Chapter 5

1.1K 91 2
                                    

'TJ?!' gulat na salubong ni Rich sa lalakeng nakaupo sa harap ng bahay nila.

'May iba ka pa bang kilala na ganito kagwapo?' pabirong sagot ni TJ bago lapitan at yakapin si Rich.

'Ang laki ng itinangkad mo ah! Ano bang kinakain mo sa Amerika at yun din ang ipapaluto ko?' muling tanong ni Rich matapos yakapin ang binata.

'Drum drum na gatas!' sagot ng binata at sabay silang tumawang dalawa.

Habang nagkukwentuhan ang dalawa ay tahimik silang pinapanood ni Nico. Iniisip kung sino ang binata sa buhay ni Rich. Ngayon niya lang nakitang tumawa ang dalaga. Parati kasi itong nakasimangot kapag nakikita siya.

'Excuse me, anong sasabihin ko kay Manang kapag dinala ko ang mga ito sa kusina? Tanong ni Nico kay Rich sabay taas ng mga pinamili nila.

'Sorry nakalimutan ko. Tell Manang na ilagay sa fridge ang dapat ilagay tapos yung iba iwan na lang sa mesa.'

'Uy bagong mukha!' tila excited na sabi ni TJ.

'Oo nga pala. TJ, this is Nico, driver ko. Nico, this is TJ, an old friend.' Pagpapakilala ng dalaga sa dalawang binata na tila nagsusukatan sa tingin pa lang. Nang mapansin naman nilang nakatingin sa kanila si Rich ay agad silang nagkamay.

'TJ pare. Future boyfriend ni Rich.' Sabay akbay kay Rich.

'Mukha mo!' sagot ni Rich sabay tanggal ng kamay ni Tj sa pagkakaakbay sa kanya habang tumatawa.

'Nico, hashtag basag.' Sagot naman ni Nico sabay pasok na ng mga pinamili nila para maiayos na ni Manang.

Naiwan si Rich na nakahawak sa tyan niya habang tumatawa at si TJ naman na masama ang tingin sa papasok na ng bahay na si Nico. Nang biglang lumingon si Nico ay muling nagtama ang mga mata ng dalawa. Halata sa mga tingin ni TJ ang malaking pagka-asar kay Nico. Lalo na ng makita niya ang sumilay na ngiting tagumpay sa mga labi ng binata.

Nang makaalis na si Nico ay ipinagpatuloy nang dalawa ang kwentuhan. Maraming nagging kwento si TJ tungkol sa mga adventures niya sa ibang bansa. Maya-maya pa ay nagpaalam na ito.

'I'll go ahead. It's getting late. I'm sure pagod ka na rin.' Paalam ni TJ.

'Salamat sa pagbisita ha.' Sagot naman ng nakangitisng si Rich.

'Nga pala, matagal mo na bang driver iyang si...anon gang pangalan niya?'

'Si Nico. Ngayon lang siya nagsimula at di ko alam kung saan siya nakilala ni Mommy.' Paliwanag ni Rich.

'He looks familiar. I wonder kung saan ko siya nakita.' Sabi naman ni TJ habang nag-iisip.

'Baka naman kamukha lang niya ang nakita mo. Huwag mo ng paka-isipin.' Natatawang sagot ni Rich.

'Siguro nga. Paano? Alis na ako. Dalaw na lang ako ulit. Huwag mo na ako ihatid sa labas. Sa labas kasi ako nagpark. Pasok ka na sa loob. Bye.' Sabay beso ni TJ.

'Bye.' Paalam ni Rich habang kumakaway sa papalabas ng gate na si TJ.

P

INFINITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon