Chapter 3

1.3K 109 0
                                    

‘Bakit ba ang aga mambulabog?’ tanong ng inaantok pang si Sam.

‘Wala ka man lang bang makakain dito? Hindi ka ba nagluluto?’ sagot ni Nico habang kinakalkal ang ref ni Sam.

‘Sa ating dalawa, ikaw ang graduate ng Culinary Arts, tapos tatanungin mo ako kung di ako nagluluto. And what are you wearing?!’

‘Uniform! Nag-umpisa na ako sa trabaho ko. Okay naman ang boss ko. Mabait.’ Kwento ni Nico habang naghihiwa ng mga ingredients na nakuha niya sa ref.

‘At mukhang ayos mo ah. Biruin mo, pinayagan kang maglakwatsa.’ Birong sabi niSam.

‘Okay lang daw na magpunta ako sa mga gusto kong puntahan as long as mabilis akong makakabalik sa restaurant kapag tinawagan niya ako.’ Paliwanag ni Nico habang nagsasalin ng omelet sa dalawnag plato.

‘Pinakain ka ba dun sa boss mo? Bakit parang gutom na gutom ka?’

‘Hindi naman. Baka kasi biglang tumawag hindi ko maubos ang pagkain ko. Saying naman.’ Sagot ni Nico habang panay ang subo.

‘Speaking of your boss, matrona ba yan at sobrang nagwapuhan sa’yo kaya ang luwag luwag sa’yo?’ natatawan tanong ni Sam.

‘She’s younger than me, mga ilang taon lang naman. Siya ang nagma-manage sa isa sa mga restaurant nila. Sabi ng mga kasambahay na nakausap ko, mabait daw yun, sobra.’

‘Bakit “sabi daw”?’ takang tanong ni Sam.

‘Kasi parang lagi mainit ang ulo sa ‘kin.’ Sagot ng nagingiting si Nico.

May itatanong pa sana si Sam ng biglang mag-ring ang cellphone ni Nico. Agad itong sinagot ng binata. Nang maibaba ang tawag, agad na nilagay ni Nico ang plato sa lababo at nagpaalam na.

‘Duty calls. Una na ako.’

‘Ingat ka. Sige na alis na at ng makatulog na ulit ako.’ Pagtataboy ni Sam sa papalaba na ng pintong si Nico.

Nang makarating si Nico sa restaurant ay agad siyang nagpark at pumasok sa loob.

‘Excuse me, saan ang office ni Ma’am Rich?’ tanong niya sa nadaanang waiter.

Itinuro naman sa kanya kung saan ang opisina. Matapos magpasalamat sa napagtanungang waiter ay dumiretso na siya sa opisina ni Rich. Nang marating ang opisina ay kumatok lang siya at binuksan ang pinto. Ang nabungaran niya ay isang Rich na nakapatong ang ulo sa mesa. Nagmamadaling lumapit si Nico sa dalaga dahil sa pag-aalalang sumama ang pakiramdam nito.

‘Rich!’ malakas na tawag ni Nico sabay yugyog sa balikat ng dalaga.

‘Aray ko! Dahan-dahan naman! Parang naalog ang utak ko dun ah.’ Sabi ng napilitang mag-angat ng ulo na si Rich.

‘Okay ka lang ba? Masama ba ang pakiramdam mo? May masakit ba sa’yo?’ sunod-sunod na tanong ni Nico habang idinadampi ang kamay niya sa noo ng dalaga.

‘Wala akong sakit. Nag-iisip lang ako.’ Kunot-noong sagot ni Rich.

‘Ganun ba? Sorry ha. Nagpanic lang. ano ba kasing problema? Baka may maitutulong ako.’

‘May alam ka ba about food?’ helpless na tanong ni Rich.

‘Merin din naman. Di mo naitatanong, mahilig ako magluto.’ Pagmamalaking sagot ni Nico.

‘Totoo? Then baka nga ikaw na ang sagot sa problema ko!’ nakangiting sagot ni Rich habang nakatitig kay Nico at nagtaas-baba ng kilay na tinugunan ni Nico ng pagbaba-taas din ng kilay.

INFINITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon