FINALE

1.8K 120 28
                                    

The party went well. Maliban sa paminsan-minsang paglapit ni Annie kay Nico ay wala namang nangyari na ikinainit ng ulo ni Rich.

Isa-isa nang nagpaalam ang mga bisita kay Valeen at Jerald. May ilang bisita pa na humingi ng calling card ni Rich for future events booking daw.

Busy si Nico sa pagliligpit ng mga mesa nang biglang may yumakap sa kanya mula sa kanyang likod.

"I realy need this hug right now. I'm so exhausted. Thanks babe." sabi ni Nico na humawak pa sa kamay ng yumakap sa kanya ng hindi man lang tumitingin.

"I knew it! You still love me." sagot ng nakayakap kay Nico.

"Annie?!" gulat na sabi ni Nico sabay alis ng mga brasong nakayakap sa kanya.

"I know na alam mong ako ang nakayakap sa'yo."

"No. Don't get me wrong. I thought you're someone else." paliwanag ni Nico.

"Alam kong nasa puso mo pa rin ako Babe. I can still feel na mahal mo pa rin ako. Come with me sa condo ko and I'll show you how much I missed you." sagot ni Annie while tracing Nico's chest with her finger.

"Tapos na ang lahat between you and me Annie. Mahirap bang intindihin yun?" muling tanong ni Nico.

"Why do you keep on bothering MY man?" tanong ng papalapit na si Rich.

"Dahil mahal pa niya ako. And he's mine." mataray na sagot ni Annie.

"He WAS yours. Past tense." mataray ding sagot ni Rich.

"Ano bang pakialam mo? Aside from being co-workers, hindi ako naniniwalang may iba pang namamagitan sa inyong dalawa." nakataas ang kilay at tila naghahamong sabi ni Rich.

"Nagkataong hindi lang ako katulad mo na parang linta kung dumikit."

"Basta I know how Nico is as a boyfriend. Ilang years naging kami kaya...."

HIndi na nakatapos ni Annie ang sasabihin niya dahil hinalikan ni Rich si Nico sa harap niya.

She gently grabbed Nico's nape, pulled his head lower to meet hers, tip-toed so he can reach his inviting lips. His lips tastes sweet. She closed her eyes and let herself drown into the sweet sensation of that kiss. and she felt the butterflies in her stomach. And only then she realized that she is indeed in love with Nico.

Napahinto lang sina Rich at Nico nanag makarinig sila ng impit na tili at tawanan. Still running out of breath, tiningnan ni Nico kung sino ang nanonood sa kanila. Si Rich naman ay nanatiling nakasubsob sa dibdib ng binata.

"Umalis na si Annie, knaina pa." pabirong sabi ni Jerald.

"This is new." si Pat na hawak si Sam ang kamay.

"Kami lang ba? Bakit kayo magkaholding-hands na? sabi ni Nico sabay nguso sa magkahawak na mga kamay nina Sam at Pat na ikinapula ng dalaga.

"Wala kang pake!" pabirong sagot ni Sam.

"Magsiuwi na kayo. Saka na tayo magkwentuhan dahil may pag-uusapan pa kami ng BABY KO." pagtataboy ni Nico na lalong ikinatawa nina Sam at Jerald.

"Rich, we'll go ahead. Kwento ha." paalam ni Pat habang hinihila ni Sam palabas ng restaurant.

Nang makalabas ng pinto ang apat ay saka lang binalinga ni Nico si Rich.

"They're gone baby. Hey, why are you crying?" nag-aalalang tanong ni Nico.

"Because....the feeling is overwhelming...and I'm so scared to fall for you." at lalong umiyak si Rich.

"Why? Hindi ko pa ba napapatunayan na sobra kitang mahal?" tanong ni Nico habang pinapahid ang mga luha ni Rich.

"Baka iwan mo lang ako. Ipagpalit..."

"Sssshhh. I'll never do that to you." sagot ni NIco at bahagyang iniangat ang mukha ni Rich para matingnan ito sa mga mata.

"Talaga?" parang batang tanong ni Rich.

"Listen. I'll never do anything to hurt you. Mas gugustuhin kong ako ang masaktan kesa ikaw. And leave you? Mamamatay muna ako bago kita iwan." seryosong sabi ni NIco.

"Promise?" sagot ni Rich.

"Promise."

And they sealed their forever with another kiss.

INFINITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon