Chapter 22

1K 94 10
                                    

Dalawang araw ng naka-leave si Nico at parang habit na ni Rich ang tumingin sa station ni Nicoas if expecting to see him there. Meron namang mga araw na parang nakikita niya si NIco sa malayo tapos biglang mawawala. O kaya ay biglang maririnig niya ang boses ni Nico. Pakiramdam nga niya ay parang nababaliw na siya. Dahil kahit nasaan siya ay tila nararamdaman niya ang presensya ng binata.

Nakapatong ang uloni Rich sa ibabaw ng mesa niya ng may biglang magsalita.

"Have you eaten?"

"Naku ayan na naman. Bakit ba hindi ka mawala sa isip ko?" sabi ni Rich sa sarili habang nakasubsob pa din sa mesa.

"Ano bangnangyayari sa'yo? May masakit ba sa'yo?"

"I'm fine, I'm fine. Please get out of my head." halata sa boses ni Rich ang frustration.

"Uy! Ano bang nangyayari sa'yo?" worried na tanong ni Nico sabay tapik sa braso ng dalaga.

Dahil sa pagtapik ni Nico ay biglang napatunghay si Rich.

"You are here!" gulat na gulat na sabi ni Rich.

"Yes, I am here. Kanina pa ko ng nagsasalita diba?" confused na sagot ni Nico habang nakakunot pa ang noo.

"Sorry, I thought it was my imagination again." tila confused pa rin na sagot ni Rich.

"Really? So pati pala imagination mo na-occupy ko na?" nakangiting tanong ni Nico.

"Oh, huwag ikakalaki ng ulo." nakangiti ding sagot ni Rich sabay lapit sa pwesto ni Nico.

"Baka naman kurutin mo pa ko para lang makasiguradong I'm really here." biro ni Nico.

"No. But I'll do this. I missed you." sabay yakap kay Nico na bahagyang natigilan.

"I've missed you too. You just don't know kung ilang beses kong pinigilan ang sarili kong puntahan ka dito." sagot ni Nico sabay yakap kay Rich.

"Bakit ka nga pala andito? Imposibleng magaling na agad ang kamay mo." si Rich nang umalis sa pagkakayakap kay Nico.

"Thursday ngayon diba?"

"Oo nga. Anong meron?" curious na tanong ni Rich.

"Pinareremind ni Val yung party niya for tomorrow." sagot ni Nico.

"Hindi ko naman nakakalimutan. Tell her that everything is ready for tomorrow. Yun lang ba?" tanong ulit ni Rich.

"Yes, yun lang." nangingiting sagot ni Nico.

"Kala ko pa naman nagpunta dahil namiss ako." pabulong na sabi ni Rich sabay lakad pabalik sa table niya.

"Syempre yun din! Tampuhin." nakangiting habol ni Nico sabay back hug kay Rich.

"Sus! Napipilitan ka lang." nakasimangot na sagot ni Rich.

"HIndi kaya! Ginawa ko lang dahilan si Val kasi baka mapagalitan mo ako. Sabihin mo naman I should be resting. But I really missed you baby." paliwanag ni Nico sabay halik sa buhok ng dalaga.

"I missed you too." bulong na sagot ni Rich.

Hindi nila alam kung gaano sila katagal sa ganoong pwesto. Ang tanging alam nila ay ang sabay na pagtibok ng kanilang mga puso.

Damang-dama pa nila ang saya na muling maramdaman ang yakap ng bawat isa ng biglang may magsalita sa may pinto.

"Excuse me, am I interrupting something?" tanong ni TJ na nakatingin sa kanilang dalawa.

"Actually, yes you are." seryosong sagot ni Nico sabay kabig sa bewang ni Rich.

"Rich, what's the meaning of this?" muling tanong ni TJ.

"Ano ba sa palagay mo?" sagot ni NIco.

"Si Rich ang kausap ko kaya huwag kang sumagot." mataas na ang tonong sagot ni TJ.

"Nico, please go home. Ako na ang kakausap sa kanya. Please." baling ni Rich kay Nico na sinunod naman ng binata.

Nang makaalis si Nico ay binalingan ni Rich si TJ.

"Boyfriend mo na ba ang driver na iyon?" galit na tanong ni TJ.

"No, he's not my boyfriend yet, and he's not my driver anymore." kalamadong sagot ni Rich.

"Are you really that desperate to fall in love? Na pati empleyado mo na nagpaparamdam ng sweetness sa'yo e papatusin mo? Paano kung gamitin ka lang niya?"

"First and foremost, you are in no position to tell me those things. Secondly, I'm not desperate to fall in love because if I am, malamang ikaw ang sinagot. And lastly, Nico is not just an employee. I love that guy and if you came her to insult me or him, just leave." galit na sagot ni Rich.

"Rich I'm sorry...." si TJ.

"Nasabi mo na. Just go." sagot ni Rich sabay talikod kay TJ. 

INFINITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon