Chapter 6

1K 99 0
                                    

Nang makaalis na si TJ ay dumiretso na si Rich sa kwarto niya. Nagbihis lang at nahiga na sa kama. Masyadong maraming nangyari sa restaurant ngayong araw. She lost her executive chef, napirata ng kalabang restaurant at nabigla siya sa nangyari. Wala siyang kaalam-alam na napipirata na ang kanyang head of the kitchen.

And then, there's asking help from Nico. And she didn't expect to see those worried eyes nung inakala ng binata na sumama ang pakiramdam niya. And she's wondering kung ganun din ang binata sa girlfriend nito. May GF kaya siya? Sandali, bakit ba niya iniisip ang mga bagay na ito. Hindi naman importante kung may girlfriend o wala yung tao. Ang mahalaga ay nangako itong tutulungan siya sa kanyang dessert disaster. And with that in mind, nakatulog na siya.

Alas-dos ng madaling araw ng biglang magising si Rich. Hindi niya alam, pero bigla niyang naisip na parang may nakalimutan siya. Dumaan pa ang ilang minute bago niya ito maalala. Napabalikwas siya ng bangon at dumiretso sa kusina.

Nang makarating siya ng kusina ay nadatnan niya si Nico na tulog habang nakaub-ob sa counter top. Tahimik siyang naupo sa tabi nito at pinagmasdan ang binata. Gwapo naman pala talaga ito at mukhang mas gwapo pa kapag natutulog. Napangiti si Rich sa iniisip at ngiting ngiti pa siya ng biglang magising si Nico.

'Hmmmmm...kanina ka pa ba dyan?' tanong ng nag-iinat at pakurap-kurap na si Nico.

'Kakarating ko lang. Gigisingin na nga sana kita.' Nakatungong sagot ng namumulang si Rich.

'Bakit ba parang di ka mapakali?' kunot-noong tanong ni Nico habang nag-stretch ng nangalay niyang braso.

'Sandali nga. Bakit ka ba andito sa kusina? Dito ka ba talaga natutulog?'

'The same reason you're here.' Sagot ni Nico sabay tayo at naglakad palapit kay Rich. Sa bawat hakbang palapit ni Nico ay siya namang hakbang paatras ni Rich. Hanggang sa maramdaman niyang wala na siyang aatrasan dahil sa ref na ang nasasandalan niya. Napapikit na lang si Rich nang iangat ni Nico ang mga kamay niya.

'Rich are you okay?' curious na tanong ni Nico.

Sa tanong ni Nico ay napamulat siya ng mata. Nakaangat ang kamay ni Nico pero hindi sa kanya nakahawak kundi sa ref. At muli naramdaman niya ang pamumula ng mukha niya.

'May kukunin ka bas a ref? Sorry.' Sabi ng pulang pulang si Rich.

'Feeling ko inaantok ka pa. but I'll make sure na magigising ang senses mo kapag natikman mo ito.' Nakangiting sabi ni Nico sabay baba ng hawak na chocolate cake sa tapat ni Rich.

'Chocolate cake?' tanong ni Rich sabay kuha ng tinidor para tikman ang cake.

'Wait for the finishing touch, bacon.' Sabi ni Nico sabay binudburan ng bacon ang ibabaw ng cake.

'Bacon? Sa chocolate cake?' takang tanong ni Rich.

'Yes! Presenting Spicy Chocolate Cake with Bacon Sprinkles.' Proud na sagot ni Nico.

Napangiti naman si Rich sa introduction na ginawa ni Nico. Para kasi siyang bata na sobrang proud sa nagawa niya. At mas lalo pang lumaki ang ngiti ni Nico ng makita ang reaksyon ni Rich.

'Wow! Sarap nito! Lasang isa pa.' sabi ni Rich habang kinakain ang cake.

'Glad you liked it.' Nakangiting sagot ni Nico habang nakatitig kay Rich. Hindi niya alam bakit gusting-gusto niyang tingnan ang dalaga. Basta ang alam niya lang ay napapangiti siya kapag tinitingnan niya si Rich.

'Bakit mo naisip lagyan ng chili powder at bacon?'

'Tanggal umay. That's pure chocolate. Kapag walang paiba ng lasa, malamang magiging nakakaumay.' Paliwanag ni Nico na aliw na aliw panoorin ang kumakain na si Rich.

'At dahil pumasa sa akin ang cake mo, pwede bang ito na lang ang gamiting dessert ng restaurant namin?' seryosong tanong ni Rich.

'Sure!' excited na sagot ni Nico.

'Isa pang tanong. Pwede bang humingi ng tulong sa pagma-manage ng kitchen ng restaurant?

INFINITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon