Chapter 8

1K 95 0
                                    


Days turned into weeks, and weeks turned into months. Naging mabilis ang paglipas ng mga araw. Limang buwan ng nagtatrabaho si Nico bilang driver at Sous chef ni Rich. Sa kabilang banda di na naghanap si Rich ng papalit sa kanyang Executive Chef. Siya na lang ang tumayong manager at Chef ng Resaurant.

At sa tagal na rin ng pinagsamahan nilang dalawa ay naging malapit at komportable na sila sa isa't isa. Nagbibiruan na sila at nagpapalitan na din ng mga kuro-kuro. Napagkwentuhan na rin nila ang buhay ng bawat isa. Pati na din ang kani-kanilang buhay pag-ibig.

"Gusto ko ng Ice Cream." Biglang sabi ni Rich habang naglalakad sila papuntang kotse.

"Ang daming Ice Cream dun sa restaurant ah." Sagot ni Nico habang nakaharap kay Rich at paatras ang paglalakad.

"Sawa na ako sa Ice Cream ng Restaurant e." Simangot na sagot ni Rich.

"Produkto na nga ng restaurant niyo di mo pa suportahan."

"Nakakaumay na kaya. Tayo ang gumawa. Tapos all day yun na ang kinakain ko."

"Well, sabagay nga." Sagot ni Nico sabay bukas ng pinto ng kotse.

"Daan tayo ng 7-11." Pag-aaya ni Rich.

"Late na kaya." Sagot ni Nico habang ini-start ang kotse.

"Eh ano naman? 24 hours naman silang bukas? Sige na please!!" Pamimilit ni Rich habang inaalog ang braso ni Nico.

"Oo na! Baka mabangga pa tayo e!" sagot ni Nico sabay ngiti. At palihim niyang nilingon si Rich. At muli nakita na naman niya ang ngiti ng dalaga na nagpapabilis ng tibok ng puso nya.

At dahil pasado alas-dose na, maliban sa crew ay sila lang dalawa ang tao. Matapos magbayad ng Ice Cream, lumabas na sila at sa may parking area kumain. Naupo sila sa may gutter at doon nagkwentuhan.

"Laro tayo." Panimula ni Rich habang masaya sa pagkain ng Ice Cream.

"Ano?" tanong ni Nico.

"Hundred Questions." Sagot ni Rich habang nakatingin sa mga bituin.

"Ang dami naman nun!" Nabiglang sagot ni Nico.

"Eh hindi naman natin lalahatin ngayon eh. Hundred Questions lang kasi endless Q & A ang gagawin natin." Paliwanag ni Rich.

"Yun lang naman pala. Sige simulan mo na." Sagot ni Nico na abala sa pagkain ng Ice Cream.

"Why did you decide na mag-apply bilang driver? And of all people, sa mom ko pa talaga!"

"Actually I have no intentions of applying as your driver. But nung minsan, your mom needed help and I was there. Muntik na ma-snatch yung bag nya. I helped her tapos since para lang akong pinabili ng suka that time, I mean yung suot ko, ayun she offered me a job na maging driver nga at tinanggap ko naman. Maiba lang." Paliwanag ni Nico.

"Did you expect that you'll drive for me?" Follow-up Question ni Rich.

"No. I thought I'm going to drive for your mom." Sagot ni Nico sabay lingon kay Rich.

"O ikaw naman magtanong." Sabi naman ng dalaga.

"Bakit wala kang boyfriend?" Biglang tanong ni Nico na nakapagpasamid kay Rich. Agad naming hinimas ni Nico ang likod nito dahil ubo ng ubo ang dalaga.

"Grabe! Yun agad ang tanong?" Sagot ni Rich habang hinahagod ang dibdib.

"Wala akong maisip na tanong e."

"Okay. Wala akong boyfriend kasi wala pang dumarating." Simpleng sagot ni Rich habang nakatingin sa malayo.

"Wala pang dumarating? Sa ganda at successful mo na iyan walang lumiligaw sa iyo?" Di makapaniwalang tanong ulit ni Nico.

"Meron naman. But I haven't found the right one." Sagot ni Rich sabay tingin kay Nico at taas baba ng kilay niya.

"Eh si Tj?"

"We're just friends."

"Sigurado?" Muling tanong ni Nico.

"Oo nga! Uwi na nga tayo, umaga na oh!" Sagot ni Rich sabay tungo kaya di nya napansin ang ngiting sumilay kay Nico.

"Halika na nga tulungan kitang tumayo." Alok ng nakatayo ng si Nico sabay abot ng kamay niya kay Rich.

"Thanks." Sabay abot sa kamay ni nico. Agad ding bumitaw si Rich para pagpagan ang likod ng pantalon niya. At naglakad na papuntang kotse. Pinagbuksan naman ni Nico ng pinto si Rich.

"Ano bang hinahanap mo sa lalake?" Muling tanong ni Nico habang nag-start ng sasakyan.

"Simple lang. Someone who can make my heart faster and slower at the same time. And someone who can make me smile no matter how serious I am or the situation." Sagot ni Rich habang nakapikit.

"Simple lang naman pala." Sagot ni Nico na di mapigilang ngumiti.

INFINITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon