Chapter 18

912 88 4
                                    

Hindi maipaliwanag ni Rich ang nararamdaman habang pinagmamasdan ang pagyayakapan nina Valeen at Nico. Nasasaktan na naiirita na hindi niya maintindihan. Basta ang nasisigurado niya lang ay diretsong basurahan ang ibinigay na bulaklak ni Nico.

"Back to business. Sorry Richmaine, na-excite kasi ako. I missed this guy so much." si Valeen habang nakakapit sa braso ni Nico.

"Napansin ko nga." pabulong na sagot ni Rich.

"Come again?" sagot naman ni Valeen na halatang hindi talaga narinig ang sinabi niya. Samantalang si Nico naman ay kunt-noong nakatingin sa kanya. Pero wala siyang pakialam kaya inirapan niya lang ang binata.

"Ay wala. I was thinking kung ano ang pinag-uusapan natin before Nico arrived. Ah yes! Our services. Wait, let me get a copy of the packages we offer. Excuse me." sabi ni Rich sabay tayo para kunin ang brochure nila. At pagdaan niya sa basurahan ay itinapon niya ang halos mapunit ng note mula kay Nico.

Pagbaik ni Rich ay naabutan niyang nagkukulitan sina Valeen at Nico.

"Ehem! Am I interrupting something? Should I come back later?" nakangiting sabi ni Rich habang palipat-lipat ang tingin sa dalawa.

"Of course not! Ano ka ba naman?" sagot naman sa kanya ni Valeen na nakasandal sa balikat ni Nico.

"I think I better go back to the kitchen." sabi ni Nico sabay tayo sa upuan.

"Aw! Rich, do you mind if I call you Rich?" tanong ni Valeen na nakahawak pa rin sa kamay ni Nico.

"Of course not." nakangiting sagot ni Rich kahit binubugbog na niya sa isip ang dalawang kaharap.

"Can Ardie stay? Na-miss ko kasi siya talaga. Please?" pakiusap ni Valeen.

"He can stay if he's done with his chef duties." sagot ni Rich sabay lipat ng tingin kay Nico.

"I;m done." tipid na sagot ni Nico.

"Yay!" sigaw ni Valeen sabay hila kay Nico para muling maupo.

"So let's proceed?" sabi ng nagngingitngit na si Rich.

Ipinaliwanag ni Rich ang services at offers ng restaurant nila. Pati menu at price ranges. Pero paminsan-minsan ay napapatingin siya sa dalawang kaharap at nawawala siya sa focus.

"So ano bang food ang gusto mo para sa surprise party for your boy...." tanong ni Rich na pinutol ni Valeen.

"Sssssssh! May I have a list of your menu please? Kasi naman, I didn't know that you work hers bebs." sabi ni Valeen sabay tingin kay Nico.

"Ano namang kinalaman ko sa ino-organized mong party?" curious na tanong ni Nico.

"Wala lang." sagot ni Valeen sabay ngiti.

"Nakapili ka na ba?" nanginginig ang boses ni Rich. She wants to get this over with dahil kung hindi ay baka hindi na niya mapigilan ang luha niya. Nasasaktan na siya talaga.

"I want this, this and this." sabi ni Valeen sabay turo sa listahan sa menu.

"So these three for the main course. How about for appetizers and desserts?" muling tanong ni Rich habang inililista ang mga itinuro ni Valeen.

"Pwede bang ie-mail mo na lang sa akin ang mga menu niyo? I really can't discuss this now. Here's my card, andyan na ang e-mail address ko." sabi ni Valeen sabay abot mg calling card.

"Okay, let's do that." sagot ni Rich sabay kuha ng card.

"It's nice doing business with you Richmaine." si Valeen sabay abot ng kamay nito para makipag-shake hands.

"The pleasure is all mine." sagot ni Rich sabay abot sa kamay ni Valeen.

Matapos makipag-shake hands ay binalingan ni Valeen si Nico at niyakap ito.

"Beb, don't ever run away from me again, okay? Magsabi ka naman kung bigla kang mawawala." sabi ni Valeen matapos yakapin si Nico.

"Yup. And you take care of yourself, okay?" sagot ni Nico habang hinahaw ang buhok ni Valeen.

Magsasalita na sana si Rich nang may biglang dumating na lalake.

"Love, are you done here?" tanong ni Jerald.

"Yes Love. And look who i found." nakangiting sagot ni Valeen.

"Ardei?! Wow! We've been looking all over for you. Where have you been, man?" bati ni Jerald sabay yakap kay Nico.

"I'm good. Andito lang ako." sagot ni Nico sabay tawa.

"By the way, Richmaine, meet Jerald, my boyfriend and Nico Arddei's bestfriend." pagpapakilala ni Valeen.

"But I thought, Nico is your boyfriend." nagtatakang tanong ni Rich.

"No. Nico is my cousin." nakangiting sagot ni Valeen.

"Oh my God! Sana mahabol ko yung note sa basurahan." bulong ni Rich sa sarili.

INFINITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon