"Rich sigurado ka ba dito? Baka nabibigla ka lang." alanganing sabi ni Nico kay Rich."Sigurado na ko dito. Bagay kaya yan sa'yo." Sagot ng kinakabahan ding si Rich sabay turo sa Chef Uniform na suot ng binata.
"Then let's do this!" Pampalakas ng loob ni Nico sabay pasok sa kitchen ng restaurant.
Hindi naging madali ang maghapon sa dalawa. Nakita ni Nico na kahit si Rich ang may-ari ng restaurant, kailangan pa rin niyang patunayan ang sarili sa crew nang umalis nilang Executive Chef. It seems like everyone is waiting for them to make a mistake pero dahil sa naramdaman nilang pangmamata ng ibang staff ay lalong pinaghusayan ni Nico at Rich. Wala silang order na nadelay o kaya ay napabalik sa kusina. At bago matapos ang araw na yun, they both earned the staffs' respect.
Sarado na ang restaurant pero nanatiling nakaupo ang dalawa sa opisina ni Rich.
"I can't believe it. We had a successful day. Our plan worked!" Nakangiting sabi ni Rich habang nakatingin sa kisame.
"Nagulat lang ako na nagustuhan ng mga clients niyo ang bago niyong dessert!" Nakangiting sagot ni Nico na nakatingin din sa kisame.
"Sabi ko naman di ba? Your dessert is great" seryosong sabi ni Rich habang nakatingin kay Nico.
"Oo nga e. I didn't expect that." Si Nico nakatingin pa din sa kisame.
"If you don't mind me asking, kanino ka natuto magbake?"
"My mom taught me and every time na nagbebake ako, naaalala ko siya." Biglang lumungkot ang boses ni Nico.
"And where is she now?" curious na tanong ni Rich.
"Heaven." Sagot ni Nico habang diretsong nakatingin sa dalaga.
"Heaven? I'm sorry." Napatungo na lang si Rich.
"It's okay. She's been gone for a while and besides, I know she's in a better place." Sagot ni Nico habang may tipid na mga ngiti sa labi.
"Pwede bang isa pang tanong?"
"Why so curious about my life? Pero sige ask away." Napapangiting sagot ni Nico.
"Bakit ka pumasok bilang driver? Di ka naman mukhang nangangailangan ng trabaho." Diretsong tanong ng dalaga.
"The truth is, di ko naman talaga kailangan. Pero ewan ko din, basta."
"Ah, so technically di mo talaga kailangan magtrabaho?"
"Di naman. But if I want to work, I can always take over the family business, pero parang hindi pa ako handa sa ganung kalaki at kabigat na responsibilidad, kaya nga hanga ako sa'yo e." Paliwanag ng nakangiting si Nico.
"Why?" Takang Tanong ni Rich.
"Kaya mong -ihandle ang restaurant niyo without asking help sa parents mo. Pero ang galing mo sa kitchen kanina ha, sanay na sanay."
"My mom and dad trained me well. Pina-experience nila sa akin lahat. Waitress, Receptionist, Dishwasher, Maintenance, name it, nagawa ko lahat yun." Sagot ni Rich.
"Wow." Ang galing naman, kaya pala sanay na sanay ka sa kitchen kanina." Nakangiting sabi ni Nico.
"Look who's talking. E bakit ikaw parang sanay na sanay din sa kitchen. From handling the knife to keeping your station clean." Nakangiti ding sagot ni Rich.
"Kasi po, I took up Culinary Arts. Kaya alam ko yun. Tumayo ka na nga dyan sa pagkakaupo mo boss, it's getting late." Pag-aaya ni Nico umuwi at talagang diniinan ang salitang "Boss" at ngumiti ng napakaganda.
"Chef ka naman pala. Di mo agad sinabi sa akin. Sana ikaw na lang ang ginawa kong Executive Chef!" Gulat na sabi ni Rich habang kinukuha ang mga gamit niya.
"Boss okay na ako sa pagiging driver/ Sous Chef Mo." Sabi ni Nico at muli ay diniinan ang pagkakasabi ng boss.
"Isa pang tawag mo sa akin ng 'Boss' ihahampas ko na sa iyo tong bag ko!" Pagbabanta ni Rich.
"Ang bayolente mo naman!" Patuloy na pang-aasar ni Nico kay Rich habang naglalakad silang palabas ng restaurant.
"Nasabi ko naman sa'yo di ba? Okay na sa akin ang Rich lang." Sagot ni Rich.
"Okay Boss!" Sagot ni Nico sabay takbo palapit sa kotse sa takot na mahampas siya ng bag ni Rich.
"Ay ang kulit!" Sabi ng nakangiting si Rich habang naglalakad palapit sa kotse.
BINABASA MO ANG
INFINITY
FanfictionSi Rich. Si Nico. Dalawang taong magkaiba, pero pinagtagpo ng tadhana.