Chapter 11

895 95 2
                                    

Ilang oras nang nakahiga si Nico sa kama pero hindi pa rin niya maramdaman ang antok. Kung normal na araw lang ito, paglapat ng likod niya sa kama, tulog na siya. Pagod na pagod siya sa kitchen dahil wala si Rich. Buti na lang at nakinig sa kanya ang mga staff.

Bakit ba niya kasi sinabi yun? Nagseselos ba talaga siya? Pumikit siya at muli na naman niyang nakita ang eksena kung saan nasa likod ni Rich ang kamay ni Tj. Gusto niya kamay lang niya ang aalalay kay Rich ng ganun.

Umaga. Naabutan ni Rich na nag-iinat si Nico sa kusina ng bahay.

"Coffee?" Tanong ni Rich na ikinagulat ni Nico.

"Susmaryosep!" Kanina ka pa?

"Kung hindi ka nakapikit, malamang nakita mo ko." Nakangiting tugon ni Rich.

"Okay na ba kamay mo?" Nag-aalalang tanong ni Nico.

"Yeah it's better. Thanks to you." Sagot ni Maine sabay taas baba ng kilay.

"Huwag mo kong ginaganyan at baka tuluyan akong mahulog." Sabi ni Nico sabay labas ng pinto para ihanda ang kotse.

Katulad kahapon, si Nico muna ang nagtake-over ng kitchen ng restaurant. From prep to plating, lahat inaasikaso at binubusisi ni Nico syempre ayaw niyang mapahiya kay Rich.

Sa sobrang busy ni Nico, di niya napansin na nasa kitchen na si Rich at nanonood. Sanay na sanay si Nico. Kahit ilang months pa lang siyang nagtatrabaho as Sous Chef, gamay na gamay na niya ang bawat sulok ng kitchen.

Maayos ang lahat nang biglang mahiwa ang kamay ng isa sa mga chef niya. Lalapit na sana si Rich but Nico was faster.

"Okay ka lang ba? Mag-ingat ka kasi." Sermon ni Nico sa Chef na si Girlie. Sabay hagip sa isang towel at ibinalot sa kama ng babae.

"Thank you Chef Nico." Sagot ni Girlie sabay pagpapacute kay Nico.

Itinapat ni Nico ang kamay ni Girlie sa running water.

"Next time mag-ingat ka naman." Sermon pa rin ng nakakakunot ang noo na si Nico.

"He's right. You should be extra careful next time." Sabi naman ni Rich.

Nabitawan ni Nico ang kamay ni Girlie na hinuhugasan sa lababo dahil nagulat siya kay Rich. Malamang nakita ni Rich yung paghawak ni Nico sa kamay ni Girlie. Alam niyang walang dahilan pero nagi-guilty siya.

"Louise, ikaw nga dito. Kunin ko lang First Aid Kit." Utos ni Nico sabay punta sa office ni Rich.

Naabutan niya sa office ang nagbabasa ng mga papeles na si Rich.

"I'm sorry." Umpisa ni Nico.

"Hindi mo naman kasalanan kaya nahiwa ang kamay niya. There's no need for an apology." Seryosong sagot ni Rich sabay tingin kay Nico.

"Nasugatan siya kaya hinawakan ko ang kamay niya." Paliwanag pa rin ni Nico.

"I said it's okay. Dalhin mo na iyang medicine kit dahil baka kailangan na iyan ni Girlie."

At lumabas na nga si Nico para bigyan ng First Aid si Girlie. Si Rich naman ay naiwan sa office niya, nag-iisip. Why does she have this sudden urge to fire Girlie?

INFINITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon