After closing, dumaan lang si Nico sa office ni Rich para itanong kung may ipapadalang gamit sa kanya at saka dumiretso na sa sasakyan. Di niya maipaliwanag ang nararamdaman niya. Inis na inis siya kay Tj at kahit siya sa sarili niya ay alam niyang unreasonable na ang nadaramang dislike niya sa binata.Nang mapansin niyang parating na si Rich, agad niyang binuksan ang pinto ng passenger seat, pero nagulat siya nang nilampasan siya nito at dumiretso sa back seat. Gusto sanang magtanong ni Nico pero di na niya ginawa dahil napansin niya ang pagsasalubong ng kilay ni Rich.
Pagkaupo ni Nico sa driver seat, tiningnan niya si Rich sa pamamagitan ng rearview mirror. Mukha pa rin itong seryoso. Magtatanong na sana siya kung bakit nang biglang magsalita si Rich.
"Hindi pa ba tayo aalis? May hinihintay ka pa ba?" Mataray na tanong ni Rich.
"Ha?" Wala sa sariling tanong ni Nico dahil nagulat siya sa tanong ni Rich.
"If you have plans of waiting for Girlie, sabihin mo agad para mag-taxi na lang ako."
"Girlie? Pano napasok ang pangalan niya?" Takang tanong ni Nico.
"Bakit? Hindi mo ba siya hinihintay?" Muling tanong ni Rich.
"No. Besides, kung may dapat man akong hintayin at ihatid pauwi, ikaw yun. Driver mo kaya ako." Sagot ni Nico.
Mapapangiti na sana si Rich sa sinabi ni Nico na siya lang ang hihintayin at ihatid ni Nico pauwi, kaso nang marinig niya ang dahilan ay lalo siyang nainis. Ang ibig sabihin, ginagawa niya lang yun dahil responsibilidad niya yun bilang driver at hindi dahil gusto ng binata. Gustong-gusto niyang ihampas ang dalang bag kay Nico sa inis pero nagtimpi siya.
Tahimik lang ang dalawa sa byahe. Gusto sanang magbukas ni Nico ng conversation pero dahil hindi naman nasagot si Rich ay wala ring nangyayari.
Dahil busy si Rich sa pagcheck ng mga e-mail niya, di niya napansin na nagbago ng daan si Nico para matraffic sila. Ipit na sila sa traffic ng mapansin ito ni Rich.
"Bakit dito tayo dumaan?!" Kunot-noong tanong ni Rich kay Nico.
"Finally she talked!" Sigaw naman ni Nico sabay hampas sa manibela.
"So kaya mo lang idinaan dito para magsalita ako?" Naiinis na tanong ni Rich.
"No." Maikling sagot ni Nico.
"Why then?"
"Para makapag-usap tayo." Seryosong sagot ni Nico at saka siya nilingon.
"May kailangan ba tayong pag-usapan? Parang wala naman." Sagot ni Rich sabay balik sa pagbabasa ng mga e-mail niya.
"Meron tayong pag-uusapan. Pero bago ang lahat, pwede bang lumipat ka dito sa unahan? Ang hirap ng pwesto ko eh." Sagot ni Nico.
At dahil gusto na ni Rich matapos ang issue ay lumipat si Rich sa tabi ni Nico.
"Oh anong pag-uusapan natin?" Tanong agad ni Rich Pag-upong pag-upo.
"Bakit mo laging pinapasok ang pangalan ni Girlie sa usapan natin and also about Tj." Seryosong sagot ni Nico.
"What about Tj?" Curious na tanong ni Rich.
"Ganun ba talaga kayo ka-close ni Tj?" Tanong ni Nico habang nakatingin ng diretso kay Rich.
"Yes, we grew up together."
"Normal lang na nagsusubuan?" Follow up question ni Nico.
"Yung naabutan mong scene kanina, that was the first time." Tila tamad na tamad na sagot ni Rich.
"Good!" Nakangiting sagot ni Nico."
"Now about Girlie, Sus! Halata namang crush ka nung tao." Nakasimangot na sabi ni Rich.
"Then what does that have to do with me?" Takang tanong ni Nico.
"Kasi alam mo ng nagpapacute na sa'yo, tinotolerate mo pa. So may chance na crush mo din siya no? Liligawan mo ba sya?"
"Eh anong gusto mong gawin ko kapag lumalapit siya at may gustong itanong na work-realated? Takbuhan ko?" Nangingiting sagot ni Nico.
"Hindi mo sinasagot ang tanong ko, at wala akong sinabi na ganun ang gawin mo."
"Ganyan ka ba talaga magselos?" Nang-aasar na tanong ni Nico.
"Hindi ako nagseselos. Ayoko lang na iyang infatuation niyo sa isa't isa ay makaapekto sa trabaho." Paliwanag ni Rich.
"Yes boss! Sabi mo eh." Ngiting-ngiting sagot ni Nico.
"Ano nang sagot mo sa tanong ko?" Muling tanong ni Rich.
"Hindi ko crush at lalong wala akong balak ligawan si Girlie okay? Kung may crush man ako, ikaw yun." Sagot ni Nico habang titig na titig kay Rich.
"Ano?"
"At kung may liligawan man ako, ikaw din yun." Sabi ni Nico sabay halik sa kamay ni Rich habang nakatingin sa mata ng dalaga.
BINABASA MO ANG
INFINITY
FanfictionSi Rich. Si Nico. Dalawang taong magkaiba, pero pinagtagpo ng tadhana.