Chapter 17

922 92 5
                                    


Naghihiwa ng gulay si Rich ng maramdaman niya ang kamay ni Nico sa kamay niyang may hawak ng kutsilyo.

"What?" tanong ni Rich na halatang wala sa sarili.

"You almost cut your fingers." kalmadong sagot ni Nico sabay turo sa kutsilyo na malapit ng lumapat sa mga daliri niya.

Rich looked down to see her knife positioned over her fingers. Sa takot ay nabitawan niya ang kutsilyo.

"Looks like you're not in your best shape. Magpahinga ka na lang muna. Bumalik ka na lang mamaya kapag okay ka na." payo sa kanya ni Nico.

"Okay lang naman ako." sagot ni Rich habang nakatingin kay Nico.

"I don't think you are. Go." mahinahon pero mariing sabi ni Nico.

"Fine. But may I remind you sir that I'm still the Executive Chef and I'm supposed to be the one giving orders." seryosong sabi ni Rich.

"Ikaw ng ang boss, pero ako naman ang lalakeng mahal na mahal ka and I only want what is best for you." sabay tulak ni Nico kay Rich palabas ng pinto ng kitchen.

Sumandal si Rich sa pader makalabas ng kitchen. Napapikit siya at napabulong sa sarili.

"Hindi ba niya maramdaman na siya ang dahilan kung bakit nawawala ako sa sarili ko? Hindi kaya niya alam ang salitang ORIENT?"

Makalipas ang ilang minuto ay naglakad na siyang papuntang opisina. Pagpasok ng office ay napansin niya agad ang mga bulaklak na nasa mesa niya. Napngiti siya at naisip agad si Nico.

"Kunwari pa 'tong si Nico na kailangan ko ng pahinga, may sorpresa lang naman pala kaya ganun." nangingiting sabi ni Rich sa sarili.

Pero nawala ang ngiti niya ng mapagtanto kanino galing ang mga bulaklak.

I MISS YOU – TJ

Ang nakasulat sa card na kasama ng mga bulaklak.

She appreciates the gesture, pero hindi niya maintindihan kasi talagang disappointed siya dahil hindi galing kay Nico ang mga bulaklak. Ipinatong niya sa shelf na nasa likod ng kanyang swivel chair. Sa muling pagharap niya sa kanyang mesa ay tumambad sa kanya ang isang sunflower at isang note na may nakasulat na pangalan niya.

Kahit ayaw na niyang umasa na galing iyon kay Nico para iwas disappointment ay hindi pa rin mapigilan ng puso niyang mag-assume na galing ito sa binata.

SUNSHINE,

YOU MAY BE WONDERING WHY SUNFLOWER. BECAUSE I'M THE SUNFLOWER AND YOU ARE MY SUN. I'LL FOLLOW YOU WHEREVER YOU GO. – NICO

And that note did something she never imagined would happen to her. She felt her heart skipped a beat and it felt like cold water is being poured over her.

Ilang ulit niyang binasa ang note na galing kay Nico. At kahit ilang ulit niyang basahin ay ganoon pa rin ang epekto sa puso niya. This is not the first time na nakatanggap siya ng love note, but this is the first time na gusto niyang magpa-party and smled like an idiot.

Gusto pa sana niyang namnamin ang nararamdamanng kilig na dala ng note ni Nico ng biglang kumatok at iluwa ng pinto ang guard nila.

"Ma'am, may naghahanap po sa inyo. Mag-inquire daw po sa services ng restaurant." sabi ng guard.

"Okay salamat. Susunod na ako." sagot ni Rich at itinago ang note sa bulsa ng pantalon niya.

Pagdating niya sa reception area ay nakita niya ang isang mestizang babae. Maganda ito at parang hindi nagkakalayo ang edad nilang dalawa. At mas lalong bumagay dito ang red dress niyang suot dahil sa pagka-mestiza niya.

"Hi, I'm Richmaine, how may I help you?" nakangiting tanong ni Rich sa client.

"Hello. I'm Valeen, mag-inquire lang ako about your services." sagot ng babaeng kaharap.

"What kind exactly?" muling tanong ni Rich.

"It's my boyfriend's birthday a week after next. And I want to surprise him sana." sagot ni Valeen.

"Okay. Take a seat para maipaliwanag ko sa'yo ang aming mga packages." sabi ni Rich sabay turo sa pinakamalapit na upuan kay Valeen.

Pero bago pa ito nakaupo ay bigla itong napasigaw habang nakatingin sa bandang likuran ni Rich.

"RD?!" excited na sabi ni Valeen.

"Val?" gulat namang sabi ni Nico.

"ARDIEEEEEE!" sigaw ni Val sabay nagtatakbo para yakapin si Nico.

Walang nagawa si Rich kundi ang sundan ng tingin ang nagtatakbong babae para yakapin ang nabiglang si Nico. Sumagot naman ng yakap din si Nico ng makalipas ang pagkabigla niya.

Samantala si Rich ay parang napako sa kinatatayuan, nakapamulsa ang mga kamay habang nilulukot dahil sa pagkainis ang note na mula kay Nico.

INFINITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon