Chapter 12

880 96 1
                                    



After one week na pahinga, balik kusina na si Rich. Si Nico naman laging nakaalalay sa kanya. Kahit sinasabi ni Rich na kaya na niya ay parang walang naririnig si Nico.

"Kaya ko na to. Gumawa ka na ng desserts." Mahinahong sabi ni Rich.

"Sabi ko naman kasi sa iyo di ba, ipahinga mo pa ng ilang araw ang kamay mo." Bulong na sagot ni Nico.

"Alam mo, you're over reacting. Hindi naman third degree burn nangyari sa kamay ko."

"Kahit na! Baka ma-stress!" Pilit ni Nico.

"Or baka naman kailangan mo pa ng mas mahabang alone time sa kitchen? No need na. Mukhang hulog na sila sa iyo." Sabi ni Rich sabay tapon ng tingin sa mga Chef na nagpapacute kay Nico.

"Ewan ko sa'yo! Dyan ka na nga!" Sagot naman ng nagblush na si Nico sabay punta sa station niya para gumawa ng desserts.

Hindi maintindihan ni Rich pero sa halip na si Nico ang mainis, parang mas naiinis pa siya kapag nakikitang nagpapacute si Girlie sa binata.

Lunch Time. Aayain sana ni Rich si Nico na maglunch sa office niya kaso pagpasok niya ng pantry ay naabutan niyang kumakain na si Nico kasabay ni Girlie. Pabalik na sana siya ng opisina nang makita siya ni Girlie.

"Ma'am Rich, kain Po." Pag-iimbita ni Girlie kay Rich na bigla naming ikinaangat ng ulo ni Nico.

"No, Thank You. Akala ko lang andito si Ani. Go on with your lunch." Sagot ni Rich saka lumabas na.

Pagdating niya ng opisina ay nakita niya si TJ na may dalang paper bag.

"What brings you here?" Seryosong tanong ni Rich.

"I came here to apologize." Sagot ni TJ.

"I told you, kay Nico ka dapat humingi ng apology at hindi saken."

"I know. Pero pwedeng sayo muna since ikaw ang kaharap ko?" Nakangiting tanong ni TJ.

"Fine. But you have to apologize to Nico okay?"

"Yes Ma'am. Nagdala ako ng peace offering."

"What's that?" Curious na tanong ni Rich.

"Lunch!" Sagot ni Tj habang inaayos sa lamesa ang dala niyang pagkain.

"Buti pinapasok ka ng guard. Contraband tong mga dala mo." Napapangiting tanong ni Tj.

"Kung di ako kilala ng guard, malamang nga di ako papasukin. These are from your rival restaurant. Para matikman mo dishes nila."

"What makes you think naman na kakainin ko iyan?" Tanong ni Rich.

"Luto to ng former chef mo. Besides, this way malalaman mo which dish ang may weak point." Paliwang ni TJ.

"May point ka, pero parang hindi naman maganda na nageespiya ako sa kanila." Pag-aalangan ni Rich.

"Kinuha nila ang Executive Chef mo, tapos ito lang gagawin mo nagui-guilty ka na. Eto tikman mo. Dish of the day daw nila 'to." At saka sinubuan ni Tj si Rich na siya namang eksenang naabutan ni Nico.

"Sorry mukhang nakakaistorbo ako." Paghingi ng paumanhin ni Nico habang diretsong nakatingin kay Rich.

"Hindi naman pare. Dinalhan ko lang siya ng lunch. Sorry nga pala the other night."Nakangiting paliwanag ni Tj.

"Okay lang iyon. Trabaho ko naman iyon." Maikling sagot ni Nico.

"Bakit ka nga pala nagpunta dito?" Tanong ni Rich kay Nico sabay taas ng isang kilay.

"Nakita ko kasi si Ani and I told her that you are looking for her." Sagot ni Nico.

"Pakisabi sa kanya na mamaya na lang kami mag-uusap. Yun lang ba?"

"Opo yun lang boss. Maiwan ko na po kayo." Paalam ni Nico sabay labas ng opisina.

"Bakit siya naka Chef's uniform? Dito siya nagtatrabaho?" Tanong ni Tj pagkalabas ni Nico ng pinto.

"Yes, I hired him." Tipid na sagot ni Rich.

"May alam ba siya sa kusina? Bakit di ka na lang humanap ng isang professional?" Muling tanong ni Tj.

"Nagpunta ka ba dito para i-criticize and pagpapatakbo ko ng restaurant?" Seryosong tanong ni Rich.

"Hindi naman, pero ang akin lang sana kumuha ng Pro."

"For your information, he is a Pro at sa loob ng ilang buwan niyang pagtatrabaho, pinatunayan niya ang sarili niya. Kung wala ka ng ibang sasabihin. Pwede ka ng umalis. marami pa kong tatapusin."

"Pero di pa tayo tapos mag-lunch." Sagot ni TJ.

"Tapos na ko. you can bring that with you." Sagot ni Rich habang seryosong nagbabasa ng mga papeles.

"Okay. Aalis na ako. Iwan ko na 'tong pagkain. Pero gusto ko lang itanong, bakit ang sensitive mo when it comes to your driver?" Tanong ni TJ bago umalis.

"Bakit nga ba?" Tugon ng utak ni  Rich.

INFINITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon