lumingon kami sa kadarating lang na si Azura. Hawak niya sa kabilang kamay ang maskara niya. Nagtatago siya sa katauhan ni Katana, mas mabuti na ring walang makaalam kung sino siya para sa proteksyon niya.
Tumango kami sa kaniya at sabay sabay kaming dumiretso sa pinto. Si Francine ang nag drive. Nasa passenger seat si Azura at ako ang mag-isang nakaupo sa back seat.
Inabot sa akin ni francine ang contact lens ko. Agad ko iyong kinuha at nilagay. Hindi pwedeng makita ng mga tao ang mga matang ito. Pinagbawalan ako ni tanda na ipakita ang natural kong mata sa mga tao sa underworld. Para na rin sa totoo kong pagkatao na dapat kong itago at ingatan.
Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa underworld. Agad kaming pumasok sa isang kwarto, nandoon na ang dalawang leader ng Giants at Butterflies.
Nag-bow sila pagkakita sa akin. Naupo ako at tinignan silang dalawa.
"Princess, Tatlo sa gangmates ko ang nawala last week, kahapon namin natagpuan ang bangkay ng dalawa" halata sa boses ni Kesha na lider ng Butterflies ang pagluluksa sa pagkamatay ng gangmates niya.
"Dalawa? Akala ko ba tatlo ang nawawala?" Tanong ni Francine na nakatayo sa kaliwa ko.
"Nahanap namin si Christine sa isang hospital, malapit sa lugar kung saan namin nakita ang bangkay" napatango ako sa sinabi niya. Kung ganun, buhay ang isa niyang kasama?
"Buhay ba siya?" Tanong ko. Tumango siya ng mariin.
"Hanggang ngayon ay wala pa rin siyang malay, pero sinabi na ng doctor na magiging maayos daw ang lagay niya. Kailangan lang hintayin na gumising siya" tumango ako sa narinig ko. Kung ganun ay may makakapag bigay sa akin ng impormasyon tungkol sa mga taong nasa likod ng pag-patay na ito.
YOU ARE READING
LOOKING FOR THE ICE PRINCESS
Ficção GeralShe is cold as ice, her glare, her voice, and even her presence can give chills down to your spine. A girl whom many people know but not her true identity. Who is she? What's wrong with her eyes? And WHY IS SHE COLD AS ICE? "I am cold as ice but I...