“Tulala ka na naman!” Bati ni Pat sa pinsang si Richmaine. Naabutan na naman niya kasi itong nakatingin sa malayo.
“Kanina ka pa ba? Kunin ko lang gamit ko para makapasok na tayo.” Sagot lang sa kanya ni Rich sabay alis.
Magpinsang buo sina Pat at Rich. Pat is 21 and Rich is 20, kaya sa lahat ng magpipinsan ay sila ang pinakamalapit sa isa’t isa. Nagmula sila sa isang “well-off” na pamilya. Si Rich ay nagmamanage ng kanilang restaurant. Araw-araw ay dinadaanan siya ni Pat dahil nagkatrauma si Rich sa pagdadrive 3 years ago.
“Ano na naman ba kasing iniisip mo? Mukhang Palalim ng palalim ah.” Panimula ni Pat pagsakay nila ng sasakyan.
“Napanaginipan ko na naman si lola. Makikilala ko na daw si tadhana.” Sagot ni Rich at wala sa sariling kinapa ang singsing na nakapendant sa kwintas.
Samantala, nagiimpake naman ng damit niya si Nico Ardei habang kausap ng bestfriend na si Sam.
“Ikaw ba sigurado sa desisyon mo? You don’t need to do that” and sabi ni Sam habang naksandal sa pinto ng kwarto ni Nico.
“Oo naman! Bakit hindi?” parang excited na sagot niya.
“Di mo naman kasi alam ang pwedeng mangyari sa mga desisyon mong padalos-dalos. Ano ba kasing naisipan mo? Frustrated na tanong ni Sam.
“I really don’t know. It’s like someone’s pushing me to do this.” Abot tengang sagot niya sabay sara ng zipper ng kanyang bag.
Kinagabihan, pagdating ni Rich sa bahay nila ay may naabutan siyang kausap ng kanyang ina. Pinagmasdan niyang mabuti kung kilala niya ito, pero wala siyang matandaan na naipakilala ito ng kanyang ina sa mga family gatherings na pinuntahan nila.
Nang mapansin siya ng ina ay agad siyang tinawag.
“Richmaine, how long have you been there?” tanong ng kanyang ina.
“Not too long” sagot ni Rich sabay halik sa pisngi ng mommy niya.
“Rich, anak this is Nico, and he’s going to be your personal driver. Nico, this is my daughter, Rich.”
“But Ma! I don’t need a driver. Pwede naman ako makisabay kay Pat” sagot ni Rich habang nakatingin kay Nico. Si Nico naman ay Poker Face lang na nakatingin sa mag-ina.
“But your Tita will be sending Pat abroad to attend a convention. Kanino ka sasabay pag-alis niya?”
“Pero pwede naman akong mag taxi.”
“Walang problema sa pagtataxi, but not now. Maybe after your therapy.For now, you’ll have Nico as your driver. No But’s and No If’s” matigas na desisyon ng kanyang ina na nagpasimangot kay Rich.
“Fine but promise me that after my therapy, I’ll be allowed to take a cab. I’m already 20 and I still have a driver. Grrrr!” Sagot ni Rich sa ina sabay talikod papunta sa kanyang kwarto.
“Pagpasensyahan mo na lang si Rich, ha. Di naman sya nangangagat.” Sabi ng Mommy ni Rich kay Nico sabay tawa.
“Okay lang po yun Ma’am. Mukha naman po siyang mabait.” Sagot ni Nico sabay sulyap sa direksyong tinahak ni Rich papunta sa kanyang kwarto.
“Manang! Pakituro na lang kay Nico ang magiging kwarto niya. Si Manang na ang bahala sayo. Goodnight.” Bilin ng mommy ni Rich, sabay tayo.
Habang nakahiga si Nico, Naiisip niya ang magiging boss niya. Iniisip niya kung paano itong pakikisamahan sa unang araw ng trabaho niya bukas. Kung ngingitian ba nya, poker face lang, aalalayan? At nang di makapagdesisyon ay ipinikit na lang ang mga mata. Pero bago pa siya makatulog, namutawi ang ngiti sa kanyang mga labi, sabay bulong sa sariling…
“Dahil cute ka, kahit mukha kang suplada, pangako poprotektahan kita.”
BINABASA MO ANG
INFINITY
FanfictionSi Rich. Si Nico. Dalawang taong magkaiba, pero pinagtagpo ng tadhana.