"What?!" gulat na gulat si Rich sa narinig.
"I said he resigned this morning." kalmadong sagot ng kanyang ina habang diretsong nakatingin sa kanya.
Hindi maipinta ang mukha ni Rich. She felt betrayed. Bakit bigla na lang umalis si Nico? And to make matters worse, hindi man lang ito nagpaalam sa kanya. And to think she believed na there is something special going on between them. Kaso mukhang nagkmali siya.
"Paano ako papasok ngayon sa trabaho?" tanong ni Rich sa kanyang ina.
"Someone will pick you up of course."
At bago pa makapagtanong si Rich kung si Pat ang tinutukoy ng ina na susundo sa kanya ay biglang pumasok ang kanilang kasambahay.
"Ate Rich, narito na po ang sundo niyo. Hindi na daw po siya papasok kasi male-late na daw po kayo sa trabaho." sabi ng kasambahay.
"Sino yun?" curious na tanong ni Rich sa ina.
"Kung tumatayo ka dyan at pinupuntahan mo, eh di hindi mo na kailangan pang magtanong." nangingiting sabi ng kanyang ina sabay tao at lakad palayo.
Nakasimangot si Rich na lumabas ng bahay. She's having a hard time processing the situation. Pero para hindi masyadong halata sa 'sundo' niya ang nakasimangot niyang mukha, nagkunwari siyang may hinahanap sa bag niya.
"Alam mo, kapag ganyan ang ginawa mo, madadapa ka and eventually, I'll have to catch you."
HIndi na niya kailangang tumunghay para malaman kung sino ang may-ari ng boses na yun. Pero para makasigurdao, itinunghay niya ang kanyang ulo at tiningnan ang kanyang 'sundo'.
At nakita niya si Nico. Nakasandal sa isang sasakyan, in a plain white shirt, maong pants at shades.
Buti na lang at malakas ang presence of mind niya, dahil kung hindi, malamang ay napanganga na siya.
"Well? Ano pa ang itinatayo-tayo mo dyan? Let's go! Tanghali na." sabi ni Nico sabay bukas ng pinto para sa kanya.
"Oo, andyan na!" sagot naman ng nagmamadaling si Rich.
Habang nasa daan, ay palihim na tinitingnan ni Rich si Nico. Gusto niyang kurutin ang pisngi ng binata para lang makasigurado na totoo ang binata. Na si Nico nga na Sous Chef niya at dating driver ang kasama niya sa sasakyan.
"Alam mo, buti hindi nakakatunaw ang tingin." seryosong sabi ni Nico.
"Bakit?" wala naman sa sariling tanong ni Rich.
"Kasi kung nakakatunaw ang tingin, malamang kanina pa akong umaagos dito." sabay tawa ni Nico.
"Ay ang kapal!" sagot naman ngnamumulang si Rich.
Nilingin ni Nico si Rich at lalo itong natawa. Pulang-pula ang nakasimangot na si Rich. Habang si Rich naman ay lalong sumimangot sa lakas ng tawa ni Nico.
"Sorry ha, hindi ko mapigilan eh." sabi ni Nico sa pagitan ng pagtawa.
"Kabagan ka sana!" naiinis na sagot ni Rich sabay nguso sa sobrang inis.
"Huwag mong gawin 'yan please. Baka mahalikan kita." seryosong sabi ni Nico habang diretso ang tingin sa daan.
Si Rich naman ay muling napatulala sa sinabi ng binata. He never fails na pag-blangkuhin ang utak niya.
"We're here." si Nico.
"Okay. Nga pala, bakit ka nagresign bilang driver ko?" kunot-noong tanong ni Rich sa pababa na ng sasakyang si Nico.
"I quit para maligawan kita ng maayos. Ang awkward naman kung liligawan ko ang 'boss' ko 'di ba?" sagot ni Nico bago bumaba ng sasakyan para pagbuksan ng pinto si Rich
BINABASA MO ANG
INFINITY
FanfictionSi Rich. Si Nico. Dalawang taong magkaiba, pero pinagtagpo ng tadhana.