Chapter 9

994 98 2
                                    


"Boss, coffee?" Sabi ni Nico sabay baba ng isang tasang kape sa mesa ni Rich.

"Salamat. I badly needed this." Sagot ni Rich sabay higop ng kape. Pero dahil sa antok ay di niya natantya ang init ng hinihigop na kape.

"Careful! Mainit Kaya!" Worried na sabi ni Nico sabay abot ng napkin.

"Salamat. Naexcite ako sa kape kasi." Sagot ni Rich habang nagpupunas ng labi niyang napaso.

Pasado alas-dos na ng makauwi sina Rich at Nico mula sa pagkain ng ice cream at kahit puyat at inaantok pa, kailangan nilang pumasok ng maaga sa restaurant. Dahil maliban sa mga gawain sa kitchen, may mga paper works pang kailangang basahin at pirmahan si Rich.

"Pano? Maiwan na muna kita dyan. Tapusin ko muna ang pag prep ko sa kitchen." Paalam ni Nico.

"Okay. Tapusin ko lang ang mga ito tapos sunod ako. Salamat sa Kape!" Sagot ni Rich sabay tungo sa mga papeles na kailangang pirmahan.

"Boss, speaking of kape, alam mo ba kung bakit kape ang ibinigay ko sa'yo?" Pahabol na tanong ng nasa pinto nang si Nico.

"Bakit?" tanong ng nakatungong si Rich.

"Kasi ikaw ang gumigising ng natutulog kong puso." Sagot ni Nico sabay alis para magpunta sa kusina habang tumatawa, si Rich naman ay naiwang tulala at nakatitig sa pinto.

Malapit ng magbukas ang restaurant nang matapos si Rich. Agad siyang nagbihis ng Chef uniform at dumiretso sa kusina.

"Guys sorry di ko na kayo natulungan sa mga preparations dito sa kitchen" Bungad ni Rich sa kanyang staff.

"Wala na nga rin po kami halos naabutan na gawain eh. Nagawa na po halos lahat ni Nico." Sagot ng isa sa mga Sous Chef sabay turo kay Nico na noon ay gumagawa na ng dessert.

Tila nararamdaman ni Nico na nakatingin sa kanya si Rich. Nginitian niya lang ito at bumalik na sa kanyang ginagawa.

Pero dahil sa di inaasahan ni Rich ang reaksyon ni Nico, napaatras siya at na-out of balance. Ang resulta napahawak siya sa taklob ng kaserola ng kanilang soup.

"Aray!" Sabi ng nabigla at nasaktang si Rich habang hawak ang kaliwang kamay.

"Hindi ka kasinag-iingat!" Sabi naman sa kanya ng mala-flash sa bilis na si Nico.

"How did you get here so fast?" Curious na tanong ni Rich.

"Pinsan ko si Flash." Simangot na sagot ni Nico habang pinaaagusan ng malamig na tubig ang kamay ni Rich sa lababo.

"May First Aid Kit ba dito?" Tanong ng Nakakunot ang noong si Nico.

"Nasa office. Grabe naman pagkakasimangot mo!" Sagot ni Rich habang nakasilip sa nakasimangot na mukha ni Nico sabay tinusok tusok ng kanyang hintuturo ang noo ng binata.

"Kayo na muna ang bahala dito ha. I'll be back in a while." Pamamaalam ni Nico.

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Rich.

"Malamang para gamutin iyang kamay mo. And young lady, don't joke right now, you're not being funny." Sagot ni Nico sabay inakay si Rich papunta sa office nito.

Pagdating sa office ay pinaupo ni Nico si Rich at tinanong lang ito kung nasaan ang First Aid Kit. Agad niya itong kinuha at lumuhod sa harap ng dalaga. Marahan niyang kinuha ang kamay ni Rich at nilagyan ng ointment.

Habang abala si Nico sa pagbibigay ng First Aid ay titig na titig lang sa kanya si Rich. Hindi niya maipaliwanag kung ano ang nararamdaman. This feeling is new to her. Sanay siya na siya ang nagaasikaso sa ibang tao and not the other way around.

"Ayan, okay na. But you're not allowed to go near the kitchen for now." Sabi ni Nico habang nililigpit ang First Aid Kit.

"Eh paano na ang kitchen?"

"Kaya na namin yun. For now, stay here and ipahinga mo iyang kamay mo." Sagot ni Nico. Then he kissed Rich on the top of her head and left

INFINITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon