Friday. Six o'clock pa ang party pero two o'clock pa lang ay isinarado na nila ang restaurant para sa surprise birthday party ni Valeen for Jerlad. Inialok ni Rich ang isa sa mga dining halls ng restaurant pero sinabi ni Valeen na gusto niyang maging exclusive ang party kaya nagdesisyon siyang ipareserve na nag buong restaurant.
Buong araw na busy si Rich. She wants everything to be perfect para sa event nila mamaya. Mas lalong ramdam na ramdam niya ang absence ni Nico. How she wished that Nico's there to assist her.
Palabas na sana si Rich ng kitchen area nang bumangga siya sa isang malapad na dibdib.
"Careful baby!" agad na sabi ng nabangga ni Rich.
"Oh! I'm really sorry. I wasn't looking." hingi ng paumanhin ng nakatungong si Rich.
"You look tired." si NIco sabay hawak sa baba ni Rich para iangat ang mukha ng dalaga.
"Ikaw pala iyan. Yes, I'm tired." at bahagya pang humilig si Rich kay Nico. Pagod na pagod na talaga siya.
"That's why I'm here." nakangiting sagot ni Nico sabay pulupot ng mga braso niya sa dalaga.
"Wait, why are you wearing your chef's uniform?" tanong ni Rich sabay sipat kay Nico.
"So I can replace you in the kitchen. Alam kong pagod ka na." sagot ni Nico sabay bahagyang inakay si Rich patungo sa opisina nito.
"But your hand. Baka mapagod ka at lalong mapatagal ang recovery nito." concern na sabi ni Rich.
"Baby, I have two hands, the left and the right. Hold them up high...." kanta ni Nico na may kasama pang action.
"Niloloko mo naman ako e." sabi ni Rich sabay kiniliti ang bewang ni Nico.
"Stop! Stop!" si NIco habang iniiwasana at sinasanggahan ang mga kamay ng dalaga.
"Ayoko nga!" sagot ng tumatawang si Rich habang patuloy sa pangingiliti kay Nico.
At para mapigilan ang pangingiliti ng dalaga ay idinikit ni Nico ito sa kanyang katawan at saka inipit ang mga kamay nito sa tagiliran gamit ang kanyang mga braso.
"Huli ka!" nakangiting sabi ni Nico.
"Let me go Nico."
"No."
"Let me go, now! Ang dami pang kailangang gawin." sabi niRich habang nagpupumiglas sa yakap ni Nico.
"Stop moving." seryosong utos ni Nico kay Rich habang titig na titig sa dalaga.
"Why?"
"Because the more you move, the more you talk, the more I want to keep you in my arms and just kiss you." titig na titig si Nico sa mga mata ni Rich.
"Okay." sagot ng dalaga, and she unconsciously wet her lips.
"Sorry, but I really need to do this." sabi ni Nico sabay buntong-hininga and then finally kissing Rich's lips.
Dumampi ang mga labi ni Nico sa labi ni Rich. Ang tagal niyang pinigilan ang sarili niya na gawin yun pero mukhang naabot na niya ang dulo ng pagtitimpi niya.
Lalo niyang hinigpitan ang hapit sa bewang ni Rich. Slowly kissing every contour of her lips, tasting every inch of it. Kung masasampal siya after, so be it!
After a while, Nico stopped. Kailangan na niyang tumigil bago pa tuluyang makalimot at magpadala sa kanyang nararamdaman. Hindi naman siya tumakbo, but he felt like ilang kilometro ang itinakbo niya. And his heart is racing wild.
"I'm sorry baby, but I don't regret what I did. I'll be in the kitchen if you need me."paalam ni Nico habang magkadikit ang kanilang mga noo.
"Can you stay a little longer?" tanong ng namumulang si Rich.
"I can't."
"But why?" tanong ni Rich sabay tingin kay Nico.
"Because if I did, I might do things and I may not be able to stop myself this time."bulong ni Nico, sabay halik sa noo ni Rich at saka lumabas na ng opisina.
BINABASA MO ANG
INFINITY
FanfictionSi Rich. Si Nico. Dalawang taong magkaiba, pero pinagtagpo ng tadhana.